Chapter 6

16 1 0
                                    


Hinablot nya sa kamay ko yung bill. Whew! Akala ko ako talaga magbabayad nun eh. Butas ang bulsa ko.

"Akin na nga yan. Here" pagkalagay nya ng pera sa ipitan nung bill inabot nya na ito sa waiter.

"Lets go"

"Teka sir yung sukli nyo" sabi ko saknya

"Leave it to them, tip na lang"

Ang laki naman ng tip na binigay nya. Haaaay iba talaga kapag mayaman eh, parang pinapamigay na lang ang pera.

Lumakad kami papunta sa waiting area, naupo kami sa mga upuan dun habang inaantay yung eroplano.

Habang nagaantay binuksan ko muna yung phone ko at naglaro muna ako ng mobile legends. Nasa kalagitnaan na ko ng kasiyahan sa paglalaro ng biglang may mabigat na pumatong sa balikat ko, nakatulog na pala si sir.

Pinagmamasdan ko sya, para syang anghel habang natutulog, yung pisngi nya maputing mamula mula, pati ang labi nya mamula mula rin, ang haba ng pilik mata at ang tangos ng ilong, siguro kung magkakagusto ito sa babae ang swerte nung babaeng yun, pogi na si sir at mayaman pa, di naman siguro to magsusungit sa taong mahal nya kaya napakaswerte talaga ng babaeng magugustuhan nya.

Biglang nag announce na pwede na pumasok sa eroplano yung mga going to Korea, nagising sya at napatingin sakin, dali dali akong tumayo dahil namumula ako sa tingin nya sakin.

"Ouch!" Sabi nya

Bigla kasi tumumba yung ulo nya sa upuan na nakasandal sakin.

"Sorry sir"

"Really? Sana pinatayo mo muna ko bago ka tumayo" ngumunguso sya habang sinasabi nya yun kaya napatalikod ako saknya kasi ang sarap halikan ng labi nya eh baka di ko mapigilan. *^_^*

"Uhm ahm eh sir, pwede na daw po tayo sumakay sa eroplano" sabay hila ko ng maleta (yung maleta to na pwede ihand carry, yung malaking maleta yun ang chineck in sa baggage) papunta dun sa boarding gate

Biglang may pumigil sa maleta ko.

"Wait for me, sabay na tayo" sabi nya ng pabulong.

Oo narinig ko, kahit na mahina lang ang pagkasabi nya narinig ko yun. Napatigil lang ako hindi ako lumingon saknya, nahihiya lang kasi ako.

Sabay kami naglakad papunta sa boarding gate, sabay din namin inabot yung boarding pass namin sa mga ground attendant.

"Welcome to Korean Air" bati samin ng mga flight stewardess

Tinitignan ko yung ticket namin para makita ko kung san kami uupo.

"Bilisan mo at maraming nakasunod satin" bulong ni Mr. Chungit

"Wait sir, di ko po kasi mahanap eh. First time pasensya na." Habang nakapeace sign pa sya

"Akin na nga" kinuha nya sakin yung ticket at binasa nya yun, pagkabasa nya naglakad sya sa opposite direction na nilakaran ko.

"Sir bakit diyan po kayo papunta?"

"Business class yung seat natin, sa may unahan banda yun ng plane"

Between the starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon