Makalipas ang ilang Linggo.Hindi na mapigilan ni Brando ang kaniyang nararamdaman, pag kaalis ni Valeria at Iris ay pumasok sya sa loob ng bahay..Nakita siya ng mga kasambahay,
"Bakit ka pumasok dito sa loob? baka malaman to ni mam Valeria?" sabi ni Helen at Girlie.
"Hinahanap ko si Melania, bakit di na siya lumalabas?"
"Eh hindi rin namin alam, di rin namin siya nakikita, laging nakasara ang kuwarto niya at si mam Valeria ang naghahanda ng pagkain niya."
Kinabahan si Brando na baka may malubhang sakit si Melania,
Maya maya ay nilapitan siya ni Minda.
"O ngayon Brando, masaya ka ba?, sinabi ko na sayo na hindi kayo bagay masasaktan ka lang!"
"Mahal na mahal ko si Melania, kahit ano mangyari!"
〰〰〰
Ngunit lumipas pa ang mga araw ay walang ginawa si Brando kundi maghintay kay Melania.
"Melania nasaan ka na?!" Naiiyak na sabi ni Brando habang nakatanaw sa bintana ng silid ni Melania, ngunit hindi na rin ito dumudungaw doon.
Isang araw ... nagbabalak akyatin ni Brando ang silid ni Melania.
Umakyat sya ng puno sa tapat ng bintana at nang nakarating sya ng taas ng puno ay mataas pa rin ang bintana at di nya ito maabot.
Pilit nyang itinataas ang kanyang mukha para masilip ang loob ng bintana ngunit wala syang makita dahil mataas ito.
Nakita sya ni Helen.
"Brando bumaba ka dyan! naku baka makita ka ni mam Valeria, malilintikan ka, bumaba ka na dyan Brando!" Nakatingala na sabi ni Helen.
"Baka makita ko sya sandali lang ho!" sabi ni Brando at pilit nyang inaabot ang mataas na bintana ngunit di nya ito naabot at nawalan sya ng balanse at nahulog sya sa puno, at ng babagsak na sya sa lupa ay napahawak sya sa isang sanga.
"Bumaba ka na!" Nag aalalang sabi ni Helen.
Maya maya ay nagdatingan si Minda at Girlie.
"Ay ano ka ba Brando delikado yang ginagawa mo." sabi ni Girlie habang nakita nyang nakalambitin si Brando sa may sanga.
At nakababa na si Brando.
"Nakita mo ba sya?" tanong ni Minda.
"Hindi ko sya nakita masyadong mataas ang bintana"
"Yan ang napapala mo Brando!" sabi ni Minda sa kanya.
"Huwag mo ng uulitan yan bata ka, delikado yan!." sabi naman ni Helen.
Pinagpag ni Brando ang kanyang damit na nalagyan ng mga balat ng puno at nagkagalos sya sa matipuno nyang balikat.
Naupo si Brando sa may bench.
"Mabuti at ganyan lang ang nangyari, napakataas ng puno na yon." sabi ni Helen.
Kumuha ng first aid kit si Minda at kanyang ginamot ang sugat ni Brando,
"Girlie halina at magluto na tayo, hayaan na natin sila ni Minda."
Pumasok na ng malaking bahay si Girlie at Helen.
"Ikaw kasi eh sinabi ng kalimutan mo na si Melania."
"Ouch!" sabi ni Brando ng nilagyan ni Minda ng gamot ang kanyang sugat.
"Alam mo Brando, yang si Melania may iba na yan, hindi ka nya mahal."
"Ano mga sinasabi mo Minda?"
BINABASA MO ANG
A Mannequin's Tale
HorrorSi Melania ay isang bata na nangangarap maging kasing ganda ng isang mannequin at ito ay unti unting natutupad, ngunit papano na ang lalaking kanyang minamahal na si Brando? Halina at ating pasukin ang mundo ng mga mannequin. Ating tunghayan ang isa...