Cata's POV
Pagkadating ko sa room sobrang late na ako kaya siguradong pagagalitan ako ni prof gin nito.
Pagka bukas ko ng pinto agad akong nakaramdam ng isang aura na nang-gagaling sa loob ng room saka ko lang napansin na nag kakagulo pala da roomnamin.
Anong nangyayari?
May ibang naghahabulan may nag hahagisan ng mga bolang kapangyariha may nasusuntukan at may nag...........papatayan!?
Bakit sila nag aaway, nagpapatayan na parang kasiyahan lang ang gusto nila nahalata ko kasi sakanila na nagtatawanan at mga nakangite yung iba bagos biglang may biglang sisigaw na 'ako ang mananalo sa larong sinimulan nyo at papatunayan ko yon' saka sya tumawa ng malademonyo.
Nakita ko si prof gin na nakahandusay sa bandang gitna at naliligo sa sariling dugo at para bang walang pakialam ang iba at baliwala lang syang tinatapakan ng tapakan na para bang walang nag eexist na taong nakahandusay sa baba.
Biglang sumakit ang ulo ko na halos mapaupo na ako sa sahig. tinatakpan ang aking tenga. May naririnig kasi akong sobrang pamilyar na mga tinig at may lumalabas ding mga larawan na sobrang pamilyar sa akin. Pagkatapos non bigla ko nalang naramdaman na tuluyan na pala ako bumagsak sa sahig.
Prof gin POV
Nag lalakad ako ngayon sa hallway at papunta na sa susunod kong klase. Kinakabahan kasi ako na baka mangyari nanaman yong nakaraang taon sa loob ng room na iyon. Sa Loob kasi na room nayon may roong nagaganap na death game tuwing sumasapit ang full moon. Isa iyong patakaran ng iskwelahang ito na tangin mga istudyante ang gumawa hindi ang mga nakatataas. Sobrang dalikado ito na tatawagin matira mabubuhay para may twist daw kahit papano.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Pero medyo napatigil ako kasi mukhang alam ko na ang mang yayari kapag tuluyan ko ng nabuksan ang pintong ito.
Magsisimula lang kasi ang death game kapag nakapasok na ang guro sa loob ng room at ang gurong yon ay unti unti nilang papatayin tapos kapag unti nalang ang natitirang buhay ng gurong iyon saka sila mag papatayan at hahayaan ang gurong naka lupasay sa sahig.
Bahagya muna akong umatras saka binitawan ang doornub.
Hindi ko alam ang gagawin ko paano kong mangyari saaking ang nangyari kay renjie na hanggang ngayon ay comatose pari sa ospital nitong magical city na sobrang grabi ang dinanas sa dating mga estudyante na ngayon ay wala na sa mundong ito gawa ng game nayon.
Nakapag disisyon na ako at yon ay ang harapin ang mga ito at lumaban.
Ganito kasi yon, kapag nakatapak na ako dyan sa loob kailangan kong pumunta sa gitna at sila ang pipili ng limang unang haharap saakin, kapag nakapili na sila saka nila ako lalabanan at kapag bigla na akong nabaksak sa sahig saka na silang lahat kikilos at pag tutulungan ako hangang sa mamatay. Kaya kailangan kong lakasan ang loob ko at magpakatatag.
Hinawakan ko agad ang doornub na nginginig saka ko pinihit at pumasok sa loob. Bahagya kong naramdaman ang napakalakas na pinag sama samang aura nilang lahat na sa sobra sigurong lakas ay talagang mangingilabot ka.
Ng maka rating ako sa table ko hindi ko namalayan na may paparating na kamao saking tyan kaya agad akong nabaluktot dahil hindi lang basta suntok iyon may kakaibang lakas o kapangyarihan ang nakapalibot sa kamao nayon. Mukhang alam ko kong kaninong kamao yon ha. Si Hance.
At dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa akin, hindi lang ako basta napabaloktot dahil sumuka din ako ng dugo.
At may naramdaman pa akong isang papalapit na isang bagay sa aking likuran. Hindi ko na sinubukang pigilan ang bagay nayon dahil hindi pa ako nakaka move-on sa suntok sa sikmura na yon. At don ko lang naramdaman ang biglang paghampas ng isang table saaking likuran dahilan upang ako ay bumagsak sa sahig.