Ilang segundo din ang lumipas bago sumagot ang babae sa kabilang linya. Malakas ang tibok ng dibdib ko at pinagpapawisan na rin ako.
"Hello po? Kuya? Sorry po wala pong Amy dito"
Namatay ang pag asa ko.
"Ganun ba? Number kasi ito ng kaibigan kong matagal ko ng hinahanap. Puwede ko bang malaman kung saan mo nabili yang phone mo?" naisip ko na baka ibinenta ni Amy ang phone niya para magkapera.
"Sa Shinogawa po".
Alam ko ang lugar na ito. Nasa isang maliit na Isla ito limang bayan mula sa amin. May dalawang linggo pa ako bago mag Christmas break. Makakapag ipon pa ako para sa umpisa ng paghahanap ko kay Amy.
Walang araw ang hindi ako kumita. Nag doble doble ako ng trabaho at kumukuha pa ng part time para makapag ipon. Inayos ko na din lahat ng dapat ayusin sa university. Makikita ko na rin sa wakas si Amy at handang handa na rin akong ipagtapat sa kanya lahat ng nararamdam ko para sa kanya.
Dumating ang araw ng pag alis ko papuntang shinogawa. Tinawagan ko na din sina mama at papa para ipaalam sa kanila na aalis ako pero hindi ko sinabi ang totoong dahilan. Dalawang oras ang biyahe sakay ng tren. Isang oras at kalahati naman sakay ng bus. At tatlong minuto sakay ng isang maliit na bangka. Nakarating din ako sa destinasyon ko. Maliit na isla lamang ito at ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao dito ay ang pangingisda. Kitang kita ko dahil sa mga nagkalat na maliliit na bangka at dried fish na nakabilad sa araw. Hindi man ako sigurado kung nandito nga ang taong hinahanap ko pero walang takot kong susuyurin ang lugar na ito mahanap ko lang si Amy.
Tinawagan ko ulit ang taong may-ari na ng phone ni Amy. Nakipagkita ako sa kanya sa may palengke ng lugar.
Nalaman ko mula sa kanya na si Amy nga ang nagbenta sa kanya ng phone nang makita niya ang picture ni Amy.
Naramdaman ko mula sa puso ko na unti unti ng lumiliwanag ang pag asa kong makita siya. Inalam ko kung saan sila huling nagkita at kung saan ba ito pumunta pagkatapos nilang magkita. Dinala ako ng babae sa lugar kung saan sila nagkita at doon na din nya ako iniwan. Diretso lang ang daan na iyon at halos walang taong dumaraan. Maliit at sarado ang mga bahay doon. "Paano ako magsisimula?" natanong ko ang sarili ko. Sa hindi kalayuan nakakita ako ng isang ale na papalabas sa bahay nito.
"Excuse me po, pwede po bang magtanong?" tumango naman ang ale. Agad ko ipinakita ang larawan ni Amy sa kanya. "Kilala niyo po ba ito?" maiging tinitigan ng ale ang larawan. “Pasensya na iho, hindi ko siya kilala".
Hindi ako nawalan ng pag asa, itinuloy ko parin ang paghahanap ko. Naglakad ako hanggang sa nakapunta ako sa isa pang kanto. Halos mga tindahan na ang mga nandoon, mga kainan at inuman. Ipinagtanong ko sa mga tindera kung kilala nila si Amy pero lagi akong
bigo. Maghapon na rin akong naglalakad sa lugar na ito. Ramdam ko ang gutom pero wala akong ganang kumain kaya pumasok nalang ako sa isang bar. Unti unti akong nawawalan ng pag asa pero alam kong kailangan akong lumaban. I drank all my promblems thinking that after it will be okay.
Pero mali ako at alam ko iyon. Mag aalas sais na pala ng gabi at malapit na ring mag dilim ang kalangitan. Paalis na ako sa bar nang may pumukaw ng atensyon ko.
Isang magandang dalaga na may mahabang buhok at may suot na kuwintas na korteng buwan.
"A-Amy?" kahawig na si Amy, pero hindi ako sigurado kung siya nga iyon. Matagal na rin nung huli ko siyang makita. Nakasunod ang babaeng nakita ko sa isang matabang lalaki at nakapalibot sa kanila ang mga animo'y body guards habang papasok sila ng bar. Dahan-dahan akong lumapit, gusto kong makasigurado kung si Amy nga ang nakikita ko. "Amy?!" medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig niya ito. Mabilis ang pagtingin sa akin ng babae. Kita kong gulat siya ng makita ako. Nagtagpo ang mga mata namin at nagtagal iyon ng ilang segundo. Pero ang mga segundong iyon ang pinaka matagal na segundo ng buhay ko. Nahanap ko nasa wakas si Amy. Nahanap ko na ang Best Friend ko.
BINABASA MO ANG
MyBestFriendMyLove
RomantizmHe is a bad boy and I was just any ordinary girl. We met in an unexpected way. That was a Blessing in Disguise. We became best friends. He was there for me and I was there for him. Is Fate has something more in store for us? Will I be ready for that...