Faye's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Tanghali na pala. Bumangon ako ng daahan-dahan.
Aray, masakit yung ulo ko. Ano ba ang ginawa ko kahapun? Bakit iba ang pakiramdam ko? T-teka.. ngayon ko lang nakita ang kumot na to ah?
Bago?
Hala?
Napatingin ako sa paligid.
Wala ako sa kwarto ko! Saan ako?
At
Iba na ang damit ko! Malaki, parang pang-lalaki na shirt!
Hindi kaya...
(0///0)
Waaaaaah! di naman sana! T.T
Inayos ko ang buhok ko at tumayo na sa kama. Nilibot ko ang buong kwarto.
Big pictures on the wall. Puro magaganda ang pagkakakuha. May sign itong AJ Photography. Lampshade, a camera lens and a table clock on the bedside table and a slimfit tv. Velvety floor that makes this room more comfy and cozy.
In-open ko yung sliding door, bumungad sa akin ang isang magandang tanawin ng buong syudad. Sigurado akong mas maganda iyon kapag gabi.
Lumabas ako sa kwarto.
Naku po, saan ako dito bababa? Napakaraming pinto naman ata?
"Good morning! Gising na po pala kayo."
"AY BUCHANG BABOY!" Napahawak ako sa dibdib ko. Maryosep, nagulat talaga ako.
"Sorry po ma'am kung nagulat kita." sabi ng matanda. I guess katulong siya. Naka-uniform eh.
"H-hindi. Okay lang po." Ngumiti ako sa kanya. "Good morning din po."
Ngumiti naman yung matanda. "Naku, tawagin mo akong manang Puring." Binigay niya sa akin ang mga damit na dala niya. "Heto nga pala ang mga damit niyo. Nilabhan ko na po iyan. Pwede niyo na pong suotin."
Tinanggap ko na yung mga damit. "Salamat po. Ah.. Saan po ba ako pwedeng maligo?"
"Ah, doon lang po sa kwarto kung saan kayo nagising at pagkatapos niyo po, mag-almusal na kayo. Naghihintay na doon si sir." Ngumiti yung matanda. Sige po, aalis na ako.
"T-teka. Sino ho ba ang sir niyo? Ano po ba ang nangyari kagabi? Bakit ako nandito?" Sunod-sunod ang tanong ko sa kanya.
Ngumiti pa rin yung matanda. "Si sir na ho magpapaliwanag sa inyo. Ah," Parang may naalala si manang. "kapag natapos ka na, sa pintong ito ka dumeretso ha?" tinuro niya yung puting pinto na katapat ng kwarto na tinulugan ko.