"What a beautiful morning!" nakangiting sambit ni Sanya sa sarili pagkatapos uminom ng tubig. Alas siyete pa lang ng umaga noon at halos mag-iisang oras na siyang nagjo-jogging sa Bonifacio High Street. Usually, kasabay niya sa pagtakbo ang kanyang Kuya Jak na siyang nagturo sa kanya ng kahalagahan ng pag-eehersisyo at pagkakaroon ng healthy lifestyle. Nagkataon nga lang na nagtungo ang kuya niya sa Hong Kong kahapon para sa isang modeling stint. Next week pa ang balik nito ng Pilipinas.
Nagpasya siyang maglakad-lakad na lang bilang cooling off exercise bago siya bumalik sa condo unit na inookupa nilang magkapatid. Nilakasan niya ng bahagya ang volume ng mp3 player na ginagamit niya at namili ng kantang papakinggan.
"Here comes my favorite song!" excited niyang bulong.
Let's take our time tonight, girl
Above us all the stars are watchin'
There's no place I'd rather be in this world
Your eyes are where I'm lost in
Underneath the chandelier
We're dancing all alone
There's no reason to hide
What we're feelin' inside right now
Unang linya pa lang ng Versace on the Floor ni Bruno Mars ay hindi na maiwasan ni Sanya na mapasabay sa pagkanta. Dahil mangilan-ngilan lang naman ang nakakasalubong niya sa bahaging iyon ng High Street, hinayaan niya ang sariling mag-emote habang kumakanta. And take note, with matching hand gestures at pagpikit-pikit pa ng mga mata iyan. Kunwari, nagsu-shoot siya ng music video.
So, baby, let's just turn down the lights and close the door
Ooh, I love that dress but you won't need it anymo----
Okay na sana ang performance kaso sumablay siya sa pag-abot ng high notes sa huling parteng iyon ng kanta. Major oops.
"Sus! Keri lang yan, wala namang ibang nakarinig eh." pakunsuwelo niya sa sarili.
"Mahiya ka naman kay Bruno Mars! Sinisira mo yung kanta niya."
Agad nabura ang ngiti sa mukha ni Sanya pagkarinig sa pamilyar na tinig na iyon. Nakasimangot na nilingon niya ang lalaking prenteng nakaupo sa harap ng isang restaurant. Kung mamalasin nga naman, ngayon niya lang napansin ang pangalan ng katapat na establisyimento kung saan naganap ang kanyang impromptu performance.
Rocco's Bistro. Ang isa sa mga businesses na pag-aari ni Rocco, ang bestfriend ng kanyang Kuya Jak at ang numero unong asungot sa buhay niya.
"Hello Rocco. Sisirain mo na naman ba ang araw ko?" nakasimangot at walang kagana-gana niyang bati sa lalaki. Gaya niya ay mukhang katatapos lang din nitong magjogging base na rin sa suot nitong jersey at shorts. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil ilang segundo din siyang napatitig sa matipunong dibdib at biceps ni Rocco. Damn the man for being so sexy! Kaya hindi na nakapagtataka na nagka-crush siya ditto dati. Natabunan nga lang ng inis dahil mula nang magkakilala sila ay wala na itong ibang ginawa kundi ang asarin siya. Parang hindi makukumpleto ang araw ni Rocco kapag hindi nito napapainit ang ulo niya.
Halos pamulahan ng mukha si Sanya nang makitang nakatitig sa kanya si Rocco at huling-huli nito ang ginawang paggala ng mga mata niya sa katawan nito. His lips curved into a knowing smile and his eyes danced with mischief.
BINABASA MO ANG
ang breakfast ni sanya
Romanceepekto ng panonood ng fb live ni sanya at pakikinig sa kantang Versace on the Floor nang paulit-ulit :)