31: Akala ko ba mahal mo siya?

134 1 0
                                    

-          Jerald Mee

Hindi ko inakala na magagawa ko yun kay Mimi. Hindi ko rin alam kung ano ang nagtulak saken na gawin yun sa kanya. Hindi ko naman talaga sya ginalaw. Bago ko pa man magawa yun, tinamaan na ako ng konsensya ko. Mahal ko tong babaeng to. At hindi ko matatanggap kung ako pa mismo ang mananakit sa kanya..

“Hoy!” kilala ko yung boses na yun ah. Si..

“M-Mair? B-Bakit?” bago pa man sya sumagot ay nahawakan na nya ako sa leeg. Hindi ako pumalag. Alam ko ang kasalanan ko.

“Hayop kang lalaki ka! Anong klaseng tao ka?! Akala ko ba mahal mo sya?! Akala ko ba MAHAL MO SYA?!”

“Bitawan mo ako Mair! Magpapaliwanag ako!”

“Magpapaliwanag? Wag na! Alam ko na nag nangyare! Alam ko ng pinagsamantalahan mo ANG FIANCEE KO!”

“Mair teka lang. Nasasaktan na ako!”

“Dapat lang! Kulang pa yan!” sinuntok nya ako pero hindi ako nanlaban.

“Sige lang! Hindi kita papatulan! Sige lang!”

“Lumaban kang hayop ka! Bakit?! Bakit sya pa?! Bakit si Cef pa?! Bakit sya pa?!”

“Hindi mo sya kilala! Wala kang alam!”

“Kilala ko na sya! Baka nakakalimutan mong magkasama kami sa bahay! Pare wag mo ng ibahin nag usapan! Dapat kang makulong dahil sa ginawa mo sa kanya!”

“Hindi ko sya ginalaw! Nakonsensya ako! Maniwala ka saken!”

“Wala ng lalaki ngayon ang may konsensya sa ganyang mga bagay! KItang kita namin ang mga pasa nya sa katawan! Nanlaban sya sayo!”

“Hindi ko itinuloy kase mahal ko sya!” tumahimik lang kaming dalawa habang nakaupo sa kalsada. Wala namang dumadaang sasakyan kaya ayos lang.

“Hayop ka pare.. Kung nahuli lang kita, patay ka na ngayon!”

“Mas hayop ka pare.. Nasasaktan mo sya ng hindi mo alam! Pinigilan ko yung sarili ko kanina dahil alam kong may matindi pa syang pinagdadaanan at ayaw ko na yung dagdagan..”

Ipaglaban mo naman ako :'<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon