Ngunit wala siyang makitang tao.Panay pa din ang silip niya sa loob hangga't may nakita siyang lumabas mula sa isang parte ng bahay at laking gulat niya ng nakita niya si Melania.
Naglalakad at gumagalaw ito na gaya ng Manekin, napaatras si Brando sa kaniyang kinalalagyan, natakot siya sa kaniyang nakita, ngunit lumapit siyang muli sa bintana at sumilip.
Nakita niyang nag iisa si Melania, nakaramdam ng awa si Brando.
Kinatok niya ang bintana..
"Melania!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Brando.
Hindi siya naririnig ni Melania dahil may nakaharang na salamin, ngunit napatingin sa kaniya si Melania at nang siya ay nakita nito ay napalayo si Melania at nagtago sa likod ng isang bagay na naka display sa loob ng bahay.
Kinatok muli ni Brando ang bintana..
"Melania, ano nangyayari sayo, mahal na mahal kita Melania!!"
Naririnig ni Melania ang mga katok ni Brando at nararamdaman niyang mahal siya nito,
Sumilip si Melania at nakita niyang umiiyak si Brando at sinisigaw ang kaniyang pangalan.
Hindi nakatiis si Melania at unti unti siyang lumapit kay Brando, habang papalapit si Melania kay Brando ay nakangiti si Brando sa kaniya, bahagyang nginitian din siya ni Melania habang papalapit sa kaniya, nakahawak si Brando sa salamin na bintana, at ng nakalapit na si Melania ay humawak din ito sa salamin at nagkadikit ang kanilang mga palad at mukha ngunit nakaharang ang mga salamin, nakatingin lamang si Melania sa mga mata ni Brando at pinapahiwatig niya na mahal niya ito.
"Melania, bakit ka nagkaka ganyan? "
Ngunit nakatingin lamang si Melania sa kaniya, gustong mahawakan ni Melania si Brando ngunit may nakaharang na salamin.
"Buksan mo ang pinto, kahit ano ang mangyari mahal na mahal kita Melania!" Umiiyak na sabi ni Brando.
Biglang tumulo ang luha ni Melania, gusto niyang buksan ang pinto ngunit hindi na siya gaya ng dati..
"Melania!"
Nang biglang papalapit ang mga guard, nang nakita ito ni Melania na lumalapit ay lumayo siya muli at nagtago sa likod ng nakadisplay na bagay..
"Sinabi ng bawal pumasok dito!" galit na sabi ng guard.
Hinatak siya ng dalawang guard papalabas ng gate, at itinulak siya palabas.
"Kapag inulit mo yang ginawa mo ipapakulong ka na namin, tres passing ka!"
Singhal ng isang guard."Pasensya na Brando, bawal talaga!" Sabi naman ni Roger.
Walang nagawa si Brando at siya ay umalis.
Sa kaniyang paglalakad ay naaala niya ang kaniyang nakita, at naguguluhan siya sa mga nangyari.
〰〰〰
Pumasok ng kaniyang silid si Melania at siya ay nalungkot, iniisip niya si Brando.
Makalipas ang ilang sandali ay dumating si Valeria at Iris sa mansion at sinabi ng mga guard na nag ober de bakod si Brando kaya inutusan nya ang mga ito na magpalagay ng barb wire sa lahat ng pader.
Nagtuloy ang mag ina sa silid ni Melania.
"Iha, kamusta ka na?"Hindi nagsasalita si Melania.
"Nay sabihin na ninyo kay Melania." sabi ni iris sa kaniyang ina.
Napatingin si Melania kay Iris.
"Iha, pupunta kami ni Iris ng America, may kakausapin kaming distributor doon.
At kung papalarin ay makakapag export na tayo ng mga manekin , magiging international na tayo."Hindi kumikibo si Melania, hindi na siya interesado gumawa ng manekin.
Si Brando lamang ang kaniyang iniisip.
"Hindi ka ba natutuwa?" Ani Iris.
"Iha?"
Nakatahimik lamang si Melania.
"Magsalita ka naman Melania." sabi ni Iris.
"Iha ngayon na ang alis namin, mga dalawang Linggo lamang kami, kaya mo naman ang sarili mo hindi ba?"
"Opo huwag kayo mag alala sa akin kaya ko sarili ko." sabi ni Melania.
"Mabuti naman, sige at aalis na kami baka ma late kami sa flight."
Hinalikan nila sa pisngi si Melania at sila ay umalis na..
〰〰〰
Nanag mapag isa si Melania ay lalong nalungkot ito, doon niya naisip na bakit nangyayari sa kaniya ang mga ito, bakit naging pangarap maging isang manekin.
Tumingin siya sa Manekin ni Gricielda.
Kinausap niya ito sa kaniyang isip.
"Gricielda, ayoko maging manekin, hindi ganito, ibalik mo na ako sa dati."Nagmamakaawang sabi ni Melania habang nakatingin siya kay Gricielda,
"Gricielda, sabihin mo sa Reyna ayoko na, may minamahal ako, gusto ko na maging normal ang buhay ko!"
Maya maya ay biglang gumalaw si Gricielda..
Nagulat si Melania ng nakita niyang gumalaw ito..
Tumingin sa kaniya ito at sinabi..
"Melania, hindi ka ba masaya at natupad na ang kahilingan mo, isa ka na sa amin?."
"Pero bata pa ako noon at di ko alam kung bakit ko nasasabi iyon."
"Huli na ang lahat Melania, ikaw lamang ang bukod tanging nilalang na nagkainteres maging isa sa amin kaya ka napili ng reyna."
"Ano ang mangyayari sa akin, hanggang kelan ako ganito?"
"Doon ka na sa aming mundo mamamalagi at malapit na matapos ang araw mo dito sa lupa."
"Hindi..hindi maaari, hindi ako kauri ninyo, tao ako!"
"Masasama ang mga tao Melania, gaya ni Valeria at Iris, pinabayaan ka nila mag isa, nagpapakasaya sila samantalang ikaw ay nag iisa at malungkot, kung mahal ka nila ay hindi ka nila iiwan at di ka nila ikakahiya, sa amin ka nababagay, doon ay hindi ka malulungkot, lahat tayo ay pantay pantay,walang mang iiwan sayo, sasama ka sa amin."
"Gricielda ayoko, ayokong sumama sa inyo, may tao akong minamahal si Brando ayoko siyang iwan."
"Hindi ka mahal ni Brando, nagustuhan ka lamang niya dahil mayaman ka, doon sa aming mundo doon mo makikilala ang totoong magmamahal sayo at hindi ka nito iiwan. Kami ang maghihiganti para sayo, sa mga ginawa nila sayo at sa mga kauri natin, kapag hindi na nila kailangan ay kanilang tinatapon at dinudurog, lahat ng tao ay masasama!"
"Hindi...!"
"Tandaan mo! Ang nararamdaman mo ngayon at mga ginagawa mo ay gaya ng ginagawa at pakiramdam ng tao, pero sa ating mundo ay magbabago rin ang lahat ng iyong nararamdaman, magiging isa ka ng kauri namin!"
At biglang hindi na gumalaw si Gricielda.
"Gricielda!?!"
Hinahawakan ni Melania si Gricielda ngunit hindi na ito gumagalaw at nagsasalita.
Nakaramdam ng takot si Melania, naisip niya na baka may masamang binabalak ang Reyna sa mga tao.Marami na siyang nagawang manekin at napakalat na ito sa ibat ibang lugar.
Author's note:
Hi, you can read the full story at webnovel.
Everyday update! Thank you keep safe!
https://dynamic.webnovel.com/book/17640696305995305?utm_source=writerShare&utm_campaign=4305791253
BINABASA MO ANG
A Mannequin's Tale
HorrorSi Melania ay isang bata na nangangarap maging kasing ganda ng isang mannequin at ito ay unti unting natutupad, ngunit papano na ang lalaking kanyang minamahal na si Brando? Halina at ating pasukin ang mundo ng mga mannequin. Ating tunghayan ang isa...