Kabit

382 6 0
                                    

Ohayo minna! :D Me talking Japanese today. Harhar :3. Hope you guys like this update. At maghanda ng panyo, BAKA maiyak kayo :>.

Pa-comment, vote, and follow :D… :*MUAHHHHHHHHHH

CHAPTER 3

Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako agad. Nagt-shirt lang ako with pants and rubber shoes. Sabi ko nga di ba, hindi ako mahilig sa mga paganda na niyan. Pero since nagdadalaga na ako ay nagpupulbo laman ako tsaka eyeliner pati lipstick lang ang outfit ko sa mukha.

Siguro nagtataka kayo kung bakit hanggang ngayon ay galit parin sa akin si Josh, pero pati ako nga di ko alam kung bat ba siya galit na galit sa akin. NBSB pa nga ako ng dahil sa kanya. At si Vincent, bestfriend ko lang siya ha, pero sa tutohanin ay may konting, as konting-konting, crush ako sa kanya. Kasi naman, siya lang nagpaparamdam na espesyal ako maliban kay Sophia at kay mama.

Oo nga pala, ang mama. Kumusta na kaya siya? Mataga-tagal ko na siyang di nadadalaw. Kasi naman eh busy ako sa school dinagdagan pa ng mga gawaing bahay at gawaing pambahay (if you know what I mean). Kung magtatanong kayo kung anong nangyari kay mama, baka maawa lang kayo sa akin. At ayaw ko sa lahat ay yung kinaawaan ako, dahil pakiramdam ko ang hina ko. Syete! Naluluha nanaman ako eh sa tuwing naaalala ko yung nangyari.

Flashback

Bata pa ako noon. Walang kamuwang-muwang sa mundo. Akala ko nga noon happy family kame hanggang sa nalaman ko ang katotohanan.

“Patrick natatakot ako para sa anak natin”, naiiyak na sabi ni mama. Di nila alam na nakikinig pala ako sa usapan nila ni papa. “Paano kung malaman niya? Ano ang gagawin mo?”, tanong niya kay papa. “Di ko na alam Marcela! Mahal ko kayo pero may anak kame. Ayaw kong lumaking bastardo ang anak ko sa asawa ko!”, nagitla ako noong narinig kong sumigaw si papa.

“Kaya nga ako nagtatanong di ba? Anong gagawin mo sa oras na malaman niya na ako ang kabit mo! Bat ako pa ngayon ang sinisisi mo! Hindi ko sinabing iwan mo ang asawa mo para samin. Pero kung di mo kayang panindigan ang anak natin, sabihin mo lang at aalis kame!”, iyak na sabi ni mama.

‘Ano? May ibang family si papa? Paano kame ni mama kung ganun?’, naiiyak na ako sa mga narinig ko. Limang taon nga lang ako pero naiintindihan ko na ang mga sinsabi nila mama. Mas napahagulgol ako nung marinig kong may nabasag na vase.

“TANGINA! TUMAHIMIK KA!”, sigaw ni papa. “Sige! Subukan mong saktan aako at aalis talaga kame ng anak mo. Sige! Pagbuhatan mo ako ng kamay gawin mo!”, sigaw ni mama pabalik kay papa. ‘Nag-aaway sila mama at papa. Ayaw ko silang mag-away’ isip ko habang umiiyak habang nakasandal sa may pinto.

Bilang tumahimik sa loob at maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si mama na mugto ang mata dahil sa pag-iyak. “Mama”, sambit ko. “Baby ko, bat ka andyan? Bat ka umiiyak ha”, nag-aalala na sabi ni mama. Tiningnan ko si papa at sumigaw. “BAD KA PAPA! BAD KA! INAWAY MO SI MAMA! BAD KA! HINDI NA KITA LOVE”, sabi ko sa kanya habang patuloy sa pag-iyak.

“Anak, sorry. Hindi yun sinasadya ni papa. Love na love kita anak”, naiiyak na sabi ni papa. “Kung love mo ko wag mo ako iwan”, iyak ko paring sabi. Hinawakan ni papa ang kamay at pinunasan ang ang mga luha ko. “Promise, di aalis si daddy. Pangako yan”, at ako naman na uto-oto ay nananiwala sa sinungaling na lalakeng yun.

Ang minsan na pag-aaway ay naging madalas. Halos araw-araw ay nag-aaway sila hanggang sa napagdesisyonan  ni mama na makikipaghiwalay na siya kay papa. Alam ni mama na hindi hahayaan ni papa na makaalis kame kaya sabi ni mama sa akin that night ay tatakas kame pagtulog na si papa at yun nga ang ginawa namin.

Pumunta kame ni mama sa isang malaking bahay, mas malaki pa sa bahay namin. Para ngang castle eh *O* ANG GANDA! At nung araw na yun nga una kong nakilala si Joshua.

End of Flashback

Masakit man ay nagmove-on kame ni mama. Pinalitan ni mama ang sim card niya para di siya matawagan ni papa. Sinabi sa akin ni mama ang buong storya Tungkol sa kanila. May iba mang malungkot na nangyari sabi ni mama ay ako daw ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya.

Lumaki man akong walang ama ay meron naman akong mapagmahal na ina. Sinumpa ko sa sarili na hinding-hindi ako hihingi ng tulong sa kanya. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya.

Agad kong pinunasan ang mga luhang lumalabas sa aking mga mata at kinompose ang aking sarili. Kailangan kong maging matatag para sa mga mangyayari sa hinaharap.

Pumara ako ng taxi at agad na tinungo ang University kung saan ako nag-aaral. Pero ang di ko inaakala ay yung makita ko siya.

Wang walang hiyang ama ko kasama ang tunay niyang anak.

Ang sakit lang na nagagawa pa niyang maging masaya matapos ang lahat ng ginawa ng hayop na lalakeng yan.

Kung ganon ay siya pala ang anak ng tatay kong walang kwenta. Hehhhhh, bagay nga talaga silang mag-ama. Isang tatay na manloloko at isang anak na desperado. Magsama kayong lahat. At sisiguraduhin kong magbabayad kayo sa lahat ng ginawa niyo sa akin at sa ina ko.

My Master's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon