Comment and vote naman po kayo oh :<.
.
.
.
.
.
.
.
.
Continuation of Flashback
“Anak naman, bat ka naman nagkadetention? Paano na yang clean record mo?,” disappointed na sabi ni mama.
“Pinagtanggol lang naman ako ni Vincent mama eh laban kay Joshua,” sabi ko kay mama.
“Anak sana di mo na lang pinatulan,” sabi sa akin ni mama.
“Ma, hindi mo kasi alam ang mga nangyayari sa akin pero kung makapagsalit ka parang ang dali lang na di patulan. Ma, binabastos na ako ng tao, tinatawag na akong slut, na social climber, na ambisyosa ako. Tapos sasabihin niyo lang na wag ko patulan? Ang galing niya naman ina,” umiiyak na sabi ko kay mama.
“Nak, I’m sorry. Di ko kasi alam, nak….,” di ko na pinatapos si mama.
“Ma magqui-quit na ako sa school,” mariin kong sabi kay mama habang napapaluha.
“Pero… o siya, siya. Kakausapin ko si Madam tungkol dyan,” at pinunasan niya ang mga luha ko. Nung gabi nga na yun ay kinausap ni mama si Maam Lily. Tahimik akong naghihintay sa kwarto nang biglang nakaramdam ako ng uhaw. Pumunta sa kusina para uminom ng tubig ng biglang may nagsalita.
“Mag tratransfer ka daw,” manghang tanong ni Joshua. Hindi ko na lang siya pinansin at hinugasan ang basong ginamit ko. “Sumagot ka pagtinatanong kita,” nakakatakot niyang sagot.
“Ano naman kung oo,” sagot ko sa kanya pero nakataligod parin. Pinunasan ko ang kamay ko gamit ang shorts ko.
“Ganun mo ba talaga ka gusto si Vincent to the point na magtratransfer ka para lang di na siya masangkot sakin,” nagulat ako sa sinabi niya.
“Pwede ba Joshua, kung ano man ang nasa kukute mo mali yan. Oo nga, siguro ginagawa ko to para di mo na din pagtripan si Vincent, pero hindi yun dahil sa may gusto ako sa kanya. Kundi dahil sa kaibigan ko siya,” walang emosyon kong sabi sa kanya.
Nagulat ako ng bigla niyang sinuntok yung mesa. “Don’t you dare play damn with me!,” pasigaw na sabi niya. Nakita kong bigla na lang umitim ang mga mata niya. Hudyat na galit siya.
“Joshua, pwede ba hindi ako nagbibiro,” natatakot na sabi ko sa kanya.
“You better be scared cause if you dare damn piss me, you’ll see the real me. From now on, you’ll do everything I’ll say, follow everything I command if you don’t want to see your family and friends suffer. You got that?,” mariin at nakakatakot niyang sabi sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras. Sa hitsura niya ngayon ay di siya nagbibiro. Kung noon nakita ko na kung paano siya magalit, mas malala yung ngayon.
Ang dilim ng aura niya at parang anytime kakainin niya ako. Wala na akong ibang nagwa kundi umuo. “And you better not tell this anyone,” seryoso niyang sabi sa akin. Nakatamemeng umuo ako sa sinabi niya. Pagkatapos ng mga salitang binitiwan niya ay walang sabing umalis siya at bumalik sa kwarto niya sa taas. From that day, I become my master’s slave.
