The Rose

241 7 1
                                    

Just what I promise mag-uud ako ngayon ^.^!!!!! Thank you po sa pag-support ng story ko :D. Enjoy reading :>.

Chapter 11

Nakatulalang naglakad ako sa hallway. Ang dami kong iniisip. Si Josh, si Kevin, si Ritch, at ngayon dumagdag pa si Dave.

Si Dave na ang pinakahuling gusto kong makita. The last time we saw each other, muntik pa akong mamatay. Pinikit ko ang mata habang sinasariwa ang panahon na yun na nagdulot ng sakit at sugat sa pagkatao ko ngayon.

Ramdam kong tutulo na ang mga luha ko kaya mas pinikit koa ng mata ko. Ayoko ko umiyak, ang babaw naman kung iiyak ako ng dahil lang sa kanya.

Nagitla ako ng biglang tumunog ulit ang phone ko. Parang ayaw gumalaw ng kamay ko dahil baka si Dave yun. Pero patuloy parin sa pagring ang phone ko kaya kinuha ko na. Pagtingin ko si Josh lang pala.

Nanginginig na hinawakan ko ang phone ko and compose myself bago ko sinagot ang tawag niya. Baka makahalata siya.

“He—ll-o,” nangungutal na sagot ko.

“Why did it took you sometime to answer the damn phone?!,” bungad niya sa akin. Pinipigilan ko parin ang pagtulo ng luha ko.

“Ahh—h, a—no naka-silent kasi ang phone ko eh,” pagsisinungaling ko sa kanya.

“Tsk,” yun lang ang sagot niya bago siya nagsalita ulit. “I need you to go to my office after school, we need to discuss something,” he said with authority. Well, palagi naman eh.

“Okay, anything else?,” tanong ko sa kanya. “Are you crying?,” biglang tanong niya.

“Ha-a-a? Hindi ha, bat naman ako iiyak?,” sagot ko sa kanya sabay tawa ng pilit.

“Okay is that’s what you say so, 5:30 sharp. Bye,” yun lang at binabaan na niya ako.

I let out of a breath that I didn’t know I was keeping in. Arrrrggghhh! Bat ba kasi ako napasok sa ganitong klaseng buhay?! Bat ba di ako pwedeng maging malaya? Maging masaya? Bat lahat ng nararamdam ko ay sakit and betrayal?

Ang daming tanong ang nasa isip ko pero alam kong ako lang ang makakasagot. Siguro nga, everything happens for a reason. But why of all people, ako pa ang nakakaranas nito?

Isa pa si Kevin, paano niya nalaman? Sabi ko na nga ba na there is a weird aura in him. Paano na lang kung malaman to ni Josh? Iniisip ko pa lang ay natatakot na ako. Baka ikulong na ako nun sa bahay pag nagkataon.

Siguro, I need to stay away from him. I’ll observe him first bago ko siya i-confront. Hindi naman sa sinasabi kong duwag ako, kundi naninigurado lang. Sa lalim ng iniisip ko ay narating ko na pala yung end ng hallway.

Buti nga di ako bumangga sa pader at umakyat na sa third floor ng building namin. Nagmadali akong naglakad para di ma-late, terror pa naman yung prof namin sa next subject . Palibhasa, matandang dalaga.

I was thanking God kasi timing lang ang pagdating ko kasi wala pa siya. After about 5 minutes ay dumating na siya at nagstart na ang class namin.

“Good afternoon class, we are going to talk about-----blah blah blah,” lumilipad nanaman ang utak.

Concentrate Natalie, wag mo muna isipin ang problema mo- sabi ko sa sarili ko. So I concentrated on our lesson, I’ll talk about problems later.

.

.

.

.

.

My Master's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon