Drew's POV
"Hoy pare, wag mo'ng kalimutang i-invite si Faye ha? Kailangan makasama siya by hook or by crook. Oh sige na, mauuna na ako sa inyo mga tol."
Wow. Ayaw talaga akong tantanan ni Rio tungkol kay Faye.
Pumasok na si Rio sa kotse niya at umalis.
"Ako na pala bahala sa mga ticket natin patungong Cebu, treat ko this time. Kasama sa list si Faye ha?"
Pati rin itong si Lu. Pag-untugin ko kaya sila? -__-
"Okay, wag kayong mag-alala. Sasama yun, panigurado." sagot ko na.
"Good!" tapos si Liam naman hinarap niya, "Liam, isama mo naman si ano oh, si Jade."
Si Jade, ang younger sister ni Liam. Mukhang crush niya ata ang babaeng yun. Ewan, bakit pa kasi si Jade yung nagustohan niya eh sukdulan ang ka-weirdohan nun.
"Tingnan ko lang Lu, hindi ko maipapangako yan. Alam mo naman yung kapatid ko." Ngumiti si Liam.
"It's okay Liam."
Pumasok na kami sa mga kotse namin at umalis na sa school. Pagka-uwi ko, agad kong kinuha yung phone ko at nagdial.
Dialling... Turtle
Tatawagan ko si Faye.
Nag-ring na at wow. As in Wow. Gusto ko ringback niya.
...sa republika ng teeeeeeee-emmmmmm!
-__- Maka-tm pala tung pagong na to. Solid.
Ewan kung sinadya niya ba talaga o ano, basta saktong natapos yung kanta ng tm, sinagot na din niya ang tawag ko.
(Drew?) Her voice gives me goosebumps. Ano bang nasa boses niya
"Faye, may hihilingin sana akong favor and I won't take NO for an answer."
(Ano naman yun Drew?)
"Can you spend your weekend with me?"
Natahimik si Faye. Mukhang pinag-iisipan niya ang isasagot. Please say yes Faye, just say yes.
(Sure.)
Hays, thank God she said yes. "Talaga?" Sumaya talaga ako.
(Eh, ano pa bang magagawa ko? You said you wouldn't take NO as an answer.) Tumawa siya sa kabilang linya.
(Bakit? Ano bang meron?)
"Eh, magbo-blow out kasi kaming barkada dahil nakapasok ang pictures ko for the photo exhibit. Gusto ka din daw makasama ni Dani."
(Si Dani? Pupunta din?)
"Oo, sa resort ng kabarkada namin pala tayo pupunta sa Cebu. Wag kang mag-alala, treat ko lahat."
(Okay Drew.)
"Promise yan ha? I'll fetch you tommorow, 8am sharp." ^_^
(Haha Alam mo ba kung saan ang bahay ko?)
"Ah, eh.. Hindi eh. Saan nga ba?" Nakalimutan ko, hindi ko pala alam address ni Faye. Hayss, tanga ko.
(Capistrano Montalban, sa Greenhouse na malapit sa park.) Tumawa siya
Ah, kaya pala parang madalas siya sa park.
"Okay Faye. See you tommorow then."
(Yeah, I guess.. Haha)
Ang sweet talaga ng mga tawa ni Faye, nakakakiliti sa tenga. Her voice is like music to me.
"Okay, bye Faye."
