Napamulat ako ng may biglang kumatok
"TOK!"
"TOK!"
"TOK!"
Aissssshhh ayoko pang bumangon halos di na nga ako nakatulog gawa ng hinayupak na yon.
"Young lady! Gumising na daw kayo at may pasok pa po daw kayo!" Siguro yon yong katulong namin dito sa mansion.
"OPO! Saglit lang po" ako habang tumatayo.
Naglakad ako papuntang banyo habang nakapikit. Ikaw ba namang di nakatulog kakaisip sa walangyang prinsiping bampirang yon. Piste sya! Ayaw magpatulog!
Agad akong napamulat ng may bigla akong naramdamang aura mula sa likuran ko.
Dahan dahan akong tumalikod pero pagtingin ko Wala naman akong nakita. Tinignan ko na sa mga side ko pero wala parin talaga kaya agad akong humarap sa banyo at pumasok para makaligo na ako ng nakapag almusal at nakapag ayos na ng maka pasok na ako sa iskuwelahan.
Ng matapos na akong maligo agad akong nagbihis at bumaba para makapag almusal. Ng matapos akong mag almusal umakyat agad ako sa kwarto para ayusin ang mga gamit ko para sa pag didisguise ko bilang nerd.
Ng umupo ako sa upuan agad kong tinig nan ang sarili ko sa salamin.
Goshhh! Bat anlaki ng ayebags ko...
Tapos yong mata ko ang pula pula na!!
Shit! Nakakainis kasi yong Prince Chesstord na yon ehh hindi umalis manlang ako pinatulog! Aissssshhh.....
Hindi ko nalang pinansin ang nasa mukha ko at sinuot na ang nerd outpit ko. Pero makakatulong dintong itsura ko para mas lalo akong pumanget sa paningin nila.
Ng matapos na ako tumayo na ako saka ko kinuha ang bag ko nakapatong sa kama ko ng may nakita ako sa unan ko na isang puting papel. At may nakasulat sa puting papel na yon na ikinainis ko.
Did you enjoy the kiss yesterday, my girl or you want more.
PC (Prince Chesstord)
Pagkatapos kong basahin yong pesteng sulat na yon agad ko tong nilukot at tinapon sa kong saan.
Lumabas na ako sa loob ng kwarto ko saka ako naglakad palabas. Tinignan ko ang relo ko at pagtingin ko late na pala ako kaya agad agad akong tumakbo sa labas at saka pumunta sa likod ng bahay namin para makapunta agad ako sa school. May secret way don papuntang school pero madilim kasi sa ilalim ng lupa yon kaya gumamit ako ng isa sa mga powers ko na lightning para makita ko ang daan. Malawak ito na sa sobrang lawak pwede ng tumira ang buong ka clan namin. Ako lang ang nakakaalam nito kasi ako mismo ang gumawa nito kaya kong sumugod man ang mga WRECKERS dito sa city namin may pag tataguan kami.
Pagkarating ko sa school agad akong tumakbo papuntang room para hindi ako pagalitan ni prof gin.