Chapter 7

9 1 0
                                    

Renz's POV

Pakshet! Kanina pa ko naiinis sa titigan ni Carl at Yuri! Bwiset! Namumula naman si Yuri at mukhang tuwang tuwa pa!

Arrghh!!!

Pero di naman ako pedeng magalit dahil wala namang kami!

Hahayaan ko o ipaglalaban ko?

Pumunta na kaming PR. Pagdating ko nakaakbay si Carl kay Yuri nagkunwari nalang akong walang pake.

"Oy, Bro! Kayo na ni Yuri?" Tanong ni Kier

"Oo nga! Lagi ng nakaakbay si Carl sayo Yuri!" Pahabol ni Ella

Namula naman itong si Yuri. Tch.

"Ahm.. I'm admiring her" Nakangiting sabi ni Carl. Sus. Akala mo naman sasagutin ka nan! Ako gusto ni Yuri!

"Ayieeeeeeee!!!" Sigaw nilang lahat. Nakakabingi! Tsk.

"How about Renz? Diba-" Pinutol ko na agad ang sinasabi ni Kier

"Kier! Wala namang kami eh!" Pagalit na sabi ko

"Ahh okay" Natatawang sabi ni Kier

Inirapan ko nalang.

Kabadtrip.

Maya maya nagbalikan na kami sa room.

"Okay class, magkakaroon tayo ng project! By pair tayo" Salubong nung Prof. Namen

"Kakanta kayo dito! Okay, let's start the pairing" Nakangiting sabi ng Prof. Namin

"De Guzman, Kier and Yoo, Meyumi"

"Perez, Paul and Wagan, Ella"

"Vallente, Carl and Lee, Shane"

Buti nalang at hindi kay Yuri siya napapartner!

Kanino naman kaya ako?
Di parin ako tinatawag!

"De Guzman, Renz and Park, Zayuri"

Woo! Sa wakas!

Teka?! Tama ba narinig ko?! Si Yuri kapartner ko?

Nakamungot si Carl. Haha! Buti nga sayo! Kami talaga ang bagay! Teka, Kung ano anong pinagsasabi ko!

Pero...
Di parin ako makapaniwala!

Tadhana bakit?

Pinaglalaruan mo ba kami?

Biglang may bumatok saken.

"ARAY!" Sigaw ko

Shit! Si Niel pala! Bwiset talaga tong lalaking to!

My Only ManWhere stories live. Discover now