Chapter 7

35 0 0
                                    

(A/N) at dahil tapos na kami sa thesis defense nakapagupdate na uli ako, pero isang chapter lang muna, next week na uli kasi final exam na. Hehehe after nyan tuloy tuloy na uli ako maguupdate, swear! Anyways, enjoy the update, don't forget to vote and comment! ^^ Happy reading guys!


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Palinga linga ako halos ikutin ko na ang buong airport pero di ko sya mahanap. Naiinis ako sa sarili ko but at the same time hindi ko mapigilan ang pagaalala ko saknya na baka kung anong nangyari sakanya lalo na't nasa ibang bansa na kami.

Bumalik ako sa kuhaan ng mga baggage nagbabakasakali ako na makita sya dun, baka bumalik sya dun, baka naalala nya ko. Pero wala parin sya.

I started to ask people if they saw her. Yes I'm Korean too, That's why I know how to speak in their language. But enough about me, kailangan ko sya mahanap, wala syang ibang kilala dito kundi ako lang.

I searched the whole airport and suddenly I saw a girl weeping at the corner near the exit.

Tumapat ako saknya at umupo sa harap nya. Inangat nya yung ulo nya, at pagtama ng mga mata namin bigla syang yumakap ng mahigpit sakin. Hindi ko na nagawang pagalitan sya. She looks like pinagbagsakan sya ng langit at lupa. Parang gripo yung mga mata nya na walang tigil sa pagtulo ng mga luha. I just want to hold her and comfort her, and that's when I finally decide that I'm going to protect this girl no matter what.

*Lana's POV*

I saw him, I finally saw him! Si Joo Won! Nakita ko sya na kumukuha ng bag nya sa other lane ng claiming area pero nung nagtama ang mga mata namin bigla syang umiwas ng tingin at dali dali syang umalis kaya sinundan ko sya pero di ko na sya naabutan, nakita ko na lang sya na sumakay sa isang sasakyan with a girl driving the car. Tama ba ang nakita ko? Si Joo Won kaya talaga yun? O baka namalik mata lang ako?

Tulala akong pumasok uli sa airport, hindi ko namalayan na umagos na ang mga luha sa mata ko, that's when I started to sit at the nearest corner I see.

Hindi nya na ba ko kilala? Kaya ba umiwas lang sya ng tingin kasi hindi naman nya talaga ako kilala? Nakalimutan nya na ba ko?

Lahat ng ala-ala bumalik sakin.

*Flashback*

Nagduduyan ako sa playground, lumakas bigla yung hangin lumipad lahat ng mga bulaklak at mga dahon, at sa lakas nito natangay ang inuupuan ko at humagis ako.
Buti na lang at hindi masyadong malayo at mataas ang pagkabagsak ko pero nasugatan ang mga tuhod ko at may galos ang braso at mukha ko. I was only 8 years old that time, umiyak lang ako nun ng umiyak, wala sila mommy at daddy nasa trabaho, at ang yaya ko bumalik sa bahay para kumuha sana ng makakain ko.

Malapit lang naman ang bahay namin sa playground pero hindi ko alam kung bakit hindi pa din bumabalik si yaya. Iyak lang ako ng iyak kasabay ng pagagos ng dugo sa tuhod ko.

"Okay ka lang? Wag ka na umiyak" sabi sakin ng isang batang lalaki na lumuhod sa harapan ko at pinupunasan ng kamay nya ang mga luha na tumutulo sa mata ko.

"Tama na yan, sige ka pangit ka na nga lalo ka pang papangit nyan pag iyak ka ng iyak" yang ang sabi nya sakin. At sa inis ko sa sinabi nya sinapak ko sya

"Aray! Bakit mo ginawa yun? Ikaw na nga pinapatahan, ikaw pa magagalit" sabi nya sakin "tinawag mo kong pangit bad ka!" Sabay ngumawa ako.

Ngumiti lang sya sakin habang hawak hawak nya ang kanang pisngi nya na sinuntok ko.

"Ang babae hindi dapat nanununtok, wag mo na gagawin uli yun saka kaya kita tinawag na ganun kasi para tumahan ka na, o diba effective?" at ngumiti sya ng malawak sakin.

Between the starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon