I'm currently finding my one true love, my prince chraming.
The one who'll save me from the evil witch. Lol no.
Gusto ko yung talagang magmamahal sakin ng tunay.
Yung tipong tatanggapin ako maging sino man ako.
Yung walang hanggan ang pagmamahal tapos dahil sa pagibig kaya niya ako ipaglalaban, tsaka pwede na ding city hunter yung lalake o kaya nakapasok na sa loob ng bahay ni Big Brother at nakakilala na kay E-boy.
Echos ko lang naman.
Let me define my "prince charming" :
Handsome. (SYEMPRE! Sino ba namang may gusto sa pangit diba?)
GOD Fearing. (Pinakaimportante to mga pare!)
Loving. (Malamang.)
Caring. (Yung tipong aalagaan ako at icocomfort ako in times na down ako and etc.)
Gentleman. (Yun oh!)
Respectful. (Kailangan to syempre mga tol.)
Ewan! Lahat lahat na ng magandang traits. Hirap isa isahin eh.
Gets niyo naman siguro kung ano yung tipo ko sa isang lalake diba?
Well, hello?! Sino bang may gusto sa isang badass type na guy. Syempre dapat yung malakas yung dating. Yun oh!
So let me start with the story now. It's a breezy Sunday afternoon and a boring one too. So I just opened my Ym to see if my brother Nate is on.
Well, to my surprise someone messaged me and it was not my kuya Nate.
Gwapo_Ako : Hi miss, pwede makipagfriends?
What the. Sino naman tong feeling gwapo na to? At teka ngaun ko lang napansin tong tao na to sa address book ko ha. Pero kung sino sino nalang din kasi na-aadd ko eh.
HeyItsPrettyJasmin : Uhm, who the heck are you?
Gwapo_Ako : Me? I'm Gwapo_Ako not obvious ba on my screen name? Nice meeting you!
Ano ba yan mageenglish na nga lang ang conyo pa. Tsaka anong nice meeting you?! Hoy feelingero to ah wala pa naman akong sinasabing pwede maging friends kami. Weirdo.
HeyItsPrettyJasmin : Watever. You're not my type. Kbye.
Gwapo_Ako : T-teka hoy di pa tayo nakakapagchat eh. Taray mo naman.
Bahala siya parang timang naman. I don't think he suits for my prince charming. So nag-logout nalang ako.
After an hour, my bff texted me to go to Starbucks QC area.
I took a shower then went to Starbucks. I saw her sitting alone sipping some Caramel Frappe and having a munch on her Ham & Cheese sandwhich.
"Hey I'm here! What's up libre mo ba ko ha?" I asked her.
"Hay nako! Ang takaw mo forever. What do you want ba? Order ka na nga I'll wait for you here. O eto 350 pagkasyahin mo na yan ah. Tipid mode ako ngaun eh." Kim said.
"350 lang? Chipipay mo naman Kim! Sige na nga pagtiyagaan nalang!" I joked.
So I ordered Java Chip siyempre Venti na! Minsan lang ako malibre nitong babae na to eh lubus-lubusin ko na! And Caramel Waffle. Ang sarap naman nitong binili ko, tataba nanaman ako neto eh. Who cares? Sarap eh. So I went back to our table and eat.
"Hoy Jasmin napansin mo ba yung lalake na yun? Yung mag-isang nakaupo dun oh! He's cute right?" Kim said.
"Where? Yun ba yung parang naka v-neck shirt na blue tapos naka white shorts with Sanuk? Tapos may dala-dalang laptop?"
"Oo! Yun nga? Ang gwapo sheeeeet."
"Cute siya ah. Malakas dating and the way siya magdamit ang ayos. I mean maganda siya magdala ng damit."
"Kaw Jas ah! Teka nga, kelan ba tayo papasok dun sa bago nating nilipatan na school? Di ba start na ng class nila nung 14?"
"Anong date na ba ngaun? 21 palang naman ah." I said.
"Sabagay sanay na tayong late pumapasok ng school, kagaya nung school natin dun sa Spain. Grabe talaga buhay dun noh pero sanay na kasi tayo sa culture dun eh pinabalik kasi tayo dito ng parents mo eh. Okay na din yung ganito malay mo naman may mangyari na mabuti satin dito."
Siya nga pala si Kim Martinez.
Bestfriends kami since nung 5 years old pa kami. Para ko narin siyang kapatid sa tagal ng pinagsamahan namin.
Pareho kaming half Spanish, sa Spain kami nagaaral dati pero may pangit kasing nangyari dun eh. Yun yung pinakatinatago naming secret ni Kim, kaya eto dito kami sa Pilipinas ni Kim pinaaral at pinatira ngaun ng parents ko.
Yung parents ko and mommy ni Kim nasa Spain. May business kasi yung mom and dad ko dun kaya di nila maiwan-iwan yung bansa na yun.
Lumaki si Kim ng wala ang daddy niya broken family kasi sila pero hinahayaan nalang yun ni Kim dahil masaya naman siya sa mommy niya and andito naman kami.
Ang kasama ko sa Pilipinas ay yung kuya Nate ko. Sa isang village sa QC kami pinatira ng mommy ko kasi malapit dun yung lilipatan namin na school.
"Sige pumasok na tayo bukas para kahit papano makahabol tayo sa mga lessons."
I went home after my conversation with Kim. I logged in on Ym to check kung may mga online ba.
Grabe naman 1 lang online?! At ang masama pa dun yung si Gwapo_Ako pa yung natira! Anak ng.
Talaga bang siya lang yung makakausap ko dito? Para namang panget to eh.
Ang conyo magsalita tapos yung screen name pa niya masyadong pang feelingero.
*buzz*
HeyItsPrettyJasmin : Hoy lalake di mo ba ko tatantanan? Kulit ng tae mo eh.
Gwapo_Ako : Makikipag kaibigan lang naman noh! Kala mo sinong mganda to yabang yabang!
Aba, ako pa tinawag na mayabang ah! Siya na nga tong lapit ng lapit eh. Nakakairita!
HeyItsPrettyJasmin : On the first place sino ka ba ha?! Di nga kita kilala tapos bigla bigla ka nalang susulpot jan! Makapagsalita to kala mo sino ah.
Gwapo_Ako : Eh kasi naman hindi mo tinatanong yung pangalan ko noh nagtataray ka agad! Langya to. Feel ko kasi maganda ka eh kaya baka pwede makipagfriends.
HeyItsPrettyJasimin : Heh! Ang panget mo! Pambihira naman oh! Prince Charming ang hinahanap ko hindi seven DWARFS! Nakakairita ka naman!
Gwapo_Ako : Aba! Ang kapal din ng mukha mo ah!! May araw ka din sakin babae ka! Feeling maganda to ah! Feelingera! Humanda ka sakin!!!!!!!!
Nakakairita talaga!
Makasalita to! Bwisit ah.
Bahala siya kausapin niya sarili niya.
MAGANDA talaga ako noh! Che.
Nakakatakot naman baka huntingin ako nung lalake na yun!
So nag log out na ko.
Maaga din yung pasok ko bukas eh. Malapit lang naman yung bago kong school mga isang sakay lang naman galing sa village namin.
Inaantok na din ako eh. I'll fix my things and go to bed na din sasabay pa ko kay Kim bukas kaya kailangan maaga ako matulog.
BINABASA MO ANG
Perfect Love?
RomanceLove means that you accept a person with all their failures, stupidities, ugly points, and nontheless you see PERFECTION in IMPERFECTION itself. Meron ba talagang perfect love? Ang alam ko kasi si Lord lang nakakapagbigay ng PERFECT LOVE eh. Pero...