Hello po, update-update ako ngayon kasi sinapian ng espiritu ng sipag :D. Comment and vote naman po kayo para masayo. Kahit ano lang para may laman naman po ang message board :<. Pa-follow din po :D. Thank you.......
By the way, Joshua on the side :DD----------------------------------->
''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
CHAPTER 2
Habang nagreready ako para pumunta ng school ay naalala ko nanaman yung nakaraan. Nakaraan na at the same time masaya pero nagdulot rin ng sakit.
Flashback
“Natalie meet Maam Lily . Siya yung sinasabi ko sayo na amo ni mama. Come and greet her,” marahan na sabi sa akin ni mama. Dahil nga sa mahiyain ako ay nagtago ako sa likod ni mama.
“Hello,” yun lang ang binate ko at dahan-dahan na tinignan yung babaeng kaharap namin.
“Hi Natalie! Alam mo bang palagi kang kinukwento ng mama mo sa akin. Youre such a cute little one!,” natutuwang sabi nung babaeng maganda.
Halatang-halata sa pananamit niya na mayaman siya.
“MOMMY!,” narinig namin sigaw.
“Joshua,, mommy’s downstairs!,” sagot naman nung Magandang babae. May naririnig akong mga yapak na parang tumatakbo pababa ng hagdan.
“Mommy, I want to play outside,” sabi nung batang lalake.
“Okay, you can play outside but meet first Natalie. She’s our maids daughter,” sabi nung nanay ni Joshua.
“Hi,” yun lang ang sinabi niya at tiningnan niya lang ako.
Yun ang kauna-unahan naming pagkikita ni Joshua hanggang sa padalas ng padalas na dahil walang mapag-iwanan sa akin si mama. I was just 4 years old nung una kameng magkita while his 5 years old when he first met me. Bihira niya ako kausapin noon kaya naglalaro na lang ako mag-isa.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
3 years after--------------------------
First day of school of school ko noon as a grade schooler. Dahil na din sa kabaitan ni Maam Lily sa akin ay naging scholar ako sa school ni Joshua. Actually sila nga ang may ari ng school eh. Papasok na ako ng school ng biglang nadapa ako.
“Aray…..mama *sob* mama masakit*sob*,” iyak ko pero wala na pala si mama.
“Are you okay?,” tanong sa akin ng isang batang lalake.
“Nadapa ako,” parang pagsusumbong ko sa kanya.
“Is that so, come on I’ll fix that,” sagot niya sa akin.
Umupo ako sa may bench at yung batang lalake naman ay may kinukuha sa bag niya. Kumuha pala siya ng bondage at nilagay sa sugat ko.
“Here, it’ll keep away the boo boo,” sabi nung bata para pagaanin ang loob ko.
