Kinahapunan, sa patahian ni Valeria abala ito sa pag aasikaso sa loob, kinakausap niya ang dalawa niyang mananahi, si Flor at Rose.
"Kailangan matapos natin ang mga uniform na yan sa sabado, mag overtime kayo kung kinakailangan." sabi ni Valeria.
"Madam siguradong matatapos ang mga ito, huwag ka mag alala." sabi ni Rose habang nananahi.
"Eh ngayon po ba ididiliver ang inorder nating mannequin?" saad ni Flor.
"Aba oo, kanina ko pa nga hinihintay."
"Level up na tayo biruin mo natupad na pangarap mo mag karoon ng mannequin sa shop natin." masiglang sabi ni Rose.
"Oo nga at blessing talaga para sa atin." ani Valeria.
Maya maya ay dumating ang magpinsan galing eskwelahan.
"Mano po nay." sabay na nagmano ang dalawa kay Valeria.
"Kaawaan kayo ng maykapal mga anak."
Makalipas ang ilang sandali ay may pumaradang puting truck, at may nakasulat na Adeline Corp.
"Nandito na ang hinihintay natin!." Excited na sabi ni Rose.
"Nay ano po yung truck na yon Adeline Corp?" tanong ni Iris.
"Dyan ko binili yung mannequin."
"Kaya po pala nagpagawa kayo ng display window sa harap ng shop natin?" Ani Iris.
"Oo." masayang sabi ni Valeria.
Nang narinig ni Melania na magkakaroon sila ng mannequin sa patahian ay natuwa ito.
"Wow! may mannequin na tayo yes!" masayang sabi ni Melania at lumabas sya ng patahian at inaabangan nyang ilabas ang mannequin sa loob ng puting delivery truck.
Binubuhat ng dalawang lalaki ang isang babaeng mannequin na malaki at may mahaba at itim na buhok na may bangs at maganda ang mukha, habang buhat buhat ito ng dalawang lalaki papasok sa patahian ay masayang nakatingin si Melania.
"Saan po ba ilalagay ito?" sabi ng isang lalaking nagbubuhat.
"Dito sa may bintanang salamin." Ani Valeria.
"Ang ganda!" sabi ni Rose at Flor na huminto pansamantala sa pananahi.
At matapos mailagay ang mannequin sa pwesto nito ay umalis na ang mga nag deliber.
"Nay tulungan ko na kayong bihisan ang mannequin." Excited na sabi ni Iris.
"O sige nga Iris tulungan mo ako."
"Ano po bang damit ang ipapasuot natin?"
"Itong extrang uniform." sabi ni Valeria.
"Uniform? bakit, diba dapat mga gown o di kaya yung magandang mga bestida?" Nagtatakang sabi ni Iris.
"Pero anak pansamantala lang muna kasi wala pa tayong extrang damit na maaaring ipasuot maliban sa uniform na ito, kaya pansamantala ay ito na muna."
"Ah eh sige po nay."
Habang binibihisan nila ang mannequin ay nakatulala si Melania sa pagtingin dito.
At pinagmasdan niya ang mukha nito, nilapitan niya at dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ng mannequin, pagkahawak niya ay may naramdamang kakaiba si Melania."Melania maupo ka na muna doon." sabi ni Valeria.
Naupo sa isang tabi si Melania at di pa din mapatid ang pagtingin niya sa mannequin na iyon.
"Nay ano po ang pangalan niya?" ani Melania.
"Walang pangalan to, hindi naman ito tao o alagang hayop para magkapangalan eh." sabi naman ni Valeria.
"Pero nay parang tao din sila."
"Ha? Ano ba sinasabi mo bata ka?"
"E di bigyan na lang natin ng pangalan para mas ok." sabi naman ni Iris.
"Hay ano ba kayo?, hindi na kailangan." ani Valeria.
Nang maisuot na ang uniform.
"Wow ang ganda!" sabi ni Rose.
"Uniform pa lang yan ang ganda na diba? lalo na siguro kung gown na ang ididisplay natin dyan, wala pa kasi akong puhunan para sa gown." sabi ni Valeria.
Niyaya na ni Iris si Melania pumasok sa loob ng bahay at nagtuloy sa kanilang silid para magpalit ng damit. Habang nagpapalit ng damit ay biglang may sinabi si Melania na ikinagulat ni Iris.
"Alam mo ate Iris gusto kong maging isang mannequin." nangangarap na sabi ni Melania at nangalumbaba ito sa may bintana at tumingin sa kalangitan.
"Ano? alam mo ba ang mga sinasabi mo Melania?" kilabutan na sabi ni Iris.
"Bakit naman?, masama ba yun?" sabi ni Melania at humarap sya kay Iris.
"Oo, nakakatakot ka naman, ang mannequin ay walang buhay, kaya bakit mo gustong maging mannequin?"
"Kasi maganda sila, matangkad, maganda ang mga mukha maganda ang balat at hubog ng katawan, perfect!"
"Haha! kaya naman pala, alam mo kaya magaganda ang mga mannequin ay dahil inukit lang ng tao yan syempre gagawin nilang perfect."
"Alam mo ate Iris nakarating na ako sa mundo ng mga mannequin." Seryosong sabi ni Melania at nahiga sya sa kama.
"Melania ano ba yang pinag sasabi mo?"
"Totoo!"
"At pano mo naman nasabing totoo?"
"Mula ng bata pa ako lagi ko napapanaginipan na nandoon ako, may mga buhay sila."
"Ah panaginip lang pala, so panaginip lang yan?."
"Pero parang totoo, nakikala ko pa nga ang kanilang Reyna eh, napakaganda nya."
"Hanggang ngayon napapanaginipan mo pa rin?"
"Oo ate Iris hanggang ngayon."
"Hay naku naman Melania kinikilabutan ako sa mga pinag sasabi mo dyan."
"Pangalanan natin siya ate Iris."
"Sino? yung mannequin na binili ng nanay?"
"Oo"
"Hay naku ikaw talaga."
"Gricielda, yun ang pangalan ng Reyna ng mga mannequin, sa kaniya ko siya ipapangalan." Masayang sabi ni Melania at niyakap nya ang kanyang unan.
"Hay, bahala ka sige na Gricielda na nga ang pangalan."
BINABASA MO ANG
A Mannequin's Tale
HorrorSi Melania ay isang bata na nangangarap maging kasing ganda ng isang mannequin at ito ay unti unting natutupad, ngunit papano na ang lalaking kanyang minamahal na si Brando? Halina at ating pasukin ang mundo ng mga mannequin. Ating tunghayan ang isa...