25: I choose her

63 0 0
                                    

-          Mair Yu

Martes na ngayon, isang linggo na lang makakauwi na ako sa Batangas. Shhh ang hirap naman kaseng mag-ayos ng papeles. Dameng kelangan eh samantalang kunwari lang naman. >_________<

“Mair..” pagkatingin ko sa likod, nakita ko si Mar, yung kapatid ko. “Tara na kakain na tayo..”

“Sige susunod na ako..” at lumabas na sya.

Pumunta ako sa may lamesa na malapit sa kama ko. May frame dun, may picture..picture ni Mimi.. Kamusta na kaya sya? Hindi ko pa rin sya nakikita mula nung pumunta ako sa Batangas.

Pagkababa ko, nandun rin yung iba kong mga pinsan at mga dating kaklase – sina Amerhassan (Has), Ayienah, Hamdanie, Nayrah at marami pang iba. Sinabihan ko kase sila na ikakasal na ako kaya ayun pumunta kaagad sila.

“Oh yan nap ala ang ikakasal oh..” sabi naman ni Has. “Halika na. Bilisan mong bumaba dyan.”

“Excited ka? Hahaha..” at ayun nagtawanan mga iba naming dating kaklase..

Si Hamdanie, baklang may gusto saken. Ewan ko ba kung anong nagustuhan nito saken. O_________O Basta ayun na lang, nalaman ko na may gusto sya saken pero siguro naman, hindi na ngaun..

“Nga pala Mair..” sabi ni Ayienah. “Susunod na lang daw si Mheela..” tumango na lang ako sa kanya.

“Ah ganun ba. Teka nasan ba sya?”

“May pinuntahan lang daw eh.. Ewan ko dun..”

“Ah sige.. Tara kain na tayo..”

Nagpahanda si Papa ng maraming pagkain. Pinadalhan nya si Tita ng pera since nasa business trip pa rin sya hanggang ngaun.

“Mair salamat sa pagkain..” sabi ni Nayrah. “Ang sarap eh.. Hahaha..”

“Ikaw naman parang hindi ka pa nakakatikim ng ganyan..” – Hamdanie

“Tumahimik ka ngang bakla ka.. Hahaha..”

Masaya kaming lahat habang kumakain. 1 na ng hapon nung dumating si Mheela na para bang wala sa sarili..

“Oh ayan na pala ang tunay na babae sa buhay ni Mair oh..” sabi ni Has. Si Hamdanie naman angsmirk lang. Hay naku.

“Bakit ngaun ka lang girl?” - Ayienah

“Ah eh ano.. May pinabili lang saken si Mama.”

“Ah ganun ba.. Tara kain ka na rin..”

Ngumit lang sya saken. May mali ba? Ano kayang problema nito? May nagawa ba ako?

“Uy kausapin mo naman si Mair..” – Nayrah

“Ah hi Mair..” ngumiti na lang ako. Alam kong may mali. Kakausapin ko na lang sya mamaya.

“Kain ka ng marami ha. Mukhang pagod na pagod ka eh..”

“Ah sige salamat.. Ikaw rin..”

“Kanina pa akong tapos..” sabi ko habang pupunta ako sa sala.

“Oh guys tara dun!” – Has. Nagsunuran naman yung iba. Maliban kay Mheela na kakain at saka kay Nayrah na mukhang may pinag-uusapang mahalaga.

“Ano, nood ba tayo ng movies? Maraming bago dito..”

Nagsigawan naman silang lahat. Ang pinanuod namin ay Wrong Turn 4 na akala ko masaya ang katapusan. Yun pala, HINDI malamang..

“Waaaaa jusko tanggal ang panty ko..” – Hamdanie

Hindi namin napigilang mapatingin sa kanya kaya ayun nahiya naman ang loka. Sabihin ba naman yun sa harap naming lahat. ^__________________^

“Ay sorry naman. Di na mapapatawad?” tumingin lang lahat sa tv tapos tumawa ng tumawa. Pati ako napatawa na rin.

Ipaglaban mo naman ako :'&lt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon