Yuri's POV
Nandito kaming lahat sa kwarto.
"Yuri, please kontakin mo si Tito Carlo" Utas ni Niel
Tumango ako at mabilis na kinuha ang cellphone ko at kinontak si Tito Carlo.
"Yes Iha? Napatawag ka?" Sagot ni Tito Carlo. Hindi ako umimik. "Iha? What's wrong? Why are you crying? Where's Carl?" Diko alam kung pano sasabihin sakanya/sakanila
"T-Tito si C-Carl po.." Nanginginig na sambit ko
"Why? What happened iha?" Kabadong tanong ni Tito saken, hindi na naman agad ako nakasagot "Zayuri, tell us please"
"S-si C-Carl po nasa hospital--"
"What?! What happened to our son?! Wait, saang hospital yan?!" Nangibabaw ang boses ng mommy ni Carl na si Tita Vicky
"Sa L-Laguna Doctor p-po" Humihikbing sagot ko. Di ko na napigilang lumuha, naramdaman ko nalang ang paghaplos ni Ella sa likod ko
Maya maya'y dumating na si Tito Carlo sa likod nya ay si Tita Vicky at si Ate Carly
"What happened? Bakit puro pasa kayong mga lalaki?" Naiiyak na sabi ni Ate Carly at lumihis ang tingin nya sakin "Zayuri? Bakit ganyan ang
itsura mo? Boys? Nakipagaway na naman ba kayo?" Sarkistong tanong nya at bumaling sa boys"No Ate Carly, nananahimik kami but White Chaos attack again at kinuha nila si Yuri" Paliwanag ni Niel, at napatungo ako habang katabi ko si Ella at Yumi
'This is all my fault! Kung hindi sana dahil sakin baka hindi maging ganito ang kalalagyan namin/nila'
Tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan. Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang galit na Dean Charles 'Ang Lolo ni Kier'
"L-Lo?" Nauutal na salubong ni Kier
"Dean." Sabay sabay naming bigkas
"Magandang Hapon Mr. and Mrs. Reyes" Bati ni Dean sa parents ni Carl
"Magandang Hapon, Dean" Bati naman pabalik ni Tito Carlo
"I'm sadly disappointed to hear what happened to your son. I'm very very sorry. How is he?"