Sophia

336 4 0
                                    

Wet look Natalie on the side :3 

Chapter 4

Nakatulala lang ako sa shower matapos kung maalala kung paano ako naging slave ng master ko. Akala ko nung una pagsisilbihan ko lamang siya sa bahay pero pati rin pala sa school. Nagmukha pa nga akong muchacha noon eh at lagi pa niya akong pinapahirapan. Yung feeling na ako tagabuhat ng gamit niya, taga-aatend ng meeting niya sa Student Council since siya ang Student Council President at busy siya kaya ako daw ang aattend sa mga meeting niya. Naalala ko pa nga one time nung first ko umattend sa meeting ay nagmukha akong tanga sa harap ng boung school.

Flashback:

“Pumunta ka sa building A sa second floor hanapin mo yung room ng Student Council. Busy ako ngayon kaya ikaw muna ang umattend sa meeting ko, got that?”, walang emosyong sabi niya. “Yep”, sagot ko. Tsaka umalis na siya, at pagkaalis niya ay doon na ako Nagsimula mag-alburoto.

“Nagstudent Council President pa eh ang tamad-tamad!”, sigaw ko. “May nalalaman pang ‘Busy kasi ako ngayon’ eh for my information makikipaglandian nanaman yun sa girlfriend niyang haliparot na mukha ng manicune dahil sa make-up sa mukha?!”, patuloy na pagdadada ko.

Di ko namalayan na pinagtitinginan na ako ng mga tao sa hallway. Sa hiya ay nag-peace sign ako sa kanila sabay takip ng mukha. Tinatahak ko na ang daan papuntang Building A, kasi naman po sa Building C ang classroom ng 3rd year and 4th year eh di ang layo ng lakaran kaya sa malaking field nalang ng school ako dumaan.

 Nakayuko ko kasi naman sinong di mahihiya kung nasa sitwasyon ko kung nakapalda ka na halos humalik na sa sahig tas naka-nerdy glasses ka pa at nakalugay ang buhok. In short, ako ang # 1 Manang ng school, sa itsura ko ba naman. Atleast ako hindi nagmemake-up, di ko yun type. Pero di din ako tibo ha!

(Author: Defensive much XD?)

Tse author, ikaw kaya nagluwal ng character na ito kaya panindigan mo.

(Author: Langya ang isang to oh. Maka-alis na nga =_=)

That’s better XD. Okay back to the topic.

Nung nasa may gitna na ako ay bigla na lang nagtutok ng hose sa mukha! “AHHHHH!”, sigaw ko. Shemay, nabasa ako! Narinig kong nagsitawanan ang mga estudyanteng nasa field na nakita sa hitsura ko ngayon. Pag-angat ko ng ulo ko, langya! Ang nangbasa sa akin ay walang iba kundi si…… si……..

KEVIN VELASQUEZ !!!! Ang # 1 bully nang school namin dahil lang sa isa ang pamilya niya sa pinakamayaman sa bansa at mind you katropa pa niya si Joshua. Totoo ngang ‘The bird’s with the same feather flock together’. Nanggagalaiti akong nakatingin sa kanya habang siya ay tatawa-tawa lang.

“WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM?!” bulyaw ko sa kanya. “Nagtatanong ka pa, eh di ikaw?!”, sagot niya sa akin. “ARGHHHHHHH?!”, napasigaw na lang ako sa sobrang inis. “Oy, si miss nerd nagagalit oh, hahahahahah?! Ang pangit niya talaga pag nagalit?! Teka, kahit nga ata di galit ay pangit parin!”, sabi niya sabay tawa ng nakapaligid sa amin.

“Natalie!”, narinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na lalake. Si Vincent. “What the?! Sinong may gawa nito?!”, galit na sabi niya. “Ako, bakit may problema ka?”, matapang na sabi ni Kevin. Nakikita kong nagpipigil ng galit si Vincent kaya hinila ko na siya papalayo. “Hayaan mo na, alis na lang tayo”, nakayuko kung sabi sa kanya.

My Master's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon