A Changing Heart

1.8K 65 18
                                    

                 “Forgive me?” sabi sa akin ni Janus, may dala-dalang supot ng pagkain na hindi ko alam kung ano.

                Hindi ako nagsalita, tumingin lang ako sa kanya. Ganito kasi kami eh. Hindi na kailangan ng sabihan. Alam niya kasing mali din niya, at alam niyang nagtatampo ako.

                “Ang best friends hindi nagiiwanan sa ere.” Sabi ko agad. Straight to the point. Aawayin ko na siya agad.

“I know. I’m—“

“At hindi rin sila nagtataguan ng sikreto.”

“About that, I—“

“Sigurado ka bang best friends tayo, Janus?”

Napahinga siya ng malalim.

“At least let me explain?”

Hindi ako tumingin sa kanya. Pero tumango ako.

Umupo siya sa tabi ko.

“Biglaan lang yung sa amin ni Reika.”

“Biglaan ba yun? May tawagan na kayo?”

“Oo nga. Dun sa part na yun ako mag-sosorry. Nirespeto ko lang naman yung gusto niya eh. Ayaw niya pang sabihin sa kahit na kanino. Kaya hindi pa ako nagsalita.”

Hindi ako nagsalita.

“Exemption ka dapat to the rule, I know. Kaya nga nagsosorry ako eh. Ayoko lang kasing magalit siya sa akin. Kagagaling lang niya sa isang hindi kagandahang relationship. I practically forced her to give what we have a chance. Ayoko namang i-disappoint siya pagkatapos ko siyang i-reassure na hindi ko siya sasaktan. Sana naiintindihan mo.”

I looked at him with an unreadable expression. Unreadable, to the point na mismong ako eh hindi alam kung anong ibig sabihin ng facial expression ko.

“Sorry na rin na iniwan kita sa ere.”

“Hmp.”

“Sorry kung naneneglect na kita.”

“Neglect?” Parang out of context yung nasabi niya. Natawa tuloy ako. “Korni mo ah.”

                “Eh nagtatampo ka kasi eh.”

                “Hay naku. Ewan ko sayo.” Nagsusungit pa rin ako, pero natatawa na.

“At least let me make it up to you?”

I looked at him mockingly. “Oh? Pano?”

“Shot tayo?” He smiled devilishly.

“Gago.”

 “Hindi kaya ako nagbibiro.”

***** 

“Hayup ka Janus. Bini-B.I. mo ko.”

“Sus. Gusto mo rin naman eh. Ikaw pa nga nagbayad netong isa eh.”

“Tae mo, hawak mo kaya yung wallet ko!” Tinignan ko siya ng masama.

“Rayah, wag kang korni ah. I-try mo na to ngayon habang kasama mo pa ko, para alam mo na ang hitsura mo pag nasa harap ka na ng ibang tao.”

“Isusumbong kita sa nanay ko.”

“Tignan ko lang kung di ka lintikan nun.”

“Isusumbong kita sa guard.”

Napa-pssh siya. Ewan ko ba, ang galing nga niya eh. Naipasok niya yung alak sa boarding house nang hindi nakikita nung guard. Sanay na sanay ang putek.

A LOVE STORY, ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon