21: The kiss

67 0 0
                                    

-          Mair Yu

May nagawa akong mali. Sa tingin ko sa lahat ng pagkakamali ko, yun na yung pinakamatindi.

Hinalikan ko si Cef. Hindi ko alam kung bakit ko yun nagawa, ang alam ko lang parang may nagtulak saken na halikan sya. -____________________________-

Mukhang hindi ko na naman sya makakausap nito. Nakakahiya naman.

Mag-isa lang akong kumain. Siguro mga 12 na ng madaling araw nung narinig kong may tao sa may sala. Sumilip ako sa pintuan ko.

Nakaupo sya, may hawak na litrato. Pinunit nya yun. Haist. Nag-away rin siguro sila ng bf nya kaya ganun.

Tapos ayun nakita ko syang umiyak. Dun na nga sya nakatulog. Ako naman? Ayun nakaupo lang sa pintuan ng kwarto ko buong magdamag hindi ko na rin napansin.

Pagkagising ko, nagulat ako. Kase syempre andun lang ako sa pinto.

“Cef? Cef asan ka?” bumaba ako sa sala, nandun sya. Di pa rin pala gising. Kumuha ako ng kumot tapos kinumutan ko sya.

Tiningnan ko sya saglit tapos pumunta na ako sa kusina para magluto. Actually hindi ako sanay. Nakakapanibago.

Nag-iwan ako ng note sa may lamesa katabi nung pagkain.

Kainin mo to ha? Di ako sanay magluto pero peace offering ko na rin.. J Sana magustuhan mo to.. Pinaghirapan ko to. Smile ka na ha?

Tapos iniwan ko na yung rule #2 sa may ref. Nilagay ko sa sticky notes.

Rule #2: Bawal magreklamo. Tanggapin kung anong meron at kung anong nangyare.

J

Kaya kakainin na nya yun for sure.

Bawal magreklamo eh.

At ayun lumabas muna ako ng bahay para maglakad lakad.

“Huy mister!”

Sino naman kaya yun?

“Ako ba kinakausap mo?” tapos humarap ako sa kanya.

“Hindi hindi, yung kabayo..”

“Wala namang kabayo ah..” sabi ko habang tumitingin ako sa paligid.

“Yun pala eh. Ikaw lang tao dito maliban saken.. Kaya ikaw nga tinatawag ko..”

“Hahaha teka. Bakit ba?”

“Wala naman. Taga-dito ka? Parang iba accent mo..”

“Marawi ako..”

“Eh bakit nandito ka?”

“Nandito yung babaeng papakasalan ko eh..”

“Naks naman..” tapos lumapit sya saken. “Anung pangalan mo?”

“Mair.. Mair Yu..”

“Huh?” sabi nya habang ganito mukha O____________________________O “Ikaw si Mair?”

“Paano mo ako nakilala?”

“Diba ikaw yung ex ni Mimi?” kilala nya si Mimi?

“Ah oo. Teka, kaanu-ano mo si Mimi?”

“Bestfriend nya ako. Ako si Angel..”

“Ah ikaw pala yun..”

“Oo ako nga. Eh teka sino bang papakasalan mo?”

Napalingon ako sa may bahay namin tapos nakita ko si Cef.

“Ayun oh..” itinuro ko si Cef.

“Wala naman eh. Niloloko mo ko..”

Ipaglaban mo naman ako :'<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon