@sugarbaby_chu's Unpredictable LOVE story is <3, nakakatuwa mga greaders
Genre: Comedy, Teen-Fiction
Try nyo minsan.
*****
" Hahahaha! Miss, patawa ka, sino ka ba?" Matawa tawa kong tanong.
" Ako yung pus--ako yung...ako si.. Diamond!"
" Miss Diamond, naliligaw ka lang ata sa lugar na ito. Gusto mo samahan kita palabas?"
" Ayo--sige sige tara!" Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng bar. Grabe, akala ko naliligaw, ay mas nangunguna pa sa akin palabas ng bar. Ngiting ngiti pa.
" Meow meow~" sabi niya habang naglalakad na tuwang tuwa.
Naaalala ko tuloy yung nangyari kaninang umaga sa pesteng pusang yun.
" Diamond, kailangan ko ng bumalik sa bar. May trabaho pa ako. Hanggang dito na lang. Sige." Sabay kawala ko ng kamay ko sa pagkakahawak niya at tinalikuran na siya at nagsimula ng maglakad palayo.
" Pasama sa trabaho mo!" Sigaw niya kaya napalingon ako.
" Hindi pwede."
" Tahimik lang ako promisssss!" Sabi niya habang nakapikit at nakagesture na nakataas ang kanang kamay.
" Hindi kita kilala, saka..."
" Saka???" Pabeautiful eyes niyang tanong.
" Tara na nga! "
Saan ba galing ang babaeng to.
" Yehey!" Nagtatakbo siya sa akin at tumalon sa likuran ko.
"Ack-bumaba-ka-ack! Nasasakal ako!" Sigaw ko sabay alis ko ng kamay niya.
" Mehehe."
Mukhang malayo talaga to sa babaeng magandang nakikita ko pag namamalik-mata ako.
Nasa bar na kami at ini-upo ko lang siya sa tabi. Binigyan ng juice at saka iniwan dun.
" Hi." Bati sa akin ng sexy na babae.
" Can I have you?" Sabay higit niya sa bow tie ko. Papalapit na ng papalapit ang mukha namin sa isa't isa.
" I ca--"
" He can't!!"
Napatingin kaming pareho ng babaeng sexy na ito sa pumagitna sa amin. Paano nakapunta agad ang babaeng ito dito.
" Oh? Are you taken honey?" Yung sexy talking to me.
" No i'm--"
" He's taken at girfriend niya ako!!" Sabay tingin ni Diamond sa akin.
" Wag kang aangal!" Dagdag pa niya.
" Opps, sorry girl. Hindi ko alam na boyfriend mo na pala siya. Ok see yah around." Sabay lakad niya paalis.
" Ano bang ginagawa mo?!" Andun na kasi eh. Makakatikim na naman ako ng Diamond. Kaso ang pesteng babaeng to. Sinabutahe!
" Akin ka lang sabi hmp!" Sabay cross-arms niya.
Napahawak nalang ako sa noo ko. Lalagnatin ako ng wala sa oras a-ah!
" Look hindi kita girlfriend, ang mga babaeng ginigirlfriend ay kagaya nun, (Sabay turo ko sa isang babaeng may kahalikan) sexy, maganda (sabay turo ko sa babaeng sumasayaw ng dirty dance) ganyan Diamond, at walang wala ka kumpara sa kanila."
*sniff
*sniff
" Ang..ang sakit mo namang magsalita. Nilalait mo ako! Kinukumpara mo ako sa kanila. Mabait naman ako ah."
BINABASA MO ANG
Story 8: Diamonds under da Panties
RomanceWag nyong husgahan ang TITLE. Pwedeng pwedeng basahin. May ilang parts lang na medyo maselan pero iilan lang yun :)) ALL RIGHTS RESERVED 02-09-14