Chapter 7

213 8 14
                                    


Chapter 7

Chance's POV


Monday




"'My! 'Dy! Alis na po kami!" sigaw ni kuya nung paalis na kami.



"Sige. Mag-iingat kayo ha?"



"Opo, 'My!" sagot ko.




~



Papasok na kami ng school ni kuya. And like the usual, all eyes are on us-este-on kuya lang pala. Ang feeling ko. Pffft!


"Oh, wag mong kakalimutan yung sinabi ko sayo kagabi ha?" pagpapaalala ni kuya habang naglalakad.


"Opo kuya." sagot ko habang nakasimangot.


"Okay. Recap. Ano nga ulit gagawin mo?" utos niya.


"Talk to him. Know his name. Know everything about him." sagot ko habang nakasimangot pa rin.


"Okay, so everything is settled then." sabi niya sabay baling sa 'kin, "Oh? Ba't ka nakasimangot dyan? Ayaw mo bang makilala boyfriend mo?" 


"Eh kuya naman eh! Ba't kailangan ko pa siyang kausapin? Eh kung sabihin mo na lang kaya sakin para tapos?" pagmamaktol ko.


Napahawak ako sa noo ko nang bigla niyang pitikin 'yon.


"Aray ha?!"


"Loka ka talaga! Dapat sa boyfriend mo mismo malaman mga info's niya. Tsaka alam mo nagtataka talaga ako, paano mo naging boyfriend yung si hyung kung di mo naman siya kilala?", bulong sa sarili, "Ba't naman ako magtataka eh ako naman yung umano kay Hyung na ano." 


"Na ano, kuya?" tanong ko kasi di ko narinig last niyang sinabi.


"Wala ka na 'don. Basta kausapin mo siya." sabay pitik ulit sa noo ko.


"Aray! Oo na! Kakausapin na! Tsk." sabi ko sabay simangot ulit.


"Oh, sige na pumasok ka na. Bye, Princess." 


"Yack lang kuya eh no? Princess-princess ka dyan! Di na ko bata!" angal ko.


Binebaby na naman ako! Eh, mas matanda lang naman siya ng 1 minute sa 'kin!


"Di ka nga bata pero isip bata ka naman!" sabi niya sabay dila.


Odesys University: Torn Between Two Brothers [EXO] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon