Chapter 4

287 13 2
                                    

Chapter 4

Chance's POV

Friday


Friday na ngayon. And guess what?

Whole week. As in whole week na akong kinukulit nung abnormal na lalakeng nakabangga ko nung Monday. Nakaka-inis! Grabe! Bwisit na lalakeng yun! Ang kulit ng lahi! Argh!

"Aish! Nakaka-inis!" sigaw ko.

"Uy! Feigh. Anyare sayo?" tanong ni Scarlett. Best friend ko.

{ A/N: Ibang Scarlett po ito. Scarlett Amber Schmitz po siya. Hindi po siya si Scarlett Reigh Vendinel na partner ni Baek :) }

"Wala. Na-iinis lang ako. Argh!" sagot ko sabay ihip sa bangs.

"Tsk. Hulaan ko kung sino yang iniisip mo." panunukso niya sabay ngiti ng nakakaloko.

"Yung bagong boyfriend mo noh?" ­–siya

"Eh kung batukan kaya kita dyan? Aish! Sige ipaalala mo pa yung lecheng asungot na yun! Leche talaga oh!"

Mabuti nasa field kami ngayon nitong si Scarlett. Break time kasi naming ngayon. Himala nga't nandito ako't kasama tong bibwit na to eh. Nakatakas ako sa lesheng makulit na lalakeng 'yun na ngayon ay boyfriend ko na DAW!





*Flashback*

Naglalakad ako ngayon sa Mall. 3 pa lang ng hapon. Maaga kaming pina-uwi ngayon kasi may meeting daw yung mga teachers and yung Student Council. So, wala akong Kapreng Payatot na kasama ngayon kasi po Presidente po ng SC ang kuya ko. Tsk. Kaya heto ako ngayon. Forever Alone. Saya ng buhay ko noh? *ihip bangs*

Kanina pa ako pasok ng pasok sa mga shops dito. 

Pumipili ako ng mga damit. 'Pag nagustuhan, susukatin ko pero 'di ko bibilhin kasi wala ako sa mood mag shopping.

Paulit ulit nalang ginagawa ko sa lahat ng shops na napapasukan ko.

Mukha tuloy akong social climber na puro sukat lang tapos 'di naman bumibili.   

Aish! Nakaka-inis! Grabe! Ang boring! Kuya, asan ka na ba?! Arrrrrghhhhh! Ang sarap magwild!

4:30PM ang usapan namin ni kuya sabi niya kasi tapos na meeting nila by this time, pero 7PM na lang, hanggang ngayon wala pa siya!

"Tsk. Maka-uwi na nga lang." bulong ko sa sarili ko.

I checked my phone para itext na si Kuya Phil (driver namin), pagkalabas ko ng mall. Pero kung sinusuwerte ka nga naman. Drained na po ang battery ng phone ko. Pano po ako uuwi ngayon? Eh di ako marunong mag-commute! Mommy, Daddy, Kuya! Help!

After ilang minutes nang pagseself-pity ko, nagdecide na akong magtataxi na lang ako. Kahit nakakatakot gora na lang ako.

Naglakad ako papunta sa may gilid ng kalsada para maghintay ng taxi!

Yun taxi!

Pinara ko yung taxi per nilagpasan lang ako!

Like, What the hell is your problem Mister?! Ayaw mo bang pera ha?! Ayaw mo ng pasahero?! Gahd!





Hintay lang ako ng hintay pero wala talaga akong masakyan. Mangiyak-ngiyak na nga ako eh kasi 8:30 na ng gabi di pa ako nakaka-uwi! Daddy! Mommy! Tulongan niyo ako!

Nakakatakot pa naman dito kasi walang katao-tao. 

Naglakad lakad pa kasi ako kanina eh. Sabi kasi nong mama na tinanong ko dito daw yung sakayan ng jeep.  

UGH! Natatakot na talaga ako!

Tumulo yung namumuong luha sa gilid ng mga mata ko.

Omg. Crybaby talaga ako. 'Di talaga ako sanay na mag-isa.

Nagitla ako nang may nagsalita sa may likuran ko.  

"Umiiyak ka na niyan? haha" 

Lumingon ako at nakita ko si Kuyang nabasa ko ng kape last week.

"Waaaaa!" 

Hindi ko alam kung anong nakain ko pero sa sobrang takot ko 'ata sa lugar na 'to at sa sobrang tuwa siguro kasi at least medyo kakilala ko tong lalakeng 'to, eh napayakap ako sa kanya.

Grabe! Umiiyak na talaga ako!

"U-uy. W-wait! Tahan na. Wag ka na umiyak. Ba't ka ba umiiyak?" tanong niya habang sinusubukan akong tingnan sa mukha kong nakabaon sa may chest niya.

"Waaa! Gu.. Gu-gusto ko na.. gusto ko nang umuwi!" 

Omg! Umiiyak na talaga ako sa sobrang takot.

"Manong! I-uwi mo na ako!" sabi ko sa kanya sabay tingala sa mukha niya.

"Aish! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na di pa ako—A-ano ba? Wag mo nga akong titigan ng ganyan. Oo na. Iuuwi na kita sa inyo..'wag ka lang mag puppy eyes! Nakakadiri ka!" sabi niya sabay tawa.

Maiinis na sana ako kasi sinabihan niya ako ng nakakadiri ako pero naisip kong magpakabait nalang kasi iuuwi niya daw ako sa 'min.

"Sa-salama---" 

"Wag kang mag-thank you. May kapalit ito. Tsaka may utang ka pa saking dalawa. So kung tutulungan kita ngayon magiging tatlo na utang mo sakin." sabi niya sabay tanggal sa pagkakayakap ko sa kanya.

"H-ha?" i asked.

"Tutulungan kita pero may bayad. Tsaka babayaran mo rin yung dalawa mo pang utang sakin. Ano? Take it or leave it." 

"A-anong utang? Bayad? Kahit magkano! Magbabayad ako! Basta iuwi mo na 'ko sa 'min!" pagmamakaawa ko.

He laughed, "Anong magkano? Mayaman din ako. 'Di ko kailangan pera mo."

"H-Ha?!" tumulo na naman luha ko. "What do you mean? A-ano ba yung kapalit?"

"Simple lang naman..." sabi niya sabay ngiti ng napakalaki

Lumaki mga mata ko nang marealize ko kung anong ibig sabihin niya.

"OMG! Don't tell me!" I shouted at him while trying to cover my body with my hands.

"Pft! HAHAHAHAHAHAHA! Ano tingin mo sa 'kin? manyak? Lol, stop being so judgemental. I don't want to have sex with you. Baliw na babae. HAHAHA. Simple lang naman talaga kasi..."

"A-ano nga kasi?! Ang cliff-hanger neto! I-hanger kita jan eh!" napasigaw ulit ako kasi medyo naiinis na ako.





"Be my girlfriend for 3 months." 

*End of Flashback*

Kaya ayon, nagkaboyfriend ako nang wala sa oras kasi pumayag na ako sa deal ng ungas. Pano ba eh. Gustong- gusto ko na talagang umuwi eh. Tsaka nakakatakot na talaga dun, I swear. Uso pa naman rape at hold-up. 'Tsaka it's past my curfew pag weekdays na kaya 'yon.

I sighed.

Kaya heto ako ngayon. Bwisit na bwisit sa lalakeng yun.



*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

  Bumalik na sa realidad utak ko nung narinig ko na ang bell, then naalala kong kasama ko nga pala si Scarlett. 

I bid goodbye to her, "Uh, bye na Scar. Umayos ka ha? Mag-aral kang mabuti." 

"Oo na po, Manang." pang-aasar niya.

"Maka-manang ka naman d'yan. Hoy! Mas matanda lang ako sayo ng isang taon no! Isang taon lang! Kaya di pa ako manang. Tsk"

"Oo na. sige na. Una na ako. Baka ma-late pa ko. Babu!" 

And we headed back to our rooms.

~~~~~

Sana nagustuhan niyo! ♥ 

Thanks ♥

Odesys University: Torn Between Two Brothers [EXO] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon