*****
Nasa work ko na ako ngayon. Isa akong waiter ng isang bar. Dito ako malimit nakakakita ng magagandang babae. At syempre tip na sa akin ang magustuhan nila ako na magentertain sa kanila.
18 hours tong bar na ito at sobrang liblib nito. 8am till 2am ito. Malayo sa bayan at matataong lugar. Pagmamay-ari ng isang mafia group eh. Reto lang sakin to ng kaibigan ko.
" Gyvone right?" Sabi ko sa girl na nakamini skirt at nakatube.
" Woah, you did remember my name. Yeah, that's my name and who..are you again?" Naglean siya sa akin kaya bumaba ang tingin ko sa dibdib niya.
" Sky." Sabay ngiti ko sa kanya.
" Oh..Sorry I didn't remember your name. Thanks, got to go." Hahalikan sana niya ako sa pisngi kaso iginalaw ko ng konte ang ulo ko para sa labi niya ako mahalikan.
" You're...you're such a jerk. Haha!" Sabay alis niya.
Psh. Medyo nabitin ako dun ah. Haha! Pero marami pa namang ibang hot girls.
Tumalikod ako saglit para kumuha ng baso at pagharap ko. Nagulat nalang ako ng makita yung magandang babae sa harapan ko at nakasimangot.
" Tequila please." Nakasimangot niyang sabi sabay ub-ob ng ulo niya.
" A-ah sure." Sabay lapit ko sa bartender at humingi ng tequila.
Habang pabalik ako sa kanya. Napapaisip ako ng ganito.
Namamalikmata na naman ata ako.
" Eto na yung order mo." Sabay lapag ko nun sa harapan niya.
" Hwaa!" Nagulat ako sa pagtingala niya.
Siya parin! Hindi na ako namamalikmata!
Nakapout siya at ang talim ng titig sa akin. Napapalunok naman ako at tiningnan siya. Iba ang suot niya sa karamihang babae dito at mukhang napadpad lang siya dito ng walang dahilan.
" Ikaw!" Sigaw niya sa akin ng may pagduro-duro pa.
"A-anong ako?"
Kinuha niya yung baso ng Tequila at ininom yun straight. Halata ngang hindi siya sanay na uminom dahil sa itsura niya pagkainom.
" Ikaw.......Akin ka lang!"
Sinasabi nito?
*****
2 votes please :))
BINABASA MO ANG
Story 8: Diamonds under da Panties
RomantiekWag nyong husgahan ang TITLE. Pwedeng pwedeng basahin. May ilang parts lang na medyo maselan pero iilan lang yun :)) ALL RIGHTS RESERVED 02-09-14