"Kuya, tama na yan! Please naman!" mangiyak-ngiyak na tili ni Sanya. Pagkatapos suntukin ni Jak ay akmang hihilahin pa ng kapatid niya ang hindi naman lumalabang si Rocco. Agad niyakap ni Sanya ang kanyang kuya para pigilan ang galit nito.
"Malinis ang intensiyon ko sa kapatid mo, Jak! Hindi ko sasaktan si Sanya! Bakit ba hindi mo magawang magtiwala sa akin? Damn! You're my bestfriend!" pahayag ni Rocco habang sapo ang pangang tinamaan ng suntok ni Jak.
"Iyon na nga mismo ang problema! You're my bestfriend! Alam mong marami pa akong pangarap para sa kapatid ko. At ayokong masira ang mga iyon dahil sa'yo!" sigaw ni Jak. Wala nang nagawa si Sanya nang hilahin siya ng kapatid papasok sa unit nila.
"Kelan ka pa naging ganyan ka-bayolente, Kuya Jak? My God, I didn't know that you're capable of hurting your bestfriend!"
"Alam mong nangako ako sa parents natin na babantayan at aalagaan kita. Na hindi ko hahayaang may manakit sa'yo. Alam ni Rocco na hindi ako papayag na magka-boyfriend ka habang nag-aaral ka pa and yet, ginawa niya pa rin ito! Sino ba ang hindi magagalit? He betrayed me!"
"Wala ka bang tiwala sa akin, kuya? Iniisip mo ba na porke may nanliligaw na sa akin, mapapabayaan ko na ang pag-aaral ko? I do know my priorities, kuya Jak!" may halong pagtatampo na sagot ni Sanya.
Huminga ng malalim si Jak at tila kumalma na rin kahit papaano. Nilapitan niya ang kapatid at iginiya ito paupo sa kalapit na sofa. Inakbayan ni Jak si Sanya at humilig naman ang dalaga sa balikat ng kapatid.
"Sorry kung natakot kita sa ginawa ko kanina. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko. May tiwala naman ako sa'yo, bunso. Hindi mo lang maiaalis sa akin ang matakot kasi alam ko kung gaano karami ang manlolokong lalaki sa panahon ngayon. Ayoko lang na makita kang umiiyak dahil sa isa sa mga iyon."
"Sa tingin mo ba, lolokohin lang ako ni Rocco? Wala ka ba talagang tiwala sa bestfriend mo, kuya?"
"Nangako siya sa akin na hindi ka liligawan hanggang di ka pa guma-graduate. At hindi niya tinupad iyon." mariing sahot ni Jak.
Pinili ni Sanya na manahimik na lang para hindi na muling uminit ang ulo ng kuya niya. Pero may isang bagay siyang biglang naalala.
"Kuya, bakit ka nga pala biglang umuwi? Di ba dapat next week pa ang balik mo?"
Natigilan si Jak. Iniwas nito ang tingin sa kanya. "N-nagkaproblema lang sa concept kaya cancelled muna ang photo shoot namin. Sige na, magpahinga ka na sa kuwarto mo."
Tahimik na sumunod na lang si Sanya. Pero hindi pa rin maialis sa isip niya ang pag-aalala. Her brother is hiding something. Mukhang may iba itong problema kaya ganon na lamang kabilis ang pag-init ng ulo nito kanina. Alam niyang hindi ito aamin kahit kulitin niya pa. Sanay si Jak na nireresolba ang lahat ng problema nang mag-isa. Napaka-independent at responsable ng kuya niya.
"Well, there's no harm in trying. Bukas na bukas din, aalamin ko kung ano'ng isinisikreto ni kuya sa akin." bulong ni Sanya sa sarili.
Kinabukasan...
Pagkatapos magtanghalian, nagpaalam ang kuya niya na may kaibigang ime-meet.
"Okay. Sabay na tayong bumaba kuya. May bibilhin lang ako sa book store." kaswal na sagot ni Sanya.
Tiniyak niya munang nakalayo na ng ilang metro si Jak saka siya pasimpleng nagtago sa likod ng malagong halaman na nasa labas ng book store para obserbahan ito. Kailangan niyang malaman kung sino ang kakatagpuin ng kapatid at kung may kinalaman ba ito sa problema nito. Buti na lang at hindi nito ginamit ang kotse. Mukhang sa High Street lang naman ang meeting place nila.
"Konti pa. Pagtawid ni kuya sa kantong iyon, susundan ko na siya." mahinang bulong niya.
"At kelan ka pa naging detective, Sanya?"
Muntik nang mapatalon sa gulat si Sanya. Nilingon niya ang nagsalita na walang iba kundi si Rocco. Gaya niya ay nakikitago din ito sa likod ng halaman at pilit sinisilip kung ano ang tinitingnan niya.
"Bakit ini-stalk mo ang kuya mo?" takang tanong nito.
Mabilis niyang inilahad kay Rocco ang naobserbahan niyang kilos ng kuya Jak niya. May pag-aalalang bumadha sa mukha ng binata. Alam din kasi nito ang ugali ng kapatid niyang mahilig magsolo ng problema.
"Sasamahan na kita. Ayan, nakatawid na siya! Sundan na natin si Jak." Excited na sabi ni Rocco saka pasimpleng hinawakan ang kamay niya at hinila siya palayo ng lugar na iyon.
Bumilis ang tibok ng puso ni Sanya dahil sa magkahalong kaba, excitement at kilig. Saan kaya sila dadalhin ng ginagawa nilang pag-eespiya kay Jak? Ano ang matutuklasan nilang sikreto nito?
At kailangan ba talagang magka-holding hands sila ni Rocco habang ginagawa ito?!
BINABASA MO ANG
ang breakfast ni sanya
Romanceepekto ng panonood ng fb live ni sanya at pakikinig sa kantang Versace on the Floor nang paulit-ulit :)