Katext ko si Vito. Ahhhhhh! Hindi ko alam kung pano ko idedescribe yung intensity ng kilig ko. He’s nice, he’s witty, he’s funny, in the cutest little way. I’ve always thought I would enjoy a company like his, but I never anticipated I would enjoy it this way.
Isang araw lang ng palitan ng text messages, parang andami nang nangyari. By the end of the night, he already asked me out.
kape tayo bukas after class. =)
kape? Hmm...
ano? sige na. tamang-tama, lalo na ngayon, tag-ulan.
sa mall ba? mahal dun eh. pagtimpla na lang kita.. hahaha..
tempting..=) pero mas gusto ko sa labas para mai-treat kita. Tapos nuod tayo ng sine after.. o pwde ring before. It doesn’t really matter. =)
...ano to? date? Hahaha.. joke lang.
date ba? Hehe. kung gusto mo lang naman...=)
I smiled. Abot-tenga. Sarap talaga sa text, hindi kailangang itago ang emotions.
pano pag di umulan bukas? =)
eh di tuloi pa din tau.
di ah. mainit pag di umuulan..
pero pag umulan, papayag ka?
...=)
bukas , sige. Maggegenerate ako ng artificial na ulan. Hahaha...
If this is love, it sure is sweet.
“Dammit.” I muttered silently to myself nung mapadungaw ako sa bintana paggising ko sa umaga. Nakakainis, ang ganda ng init ng araw. Pano pa matutuloy yung date—ahem, pagkakape namin ni Vito?! Nakakainis. Walang pakisamang panahon.
“Tingin mo, Ate, may pag-asa bang umulan mamayang hapon?”absent-minded kong tanong kay Ate Naomi.
“Ewan. Bakit?”
“Wala lang.”
Pero hindi ko naman kailangang mag-hope ng ulan to give myself the treat I’ve been longing for. Vito’s eyes were on me all day. He has a different set of friends, and I have another. Madalas malayo kami sa isa’t-isa, which explains why we never noticed each other much before. But this time it’s different. He’s always within my promixity now. At times I would catch him staring at me, and he would not flinch away. This guy, with his amazing charm and confidence, always had it in him to smile back. I smile too, only a bit shyly. Hindi ko rin kasi alam kung papano ko sasagutin yung ganung tipo ng attention. Medyo naghehesitate pa rin ako kung deserving ba ako sa ganung tipo.
My girlfriends, on the contrary, don’t share my hesitations. They think we make a cute pair, parang something daw na they’ve been toying at the back of their minds daw nuon pa, although pinagbabawalan ko silang i-voice out ang mga lurid ideas nila. Ayokong isipin ng mga iba pa naming kakilala na nangangarap ako kay Vito. Ayokong isipin nilang malandi ako.
Last period na ng hapon nung mahuli ko ulit na nakatingin sa akin si Vito. Ewan ko, siguro reflex na rin na tumingin ako sa kanya. Kasuwerte ko lang kasi tumitingin din siya sa akin.
BINABASA MO ANG
A LOVE STORY, ALMOST
Teen FictionShe cares about him a lot. He cares about her a lot. One drunken night they kissed. This is a love story. Well, almost.