Appreciate

53 0 0
                                    

ChatBox

Girl:
'Hi Babe! Kamusta kana? Matagal ka nang di nag titext sakin. Namimiss na kita'

Boy:

'...seen..'

Girl:
'Busy kaba babe? Sorry ah, meron sana akong gustong sabihen, free kaba ngayon?'

Boy:
'Ano ba kasi yon? Sabihen muna, busy pa ako'

Girl:

'Pupunta nalang ako sa bahay niyo, anong gusto mong pasalubong babe?'

Boy:

'Wag ka nang pumunta dito, mag aaral pa ako baka maka disturbo ka lang sakin'

Girl:

'Ganun ba? Sige na babe, kahit five minutes lang'

Boy:
'...seen...'

After 18 minutes

Nasa harap na nang bahay si Girl ng walang kaalam alam si Boy. Dala dala ni Girl isang malaking box. Bago siya kumatok sa pinto ay sumilip muna siya bintana. Nakitang niyang may kahalikan si Boy na ibang babae. Pumatak ang luha niya pero pinigilan niya ito. Aalis na sana siya kaso tinawag siya ng mommy ni Boy.

"Ui Iha? Naparito ka? Halika ka, hinahanap mo ba si Vence? Nasa loob kasama yong classmate niya may gagawin daw silang project. Gusto mo bang tawagin ko?"

Bago siya humarap sa mommy ni Boy ay pinahid niya muna ang luha niya.

Ngumiti siya sabay sabing. "Ay naku ho, wag na po tita, baka maka disturbo po ako tiyaka po napadaan lang po talaga ako para ibigay to para sa inyo."

Ibinigay niya sa mommy ni Vence ang dala-dala niyang box.

"Sana ho magustuhan niyo. Ako po pumili niyan. Paki bigay rin ho ni Vence ang box na ito."

At kinuha ni Girl ang isang box na nasa backpack niya.

"Ay nakung bata ka! Nag abala kapa. Oh, siya sige ibibigay ko to kay vence mamaya."

"Salamat ho tita, paalam po. At, salamat ho sa lahat-lahat."

Sabi niya at ngumiti.

"Ay naku, anong bang pinag papasalamatan mo diyan."

Pilit siyang tumawa rito at hahakbang na sana siya paalis nang napatingin muli siya sa bintana. Iniwas niya ang kaniyang tingin at umalis.

Maka-lipas ang tatlong araw ay di na nagpaparamdam si Girl kay Boy. Kaya tinext niya ito.

'Huy makulit na babae, bakit di kana nagpaparamdam?'

Wala itong reply ni isa. Nagtataka siya kung bakit walang ni isang text o tawag na natatanggap niya mula rito.

Naalala niyang may ibinigay pala ang mommy niya na isang box ng gabing nagkatampuhan sila ng mommy niya. Binuksan niya ito at nagulat siya ng puros kwentas ang laman nito at isang letter.

['Hi babe, sorry kung hindi ko man napunan ng husto ang pagmamahal ko noon sayo. Sorry kung nagkulang ako para pasayahin ka nuon. Sana maging masaya ka sa babaeng nagpapangiti sayo at nagpuno ng pagmamahal sayo na kailan may di ko nagawa. Patawad.']

Bumuhos man ang napakalakas na ulan ay tumakbo siya paalis ng bahay papunta sa bahay ni Girl. Ngunit ng makarating siya ay walang tao rito. Nakita niya ng ang isang lalaking naka itim na may dalang payong.

Tinanong niya ito kung saan na ang naka tira dito. Ngunit ng malaman niya ng dahilan ay muling bumuhos ang napakalakas na ulan kasabay ang pag buhos ng kaniyang mga luha.

'Hindi mo ba nabalitaan? Kakamatay lang ng anak nila ng nagdaang araw. Sabi-sabi ay narape ito ng umuwi itong mag isa tatlong araw na ang nakakaraan. Naku, sobrang bait ng batang yon. Kahit may sakit yon, mahal na mahal niya ang kaniyang pamilya.'

END

Appreciate what you have before it turns into what you had.

Tales Of Love Messages [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon