Chapter 15

2.5K 83 6
                                    

Nagpunta si Brando sa mansyon,

Pagdating ni Brando sa mansyon ay may nakita syang mga sasakyan ng mga pulis.

"Mang Roger ano nangyayari, bakit may mga pulis?"

"Eh hindi ko nga alam eh, hinahanap nila si Mam Melania, may warrant daw, hindi ko alam kung bakit? at may buhay na Manekin daw sa loob ng mansion! " Sabi ni Roger.

"Papasukin nyo ako!"
Naawa si Roger kay Brando.

"O sige pumasok ka sa loob , huwag ka lang magpapakita sa mga guard na kasama ng pulis sa loob ha."

Nasa basement si Melania at naririnig nya ang mga yabag ng mga pulis, at natatakot siyang makita ng mga ito.

〰〰〰

Pumasok sa loob si Brando at pumunta sya ng basement.

Kinakatok ni Brando ang pinto ngunit walang nagbubukas.

"Melania, buksan mo ang pinto !"

Nanlumo si Brando ng walang nagbubukas ng pinto, natatakot sya na makita si Melania ng mga pulis.

Napasandal si Brando sa pader na puno ng mga nakasabit na halaman sa gilid ng pinto at bigla na lamang bumukas ito. Pumasok sa loob si Brando, mayroon ditong lugar na pinagawa ni Valeria para dito magkubli si Melania para gumawa ng Manekin.

Pumasok sa loob si Brando at may nakita syang isang masukal na daan.

Naglakad si Brando patungo dito at may nakita syang babaeng nakatayo sa dulo na Manekin.

Pinagmasdan itong mabuti ni Brando at nagulat sya ng biglang gumalaw ito.

Habang lumalapit si Brando ay doon nya nalaman na ito ay si Melania.

"Melania?"

"Brando!"

Tumakbo papalapit si Brando sa kanya at ng sya ay nakalapit ay hinawakan nya ang mga kamay ni Melania, hinawakan nya ang mukha.

"Melania!"

"Brando, mahal mo pa ba ako?"

"Oo Melania, mahal na mahal kita."

"Bakit maingay sa taas?"

"May mga pulis na naghahanap sayo, kailangan mong magtago."

"Baka makita nila ako?!"

"Halika kailangan mong makatakas, sumama ka sa akin!"

"Sandali!"

Kinuha nya ang kanyang sweater na may hood at kanya itong isinuot.

Naglakad silang dalawa ni Melania palabas ng basement, nasa loob ng malaking bahay ang lahat ng pulis kaya di nila napansin na nakalabas sila galing basement.

Pagdating nila ng gate ay nakita sila ni Roger.

Laking gulat ni Roger ng nakita nya si Melania.

"Bakit may dala kang Manekin?"

"Kailangan ko sya maitakas."

"Ano?"

Laking gulat ni Roger ng nakita nyang gumalaw si Melania,

"Ako si Melania."
"I.....Ikaw yung sinasabi nilang buhay na Manekin? " Manghang sabi ni Roger.

Natulala si Roger at agad nyang binuksan ang gate.

"Bilisan ninyo at baka makita kayo ng mga pulis."

At madali naisakay ni Brando si Melania sa kaniyang motor.

Nakayakap sa kanyang likod si Melania.

〰〰〰

Pina andar agad ni Brando ang kaniyang motor habang naka angkas si Melania sa kanyang likuran.

〰〰〰

Samantala patuloy pa din sa paghahanap ang mga pulis sa loob ng bahay hangga't natunton nila ang isa pang silid ni Melania sa basement at nakita nila ang Manekin ni Gricielda.

"Sir, may manekin dito, baka ito yung sinasabi nung nagreport sa atin."

Pinagmasdan ng mga pulis ang Manekin.

"Papano mo masasabi na ito yun hindi naman ito gumagalaw?"sabi ng sarhento.
Pinagmasdan nila si Gricielda.

"Kailangan nating dalhin ito sa presinto para masuri, buhatin ninyo ito!" patuloy na sabi ng sarhento.

Binuhat ng mga pulis ang Manekin ni Gricielda.

A Mannequin's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon