II

81 0 0
                                    

Patuloy pa rin ako sa pagkuha ng pictures the next day. Tinuturing ko na itong bisyo. Pupunta din kasi ang mga bigating photographer kaya kailangan puro magaganda ang photos ko. Baka kung saka-sakali eh, madiscover nila ako. Nagpasya akong pumunta sa may beach. Sunset naman ang plano kong kunan ng larawan.

I took pictures of the sun,

Click!

Click!

Click!

So far, magaganda naman yung pictures ko. Wala kasing malas na aali-aligid. -_-

In every angle, I made sure maganda ang kuha ko nun. Inikot ko sa paligid ang camera para makahanap pa ng ibang mas magandang shots..

And then I saw someone sitting on the sand, nakayuko, humihikbi, umiiyak.

Oh, Sheeeez! A girl again. Oh please, don't wanna ruin my day.

Aalis na sana ako pero my curiousity strikes! Hindi ko mapigilang tingnan yung babaeng umiiyak. Lumapit ako ng konti para makita ko yung mukha ng babae. Pero napaatras ako when I realized that crying girl is the same girl I encountered yesterday.

That turtle-face.

Marunong pala umiyak ang mga turtle? haha

Pero bakit siya umiiyak?

Ano kaya problema niya?

Hoy Drew, Kailan ka pa naging concern sa isang babae?

Hindi ako concern, curious lang po.

Tsss.. mapuntahan nga siya.

I walked towards her.

"Hey. It's you again turtle-face."

Tumingala sya sakin. "What?" bumalik sa pagkakayuko "Please, I don't want a fight with you. Not now."

Umupo nalang ako. Ewan, parang nagkaroon ng sariling isip yung mga tuhod ko at nagpasyang umupo.

"Lilipas din yan." Yung feeling na parang bigla akong nabigyan ng obligasyon na pagaanin ang loob ng babaeng ito.

Honestly, hindi ako marunong magcomfort specially sa mga lahi ni Eba. Awkward -_-

"We had a..... misunderstanding with my father." Sabi niya habang humihikbi

"Whatever that is, remember there's someone in this world who suffers 100 times more difficult crisis than the problem you're facing right now." Tumingin ako sa kanya.

Bumuntong hininga siya. Inaalis ang ulo sa pagkakayuko at tumingin sa dagat, humihikbi pa rin.

"Thanks for cheering me up." while wiping her tears. "I'm Faye." Inabot niya kamay niya sa akin.

"I'm Drew." Tinangap ko kamay niya at nagshakehands kami.

Ibinaling niya ulit ang tingin niya sa dagat. It was sunset. Pareho kaming tahimik. Wala akong ibang naririnig kundi ang tunog ng paghampas ng alon sa dalampasigan.

"Hey, listen.." She said without looking at me. "I'm sorry about yesterday."

Napatingin ako sa kanya. "Haha. Told you, you should say sorry." Tumawa ako ng mahina.

Tumawa na din siya. ^_^

Tahimik ulit kami.

Walang ano-ano, tumunog yung tyan niya.

KKKKKKKRRRRRROOOOOOOOO!

0.0

"ooops!" tumawa sya ng malakas "Gutom na ata mga alaga ko eh.."

The Captured MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon