Garie's POV
Thay night was really the best night of my life. It was really a surprise, grabe. I never thought that my bestfriend, who I've been in love with for a year already, has already fallen in love with me as well. I mean, he treated me like a baby or a little sister. So it was really surprising.
The following school day, alam na agad ng mga schoolmates namin yung tungkol sa amin. Bukod kasi sa ang daming chismosa, we posted na rin kasi sa social networks about how our friendship has gone to the next level. Everyone was happy for us.
For a month, sinulit namin pagiging highschool lovers. Palagi kaming magkasama sa school pag hindi class hours, at hinahatid-sundo narin niya ako sa school using his red car. Yes, for a month. Kasi after nun, graduation niya na. <\3 Ang araw na pinakaayaw kong dumating dahil yun ang magbabago ng lahat.
Noong graduation niya, andun ako kasama ang parents niya. Yun yung unang beses ko makasama parents niya after nung naging kami. Ang ganda sa pakiramdam nung sinabi sakin ng dad niya na masaya sila na ako ang girlfriend ng anak nila. Kilala na kasi nila ako simula nung naging magbestfriends kami.
Sinulit naman namin ang buong summer na magkasama. Pumunta rin kami sa Palawan kasama ang parents niya. Pumayag naman si mommy dahil tuwang tuwa rin naman siya dahil gusto niya talaga si Gary para sakin. Halos everyday kaming magkasama ni Gary at ayoko na sanang matapos yun. Masaya kami everyday.
Pero nung malapit na ulit ang pasukan, kailangan na naming magkalayo. Mag-aaral na kasi siya sa University of Sto. Tomas ng BS Pharmacy. Ang layo kaya ng Manila, mga 8 hours na biyahe mula dito sa Ilocos. Tapos sa semestral break pa siya uuwi.
Hindi pala ganun kadali kapag magkalayo kayo sa isa't isa. Kaya sa loob ng 5 months na pagkakalayo, maraming nangyari.

BINABASA MO ANG
Love me for the Second Time ♥
RomanceA story of highschool sweethearts who grew apart as distance stood between the two. Few years had passed when they found themselves together again in one place. Can the past love they threw away be given another chance? Is love really sweeter the se...