Chapter 5

8 0 0
                                    

Ano kayang ibig sabihin ni sir sa can you please always stay by my side? Sya nga tong alis ng alis, puro meeting ng meeting, eh kung mananatili naman sya sa opisina nya edi lagi nya ko makikita. Nabighani siguro si sir sa kagandahan ko, narealized nya na siguro na sheeet ang ganda ganda pala ng secretary ko mga ganern.


Tinext ko sya

~ Sir maraming salamat po sa mga pinamili nyo po sakin, and Yes sir I can always be with you basta sabihan nyo lang po ako if may meetings kayo para maayos ko agad mga gagawin ko at makasama sa mga meetings nyo, bukas po pala remind ko lang po na 11am po ang flight natin to Korea, thank you po uli sa magandang opportunity ~

Nagset na din ako ng alarm ng 5am syempre kailangan 9am andun na kami, eh 2 hrs ang byahe mula samin papuntang airport so kailangan ko umalis dito ng 7am, at since matagal ako magready 5am kailangan gising na ko.

Nakaempake naman na ko so ready na ko, magaayos na lang ako ng sarili pagkagising ko at pwede na ko umalis.

Nilapag ko na yung phone ko sa side table ng biglang nagvibrate. Nagreply si Mr. Chungit.

~ What? Ugh. Nevermind. Be ready at 7am ~

Di ko na nireplyan, inaantok na din kasi ako eh 10pm na at maaga pa ko gigising bukas, baka malate pa ko ng gising.

Naghikabhikab ako ng konti at nakatulog na din.

*Dreaming*

" Joo Won! Namiss kita!!!" Sabay yakap sa kanya ng mahigpit

"Huh? Miss I think you met the wrong guy, I'm not Joo Won." Sabi naman niya

"Oy! Palabiro ka pa din ha! Ano ka ba! Wag ka nga ganyan! Hindi mo ba ko namiss?"

"I'm sorry miss pero I'm really not the guy you're looking for"

"Ano ba ako to si Lana! Kababata mo, hindi mo na ba ko natatandaan?" Pilit ko saknya

"Sorry, but I don't know any Lana" at pumiglas na sya sa pagkakahawak ko sa kamay nya at umalis

Bakit? Anong nangyari? Bakit di nya na ko kilala? Alam kong sya yun. Kilala ko si Joo Won. Kilala ko sya. Alam kong sya talaga yun.

Bigla na lang nanikip ang dibdib ko at parang gripo ang mata ko na walang tigil ang pag agos ng mga luha.

*awake*

Between the starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon