Korea here i come

33 2 0
                                    


Ako si  Chelsie Kim,20 years old, half Pilipino half Korean.

Ang aking nanay ay isang OFW noon sa Korea kaya nakapangasawa sya ng isang koreano at iyon ang aking ama na si Se-Cheng Kim

Ang mama ko ay si Elsie Reyes isang pinay.

Pero nung pinanganak ako sa Korea Hindi nagpakita ang aking ama at iniwan lang kami ni mama kaya nagpasya syang umuwi ng pilipinas.

Naging mahirap ang buhay namin sa pilipinas pero kahit na gaano man kahirap napagtapos parin ako ng aking inay sa pagaaral

Isa akong Salutatorian noong nagtapos ako ng highschool sa isang public school sa manila

Hindi ko nagawang maging valedictorian dahil kulang ako sa extra coricular dahil narin sa pera

Normal lang ang pamumuhay namin dito sa Pilipinas

Dahil na rin sa paggawa namin ng peanut butter unti unti ni mama natustusan ang aming pangangailangan

Noong nagcollage ako ang kinuha Kong course ay accounting dahil mahilig ako sa math

Maraming ibat ibang course ang pwede Kong kunin dahil sabi nila talented at madiskarte naman ako

Pero nasa puso ko talaga ang pagiging accountant

Pangarap kong makapunta sa Korea para hanapin at makita ko ang aking ama.

Isang balita ang nakaabot sa akin at isang trabaho ang pwede Kong pasukan sa Korea

Di ako nagdalawang isip na kunin ang opportuniting iyon dahil maruning naman akong mag Korean  at fluent naman ako sa English

Hindi ko na ipinaalam kay mama ang pagalis pero nagiwan naman ako ng sulat sa kanya at sure naman ako na mababasa nya ung letter na iniwan ko before akong umalis.

Marami na akong naipon dahil sa half year na pagtatrabaho ko bilang accountant

Kaya secreto kong inayos ang aking visa at passport

Pagkatapos ng lahat ready na ang aking flight papuntang Korea

Kahit na wala man akong makakasama sisikapin ko na mahanap ang papa ko dahil matagal ko nang pinangarap na makasama sya......

************************************

Hi guys sana po magustuhan nyo!!!!
This is how Chelsie Kim went to Korea.... Sana magustuhan nyo lalo na ung mga aghase dyan😂😂

Thankyou for reading hahaha😂😂🙌🙌



Finding Unexpected Love [Got7 Jinyoung Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon