32: Ginusto ko bang saktan ka?

89 0 0
                                    

-          Mimi Cee

Byernes na ngayon. At alam kong simula ngayong araw na to, makakaya ko ng mabuhay ng wala sya sa piling ko. Bakit? Dahil kagabe..

FLASHBACK

“Mair. Andyan ka na pala..”

“Matagal na akong nandito..” anung ibig nyang sabihin?

“Ha? Eh kararating mo lang naman..”

“Bakit hindi mo sinabi saken? Bakit hindi mo agad inamin nung una palang?” alam na nya.

“Alam mo na siguro..”

“Oo. Alam ko na at si Jerald ang nagsabi saken. Bakit Mimi? Bakit kailangan mo pang itago saken?”

“Kase. Sa ganung paraan, konti lang yung sakit na mararamdaman ko..”

“Pero naisip mo ba ang mararamdaman ko? Mimi. Mahal na mahal kita..” <///3 “Bakit ganyan ka?”

“Tinatanung mo ako kung bakit? Kase nung una tayong nagkita. Sabi mo, mahal na mahal mo ako..NOON. Inakala ko na noon lang. But then. Anong nangyare Mair? Sa mga lumipas na panahon, pinaramdam at sinabi mo sakeng meron pa..” nakatingin lang sya saken.

“Ganun lang ang dahilan mo?”

“Ikaw. Bakit ba ganyan ka? Anung dahilan mo? Bakit mo ako sinasaktan?” hindi sya makapagsalita. “Ano? Ilang taon akong nagpakatanga sayo. Minsan bigla ka na lang magpapaalam. Magkakaroon ng girlfriend tapos bigla kang babalik at sasabihin mong MAHAL MO PA RIN AKO? Mair. Ang tagal kong nagtiis. Kung kelan kakalimutan na kita. Saka ka naman lumapit..”

“Ginusto ko bang saktan ka?”

“Oo Mair. Pinaasa mo ako eh. Anong tawag mo dun?”

“Mimi naman..” umupo sya at mukhang problemado. Ako? Umiiyak. “Akala mo ba naging madali saken yung pagpapanggap ko? Na kapag masaya tayong dalawa, parang gusto kong bumalik sa nakaraan. Sana noon pa lang ganun na tayo..”

“Mimi. Hindi lang ikaw ang nahihirapan..”

“AKO LANG. Bakit? Alam mo bang nung una, ang saya ko kase. Makakasama ko na yung lalaking mahal ko. Pero kapag naaalala ko yung mga sakit na binigay mo saken? PAKIRAMDAM KO, mas masakit lalo na nung nakasama na kita. Gusto kong magpakamatay. Dahil hindi kita makalimutan..”

Ipaglaban mo naman ako :'&lt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon