SPCIS Canteen. Sept. 16, 2013. 9:43am.
Every recess at lunch kong hinihintay ang bestfriend kong si Garie. Lagi kasi siya nahuhuling lumalabas kasi nangongopya pa siya ng notes. Sipag noh? Sabay na kami palagi kumain since nagbreak kami ng girlfriend ko somewhere in the middle of 2nd year. That was a very painful break up kaya di na muna ako nag-girlfriend ulit. After that year, pumunta na rin sila sa Canada. Move on? Matagal na noh! :)
"Kuya Gary! Sorry! Nangopya pa kasi ako ng notes. Kanina ka pa?" Hindi ko namalayan na nandito na pala si Garie at umupo narin sa tapat ko.
"Oo noh! Kanina pa kaya kita hinihintay! Tagal tagal!" pabiro kong sagot. Tumawa lang siya sabay kagat sa egg sandwich na dala niya.
Napangisi ako sa naalala. Nakatingin lang siya sakin na nagtataka. Linunok ko muna yung empanaditang nasa bunganga ko bago ako nagsalita. "Nga pala, hahaha! Nakuha mo bag mo? Hahahahahaha!"
Napalaki mata niya at bigla siyang napatayo at tinuro ako. "Ikaaaw Kuyaaaa! Sinadya mo yun noooh?!" sigaw niya.
"Hoy! Kalma! Umayos ka nga! Hahahahaha! Nakakahiya ka! Hahaha!"
"Mas nakakahiya kaya yung kanina! Baka naman nahalata na niya na crush ko siya." pagkukunwari niyang pag-iyak.
"Di yan. Manhid yung pinsan kong yun sinasabi ko na sa'yo eh. Anyway, half day lang classes ngayon. First team meeting and practice for intramurals mamayang hapon." pang-aasar ko kay Garie. Sa pagkakaalam ko kasi, wala pa siyang nachochoreograph para sa cheerdance nila.
"Oh? Buti nalang pala may nachoreograph na kami ni Hershey." nakangiting sagot niya. Ang fail ko lang. Grabe.
"Ay. Hahahaha! Tapos ka na kumain? Kailangan ko pa kasing pumunta sa Publication office eh. Sinamahan lang talaga kita ngayon kasi kawawa ka naman kung wala ako. Loner. Hahahaha!"
"Naks naman ang sweet naman ni bestfriend!" nakangiting sigaw niya habang tumatayo sa kinauupuan. "Tara!"
Grabe talaga tong si Garie. Iniinsulto mo na, masaya parin. Bestfriend ko yan eh! :)
--
SPCIS Publication office. Sept. 16, 2013. 9:50am.
"Ma'am? Pinapatawag niyo daw po ako?" tanong ko kay Miss Ginger Guiterrez, ang paper adviser naming napakabait pero magaling mag-utos. 23 years old na siya pero mukhang college palang dahil ang bagets niya umasta at manamit. Yung itsura niya parang si Chichay sa Got to Believe, minus the face. Haha! Close kaming mga journalists sakanya kasi parang ate ang turing namin sakanya.
"Uy Gary! Oo, may papagawa ako." nakangiti niyang sabi sabay bitaw sa hawak niyang ballpen. Sabi na may uutos nanaman eh. Wag naman sana yung mga usual na utos niya like magpaphotocopy or magpabili ng pagkain.
"Ano po yun, ma'am?" tanong ko habang umupo sa sofa na malapit sa kanyang desk. Haaay. This better be good, or basta related sa work ko.
"First team meeting and practice for intramurals mamayang hapon, di ba? Meetings and practices will be every Monday and Friday afternoon hanggang dumating ang intramurals. Being the official photojournalist, I want you to document every practice, meeting, and all the events sa intrams. Sayo nalang kukuha mga sports editor ng photos para sa mga articles nila kasi may mga nakaassign rin sakanila na gagawin. Okay ba?"
OA talaga nito. Lahat talaga kailangan, di rin naman magagamit lahat. Pero sige, wala rin naman ako gagawin. Di naman ako athlete. Tsaka baka kailanganin ko rin pala ng photos sa student council. Sakto.
"Sure, ma'am." I just smiled and left the room.
--
SPCIS Main Building. Sept. 16, 2013. 1:32 PM.
Nagstart na yung meeting and practices for intramurals. Andito ako ngayon sa labas ng classroom namin which is nasa 2nd floor while everyone is in their respective teams. Dito sa corridor namin, hindi siya closed with a wall, kundi may ledge. Para kaming nasa balcony ng isang mansion kasi kitang kita dito ang bird's eyeview ng campus. Naalala ko tuloy nung JS prom namin nung 3rd year kami. Sabi kasi sa last will and testament ng mga 4th year sa amin noon, ipapamana daw nila sa amin tong ledge, which symbolizes daw na as future seniors, we are responsible in looking after our little brothers and sisters from the younger year levels.
"Bro, you busy?" sabi ng boses mula sa likod ko. I turned around and saw Kristoff, our student council president and expected batch valedictorian. Hawak hawak niya mga attendance sheets per team.
"Sorry bro, photographer mode on. Na-assign ni Ma'am ni Ginger eh." sagot ko sakanya.
"Naks talaga ang talent mo sa photography, bro! Frustrated photographer kasi ako. Haha imba. School's pride ka talaga." nakangiting sabi niya sakin
"Grabe bro, para yun lang? Compared naman sa leadership mo noh. Athlete ka pa, music artist, visual artist, VALEDICTORIAN PA!" natatawang sabi ko sa kanya.
"Pero wala parin tatalo sa photographic eye mo, bro. Wala nang aangal. Ge ha, mauna nako." ngumiti lang kami sa isa't isa bago siya umalis.
Sumandal ulit ako sa ledge habang pinagmamasdan ang mga students na abalang-abala sa kanilang mga meeting at practice. Tumingin ako sa left sa baba, sa peace park. Nandun yung mga freshmen na nakikinig sa sinasabi ng leader nila. Lumingon naman ako sa right side which is sa labas and side ng library, nandun ang mga sophomores na may kanya kanyang small groups. Tumingin ako sa northern center, sa quadrangle. Andun yung mga competitive na kabatch ko kaya naman seryosong seryosong nagmemeeting yung iba habang nagppractice ang mga cheerdancers. Sa baba naman mismo ng kinaroroonan ko ang mga juniors. Yung mga cheerdancers lang nila na nagppractice ang nakikita ko na nakatayo sa ground kaya malamang nasa under the shelter yung iba.
Pinicture-an ko isa-isa ang bawat teams, nahuli ang team ng juniors. Pagturo ng camera ko sa kanila, biglang nagfocus kay Garie in which hindi ko talaga sinasadya.
*click*
Si Garie yung subject. Nakastretch ang kanyang right hand upward at ang left naman ay nasa chest. Both na nakaclose fists. Yung mga paa niya ay tila nakatiptoes. Nakangiti siya na nakatingin sa harap. Yan ata yung first position ng cheerdance nila. Nakapony tail yung wavy hair
niya ng mataas, suot niya ang kanyang PE uniform na white shirt with red hems and her red jogging pants. Red kasi ang batch color nila. :) Ang labo ng paligid niya. Siya lang talaga yung malinaw.
Ang ganda ng shot na to! Mapakita nga sakanya mamaya para iprofile picture niya sa facebook! Tapos lilibre niya ako. Hahahaha!
--
Hanggang dito lang muna! May pasok pako bukas eh. Thanks ♥
BINABASA MO ANG
Love me for the Second Time ♥
Roman d'amourA story of highschool sweethearts who grew apart as distance stood between the two. Few years had passed when they found themselves together again in one place. Can the past love they threw away be given another chance? Is love really sweeter the se...