I

81 3 0
                                    

Professional photographer.

Iyan ang dream ko. I really love taking pictures. The setting sun, the panoramic view of the city, the flower that begins to bloom.

That's my passion.

And that is how I met her..

Andrew James Monterde. Isa sa mga sikat na pangalan sa De Villa School of Arts. YUP! thats me! ^0~ People call me Drew except my kuya and my mom. They call me Andi. Membro ng isang grupo ng mga lalaking tinitilian ng mga babae AT kahit na ano pa ang iniisip niyo, hindi ako nagpapaka-exaj, totoo yun. I'm telling the truth. Honesto! Promise! hehe

Pero kahit na ganun, mailap ako specialy pagdating sa mga babae. Sa family namin, si mama lang ang babaeng nakakasalamuha ko ng madalas. I used to have a little sister but just like I said, "used to have" kasi namatay rin siya dahil sa sakit. I only have kuya AD, (Adrian James ang full name).

At dahil nga ilap ako sa mga babae, wala pa akong nagiging girlfriend. Eh sa hindi pa tumibok yung puso ko eh.. Sabi nila masyado lang daw talaga akong choosy. Palagi ko nalang iniisip na I can live on my own, na I don't need a girlfriend, pero syempre,

Still, I want to find that someone who will prove to me

That I'm wrong.

"Oh, Ijo.. heto'ng sukli mo.." Binigay sa akin ng isang matandang babae ang limang pisong barya

"Thank you." Dinala ko na ang tray ko. Tumingin ako sa mga mesa kung may bakante pa..

"Dito ka nalang Drew oh!" kaway ng isang babae sakin. Yea, she's pretty and sexy, a total head-turner but nah.. I don't even care about knowing her name, she's a slutty girl. -_- Kahit na anong seduce niya sa akin, wala. Hindi ko siya feel.

Hindi ko siya pinansin, tumingin ako sa ibang direksyon.. Marami ring ibang girls ang umalok sakin pero hindi ko rin pinansin. Nakita ko yung isang mesang bakante sa may sulok. Doon ako umupo.

Nilamon ko yung sandwich ko.

Nakakagutom pala ang maghanap ng bakanteng table.. -_-

"Drew!" tawag ng isang lalaking nagngangalang Sean

"What's up?"

"May gagawing Photo Exhibit ang Camera Club. Isa ka sa mga magco-contribute ng mga pictures." saad niya. Umupo katabi ko.

"Ganun ba? Saktong sakto, dala ko ang camera ko ngayon. Pwede na akong magsimulang magtake ng pictures. Tara, sama tayo." aya ko kay Sean

"Eh, still have bunch of things to do Drew. Next time nalang ha?" Sinubo niya ang huling piraso ng Piatos.

"It's okay."

"Sige Drew, baka ito na yung break mo." tinap niya yung likod ko. "Alis na ako bro, naghihintay si Vanvan sakin."

kumindat pa. Alam na. Date na naman sila.

Si Sean talaga. -_-

Umalis na sya, palabas ng canteen. Sinundan ko nalang sya ng tingin hangang hindi ko na siya makita.

Girlfriend? Gagawin ka lang namang provider ng luho nila.

Tss.. -_- Makaalis na nga.

Down the park, bringing my camera with me, I decided to take pictures.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Naghahanap ako ng isang scene na pwede kong kunan ng larawan.

Lakad.

Hayun!

May nakita akong isang napakagandang paru-paro na masiglang patalon talon sa mga bulaklak hangang sa tumigil ito.. Pagkakataon ko na iyon. Agad kong inihanda ang camera ko, preparing to take a good shot.

Click!

Pero may isang babaeng Instead of the butterfly, yung mukha ng babae yung nakuha. Lumipad na tuloy yung paru-paro palayo. Di ko tuloy nakunan yung butterfly. AAARRGGHH! kainis!

"Hey you turtle-face! You ruined my picture!" Nagalit talaga ako.

Lumingon sya, giving me that "what?" look. "Ano? Turtle-face? Ako?"

She gave me a glare.

"Yes. You. And you owe me a sorry turtle-face."-ako Crossarms.

"Ah, so ako pa talaga ang magso-sorry? huh? Kapal! You worthless hobo!" Nakapameywang pa siya. Girls really are intimidating! AAARRRGGGH!

At ano? Anong tinawag niya sakin?

Hobo?

Sa gwapo kong 'to? hobo? Fu'k!

"You called me what?"

"Ay! Mali. You're a worthless, stinky hobo with hearing impairment pala."

Ginagalit niya talaga ako ah!

Lumapit ako sa kanya while giving her my shut-up-or-your-life-will-be-in-hell look. Napastep backward siya. Halatang natakot siya.

Dapat lang.

Nilapit ko mukha ko sa kanya. So close that I can even feel her breathing. "Don't you dare mess up with me turtle-face or you'll find yourself living with Hades."

She again gave me her fiery glare.

Then she walked away.

Sinundan ko siya ng tingin. Kahit kelan, I've never seen that turtle-face before. Maybe she's new here.

Umuwi ako nung hapong iyon na bigong makakuha ng magandang pictures. Malas talaga yang turtle-face na yun. Pero di bale, marami pa akong panahon para sa photo exhibit. Bukas nalang ulit.

"Nakauwi na ako!" Padabog akong umupo sa sofa.

"Oh, Andi.. Bakit late ka na nakauwi?" si kuya AD

"Eh, nagtry akong kumuha ng magandang pictures para sa photo exhibit. Dyan lang sa park kanina right after class.." Hinubad ko yung camera ko. "Minalas ako ngayong araw dahil sa isang turtle-face.."

"Ok lang yan Andi. Subukan mo ulit bukas. At sino na naman yang turtle-face?" -Kuya AD

"Duhh, she's just the girl whose supposed to be living in the pond with the turtles. Who met a fairy godmother that gave her the body of a human but forgot to include her face."

Naaalala ko na naman yung nangyari kanina. AAARRRGGGGHHH! I so hate that girl.

"W-wait.. What? A girl?" Napatigil si kuya sa ginagawa niya. Tumingin sa akin na parang nabigla.

Wag mong sabihing naniniwala si kuya about sa fairy godmother thingy? Psshh..

"Yea. She's a goddamn girl. Why kuya?"

"Whoa. A girl. I see.." Ngumiti si kuya na para bang nanalo sa lotto. Ano ba yan.

"What?"-Ako

"Ha? Wala akong sinasabi." Ano ba yang mga ngiti ni kuya. Parang may kahulugan. Tsk! Nakakairita.

"Ewan ko sayo kuya. Dyan ka na nga." Umalis na ako papuntang kusina. GRRRRR! Pati dito sa bahay, abot ang signal ng malas ni turtle-face.

Pumasok na ako sa kwarto pagkatapos kumain. Naghilamos at humiga sa kama. Kinuha ko yung camera ko sa bedside table at tiningnan ang mga pictures na nakuha ko kanina.

Nagdelete ako ng mga pictures na hindi ko gusto.

Delete.

Delete.

Delete.

Delete.

Hayss, ang papangit talaga...

Delete.

Delete.

Delete.

Hanggang sa yung babae ang nakita ko. Tinitigan ko nalang yung picture niya sa camera.

That turtle-face.

adsfgkdlkhjg!

___________________________

Author's Pahabol Corner:

Hayun sa gilid si Drew. Gwapo niya talaga ano? Niahaha Suitor ko yan. In my dreams nga lang T.T

The Captured MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon