Agad akong sinalubong ng Yakap ng Apat nung makabalik ako sa Room"Gosh Ok na yung sugat mo?." Tanong ni Zaira
Ngumiti lang ako ng tipid sa kanila
"Are you sure your ok now?." Dennise
"Ah Oo nasabi kasi ni Grace na may Summative Test eh kay kaylangan ko pumasok." Ako
Parang automatic na napalingon sila kay Grace ma bumalik agad sa Upuan nung nakita ako
"Summative test?." Nehrie
"Wala hindi pa ngayon yun. Next week pa diba?." Zaira
Makahulugang Tumitig si Denisse kay Grace. Lumingon nman ito kaya Ngumiti ako. Pero Hindi ko alam kung hindi ba nya napansing Ngumiti ako kaya umiwas sya oh ano.
"She's being weird lately." Bulong ni Denisse kaya napatingin ako sa kanya
Anong nangyari kay Grace? Hanggang sa Lunch ay Hindi ito sumama samin ni Nagsasalita sa Ibang Subject mukhang hindi naman pansin ito nila Nehrie
"Asan na ba yung si Grace?." Denisse
Umupo na kami sa Parehong tinatambayan namin na Upuan Sa Canteen
"Wait lang ha Hanapin ko lang." Zaira at Umalis
"Talaga bang Tahimik sya? Sa isang buwan na kasama ko sya parang Hindi naman sya ganun. May nangyari ba?." Tanong ko kay Nehrie
Tumingin lang si Dennise sakin
"Hindi naman. Tahimik sya madalas pero kalog rin. Alam ko pag nagkakaganon sya ay may nalalaman sya." Nehrie
"Ha? Nalalaman na ano?." Ako
"Nagkakaganon sya pag may Nalalaman syang May Na Li-link kay Austin." Daretsong Titig ni Dennise sakin at sya ang nagpatuloy sa sinasabi ni Nehrie
"Oo I remembered last Year ganyan din umasal yung babaeng yan eh. Nung May Rumored Gf si Austin pero hindi naman totoo dahil never namang pumansin sa babae yan kahit si Grace nga eh Na e-echapwera nya. Hoy Dennise What's with that stare? Kung makatitig ka kay Venice kala mo may Ginawa syang masama." Tatawa tawang Sabi ni Nehrie
Kanina pa ko Hindi mapakali sa Titig ni Dennise pilit ko lang winawalang bahala.
"Ay haha tinititigan mo pala ako?." Kunyareng Biro ko
Bumuntong hininga ito
"Anyway babalik rin yan sa Wisyo si Grace kapag nalaman nyang Walang na L-link muli sa Fafa Austin nya." Nehrie at nagpatuloy na kumain
Napaiwas ako ng tingin
Alam nya na?
"Bakit ayaw nyang Umamin kay Austin kung ganon?." Ako
Tahimik lang na Kumakain si Dennise
"Kung alam mo lang kung Gano kadaming Efforts ang Nasayang ni Grace sa kaka Amin. Dahil puro Rejection lang ang natatanggap non. Ewan ko ba maganda naman si Grace o sadyang bakla lang ata si Austin." Tawa ni Nehrie
"Oh anong Tinitingin tingin nyo. Nasaktan kayo?." Bulyaw ni Nehrie sa Napalingon sa kanya "tss."
"Hindi bakla si Austin May nagugustuhan nga sya ngayon eh." Simpleng sabat ni Dennise
Kinakabang tumingin ako sa kanya
"Really? Kaya talaga sigurong wala sa mood si Grace." Nehrie
Nakatingin lang si Dennise sakin kaya pinagpatuloy ko ang pagkain
