Nakahiga sila Julie at Elmo sa blanket at nakatingin sa kalangitan. Nakaunan si Julie sa braso ni Elmo habang ang isa pang braso ni Elmo ay inunan nya rin.
ELMO: “Natatakot ka ban a mawala ako sayo?”
JULIE: “Sinabi ko nay an eh. Bakit, tatakutin mo ba ako?”
ELMO: natawa “Hindi. Sasabihin ko lang na…” tumagilid at hinarap si Julie “Hinding hindi ako mawawala sayo. Hinding hindi kita iiwan. Kahit masaktan pa ako, hindi pa rin kita iiwan. At kahit saan ako mapunta, sayo at sayo pa rin ako babalik.” Ngumiti at hinaplos ang mukha ni Julie
JULIE: nakatingin kay Elmo at napangiti “Salamat. Marami ka ng nagawa para sa akin at hindi ko na alam kung pano ka pasasalamatan.”
ELMO: “Makita lang kitang ngumiti okay na ako.”
JULIE: pinisil ang ilong ni Elmo at tumawa
ELMO: natawa at hinuli ang kamay ni Julie na pumisil sa ilong nya
Nagkatinginan sila Julie at Elmo. Matagal sila sa ganung posisyon, nagtititigan at walang nagsasalita.
JULIE: “Moe, ano ba tayo?”
ELMO: deep breath “Hindi ko rin alam eh. Pero sa tingin ko, ikaw lang ang makakasagot nyan. Ayaw naman kitang pangunahan.”
JULIE: deep breath “Pwede bang…” tinitigan si Elmo “Wala muna tayong label?”
ELMO: “You mean… no commitment.”
JULIE: tumango “Yeah. I don’t think I can handle a formal relationship right now. Isa pa, parang ang bilis kasi eh. Baka magulat ang lahat pagnalaman nila. Idagdag mo pa yung mga nangyari, magulo pa. Baka walang maniwala at sabihin nila nagpapadalos dalos tayo.”
ELMO: tinitigan si Julie at nag-isip bago sumagot “I understand. Alam ko naman na hindi ka pa ready. Sinabi ko rin naman eh, handa akong maghintay. At sa tingin ko, walang dahilan para bumitaw ako.” Ngumiti
JULIE: ngumiti “Salamat, Moe.” Sumandal sa dibdib ni Elmo
ELMO: “Gabi nap ala. May hinanda akong dinner, kain na tayo?”
JULIE: umupo “Sure.” Smile
ELMO: tumayo at hinanda ang dinner nila
Nilabas ni Elmo ang dalawang plate pati ang lalagyan ng rice at ulam. Sabay silang kumain pero naunang natapos si Julie.
JULIE: tumayo at tiningnan ulit ang view sa baba “Ang ganda talaga dito. Parang miniature lang yung city sa baba eh.” Laugh
ELMO: kumakain pa rin “Ang ganda ng ilaw galing sa mga bahay. Parang mga stars lang pero nasa baba.”
JULIE: nilingon si Elmo at napangiti habang pinapanood itong kumain “Ang cute mo pala kumain. Ubusin mo lahat yan ha.”
ELMO: “Wag mo ako panoorin. Yung view na lang ang tingnan mo.” Tinapos na ang kinakain
JULIE: “View ka rin naman eh.” Tumawa at nilabas ang phone at kinuhanan si Elmo habang nagliligpit ito
ELMO: “Hey! Stop that! Wag mo ako kunan ng pictures!” tumayo at lumapit kay Julie
JULIE: “Why not?” lumayo at umatras
ELMO: “Julie naman eh!” lumapit kay Julie “Idelete mo nay an. Please?” puppy eyes
JULIE: tinago ang phone at tumakbo “If you can catch me.”
ELMO: “Hey!” hinabol si Julie
Naghabulan ang dalawa at nagpaikot ikot lang sa lugar na iyon. Tawa ng tawa si Julie dahil hindi sya mahabol ni Elmo.
JULIE: tumatakbo “Ang bagal mo naman!” laugh