Lumipas ang mga araw ay sunod sunod ang pag dedeliver nila ng mga Mannequin."Nay may nagpapa deliver na naman, doon po sa malaking mall!"
"Talaga? Naku grabe na to!" Masayang sabi ni Valeria.
Makalipas ang ilang buwan ay nakabili na agad ng sariling second hand na truck na pang deliver si Valeria at isang driver at dalawang tao para taga deliver ng mga Mannequin.
〰〰〰
Isang araw ay may tumawag kay Iris na taga Adeline corp, ipinasa ni Iris ang kaniyang cellphone kay Valeria.
"Nay taga Adeline Corp. kayo na po ang makipag usap."
"Adeline Corp? doon ko binili si Gricielda." sabi ni Valeria.
Kinausap ni Valeria ang taga Adeline Corp, at ang may ari mismo ang nakipag usap sa kaniya, abot ang ngiti ni Valeria habang kausap nya ang may ari ng Adeline corp.
Matapos nyang makipag usap ay kitang kita ang saya sa mukha ni Valeria.
"Yes!"
"Nay ano po ang sabi?".excited na taong ni Iris.
"Nagpapa deliver sila ng sampung mannequin, at kapag mabilis nila itong maibebenta ay sa atin na sila kukuha."
"Nay, eh bakit po sa atin kukuha, e diba pagawaan sila ng Mannequin?" sabi ni Iris.
"Hindi sila pagawaan, distributor sila, kumukuha pa sila sa ibang bansa ng mga Mannequin at binebenta nila dito, siguro nakita nilang mas maganda ang mga Mannequin natin at mas mukhang imported kaya baka subukan nila?"
"Ah ganon pala, oo nga nay, may kakaibang ning ning kasi yung sa atin eh at mas mura pa, sana sa atin na sila kumuha palagi."
"Oo nga anak, para sila na ang mag bebenta, malakas na kumpanya sila eh."
Sumunod pang mga araw ay nakatanggap muli ng tawag si Valeria mula sa Adeline Corp.
"Mrs. Sandoval, gusto naming maging distributor ng mga Mannequin, kakaiba ang mga Mannequin ninyo at mabilis ko itong naibebenta na parang hot cake."
Masaya si Valeria at nakipag transaksyon siya sa mga taga Adeline corp.
Ngunit iniiwas ni Valeria kapag tinatanong siya ng mga ito kung saan niya ito kinukuha o pinapagawa.
Lumipas ang mga araw ay bumubulusok na ang order ng Adeline corp sa kanila, pina pa import na rin nila ito sa mga karatig bansa, nag desisyon si Melania na hindi na mag aral para gumawa ng mga Mannequin,
"Pero Melania kailangan mong mag aral." sabi ni Valeria.
"Ayoko na po mag aral, masaya ako sa ginagawa ko."
Kahit anong pilit ni Valeria kay Melania ay ayaw na nitong bumalik sa pag aaral.
Isang araw..
Nang humarap sa salamin si Melania.
BINABASA MO ANG
A Mannequin's Tale
HorrorSi Melania ay isang bata na nangangarap maging kasing ganda ng isang mannequin at ito ay unti unting natutupad, ngunit papano na ang lalaking kanyang minamahal na si Brando? Halina at ating pasukin ang mundo ng mga mannequin. Ating tunghayan ang isa...