Auto-Call

55 1 0
                                    

Girl: "Ano bang problema mo?"

Boy: "Wala"

Girl: "Wala? Sa tuwing magkasama tayo hindi mo ako kinikibo. Alam mo? Di ko alam kong mahal mo pa ba ako. Tumingin ka nga sakin. Mahal mo pa ba ako?"

Hindi kumibo si Boy

Girl: (habang umiiyak) hindi ko alam kong andyan paba yong pagmamahal mo sakin noon. Noon na nga ba? Tapos na nga ba? Ano na? Sabihen mo nga, ano na tayo?"

Boy: "Fine, you want a clear reason? Meron akong ibang mahal at hindi ikaw yon, masaya kana?"

Sinampal ni Girl si Boy at umiiyak na umalis.

Pagkabukas ng pumasok si Girl ay nakita niyang may kasamang ibang babae si Boy, masaya itong nakangiti habang kausap ang babaeng kasama nito.

Hindi niya mapigilan ang hapdi. Masakit pala, yong tipong minahal mo siya ng sobra pero tumatapon lang sa iba. Yong tipong ikaw nag igib ng tubig pero iba ang nakinabang.

Di niya nakayanan ang sakit kaya tumakbo siya paalis at nakita yon ni Boy.

Makalipas ang dalawang araw, hindi pumasok si Girl. Walang paramdam din si Boy. Sa pangatlong araw ay pumasok si Girl at napag isipang ibigay kay Boy ang lahat ng ibinigay nito sa kaniya. Pinuntahan niya si Boy sa room nito pero hindi ito pumasok ng araw na yon. Napag isipan niyang hindi ito pumasok dahil wala rin ang babaeng bagong girlfriend nito.

Nang hapong yon, disidido si Girl na tapusin ang buhay niya. Dahil naisip niya, sino paba ang natitirang nagmamahal sa kaniya? Wala siyang nakilalang ama paglaki niya at kakamatay lang ng mommy niya nang nagdaang buwan. Tinalian niya ang kaniyang leeg ng lubid habang nakapatong sa isang silya. Kung ang pagbibigti ang tanging paraan para mawala ang lahat ng sakit ay gagawin niya.

Tatalon na sana siya nang mag vibrate ang phone na nasa bulsa niya. Babawalain na sana niya ngunit nag auto-call ito.

"Claire? Ahmm, alam kong magagalit si Zack dahil naki-alam ako sa phone niya. Pero, gusto kong lang ipaalala sayo na minahal ka ng kapatid ko kahit sa huling hininga niya. Ito pala yong sinabe niya"

Narinig niya ang boses ng kapatid ni Boy, pero ayaw niyang marinig ang iniwang mga kataga ni Boy at tumalon na siya. Ayaw na niyang makinig pa dahil sobrang sakit na. Sapat na yong nalaman niya, na minahal siya nito sa huling hininga nito. Masakit isipin na wala na ito. Ang gusto lang niya ay makita niya ito sa langit. Kung saan, hindi na kailangang maramdaman ang sakit.









END








'Hi sweety! Gusto kong sabihen sayo na mahal na mahal kita. At kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal ko sayo. Nanatili parin itong nakabaon sa puso at isipan ko. Patawad dahil hindi ko masabi sayo ang totoong dahilan. Kung bakit nasaktan kita. Sa mga oras ng umiyak ka, gusto kitang yakapin at sabihing joke lang ang lahat. Pero, mas makakabuting ang alam mo ay sinaktan kita at kinasusuklaman mo ako. Pero tandaan mong mahal na mahal kita. Patawad dahil wala ako sa tabi mo para pawiin ang lungkot na nararamdaman mo. I love you mahal ko. Sana lumaban ka kahit wala na ako sa tabi mo."

Tales Of Love Messages [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon