ang breakfast ni sanya (Kuya Jak is Back!)

278 19 12
                                    


Sa mga movies at romance novels, madalas na may nangyayaring kakaiba sa elevator.

Nagkakaroon ng malfunction tapos nata-trap ang main characters sa loob ng elevator.

Titindi ang tension sa loob ng apat na sulok ng elevator.

Tapos magkakatinginan ang hero at heroine.

Tapos unti-unting maglalapat ang mukha para sa isang mainit na hali---

"Halika nga dito sa tabi ko, Sanya. Bakit ka ba nandiyan sa sulok?" takang tanong ni Rocco sa kanya.

Nahinto ang paggana ng malikot na imagination ni Sanya dahil sa paghila sa kanya ng binata. Paakyat na sila sa condo unit nila ng kanyang Kuya Jak. Pag-aari naman ni Rocco ang katabi nilang unit.

"Teka, saan ba kami pupunta? His place or mine?" bulong ng pilya niyang konsensiya.

"Ang tahimik mo. Hindi ako sanay ah! Ano bang iniisip mo, Sanya?"

"Wala. Wag mo na lang akong pansinin."

Napailing si Rocco. "Mahirap yan. Paano kitang hindi mapapansin eh ikaw ang center ng universe ko?"

Sinimangutan niya ang lalaki para itago ang kilig na nararamdaman. "Humirit ka na naman ng corny mong pick-up lines."

"Corny na kung corny basta nagsasabi ako ng totoo."

"Ewan ko sa'yo."

Pagdating ng 16th floor ay agad silang lumabas ng elevator. Parang nakahinga ng maluwag si Sanya. Yes! Walang aberyang nangyari! Hindi sila nasiraan. Hindi sila na-trap sa elevator .

At wala ring nangyaring kiss.

"Oh, eh bakit parang disappointed ka?" tukso na naman ng paepal at makulit niyang konsensiya.

"So, saan tayo mag-uusap? Sa unit nyo or sa unit ko?"

Inatake na naman siya ng kaduwagan. "Doon ka pumunta sa unit mo tapos dito naman ako sa unit namin. Saka na lang tayo mag-usap. Bye."

Tinangka niyang tumalikod at humakbang palayo dito pero mas maagap si Rocco.

"Eto na nga ba ang ikinakatakot ko eh. Kaya ang tagal ko bago nakapag-confess sa'yo. Alam ko kasing maiilang ka at lalayo ka lalo sa akin."

"Alam mo na pala eh ano pang ginagawa mo? Just let me go!"

"No! You have to understand that this is a serious matter, Sanya! Mahal kita! Hindi kita ile-let go dahil lang inutos mo. Damn! Ni hindi pa nga ako halos nakakapag-umpisang manligaw, ginaganyan mo na ko." reklamo pa ni Rocco.

Natigilan si Sanya. "Manliligaw ka?! S-sa akin?!"

"Oo! Kung gusto mo, araw-araw kitang ipagluluto, pagsisilbihan, sasayawan.... name it and I'll do it for you! Please give me a chance, Sanya." seryoso at puno ng pakiusap ang mga mata ni Rocco.

How can she say 'no' to that? Sino bang babae ang tatangging maligawan ng isang kagaya ni Rocco? Hindi makapagsalita si Sanya dahil sa emosyon kaya tumango na lamang siya.

"Is that a yes? Pumapayag ka ng manligaw ako sa'yo?"

She nodded again.

Napasuntok sa hangin si Rocco. "Yes! Thank you, Sanya!"

Napailing siya. "Kung makapag-yes ka diyan, akala mo naman sinagot na kita. Manligaw ka muna, mister."

"You can't blame me. Ang tagal ko ring kinumbinsi ang sarili ko na magtapat sa'yo. Buti na lang talaga at nilakasan ko ang loob ko. Kung hindi, hanggang tingin at pang-aasar pa rin ako sa'yo."

"Ibig sabihin, hindi mo na ako aasarin ngayon?"

Umakto si Rocco na parang nag-iisip ng malalim, with matching paghawak pa sa sentido. "Hmmm.. aasarin pa rin siyempre. Sobrang ganda mo pa rin kasi kahit naiinis ka na sa akin." pilyong sagot ng binata.

"Baliw ka talaga! Eh kung bastedin kaya kita right at this moment? Baka umiyak ka diyan." ganting pang-aasar ni Sanya.

Lumapit lalo si Rocco sa kanya at ikinulong ang kanyang mukha sa mga palad nito. "Kapag ginawa mo iyan, siguradong hindi lang iyak ang gagawin ko. My entire world will be ruined. My heart will surely break and my mind will think of thousand ways to change your decision. Sanya, I won't let you go easily. Ako ang pinakamakulit, pinakaguwapo at pinaka-hot na manliligaw na mae-encounter mo. Keep that in mind."

Rocco's statements overwhelmed her. Hindi nakapagsalita si Sanya at tinitigan na lamang niya ang binata. Her heart is urging her to end his dilemma, just say yes and accept his love. But her mind keeps on saying that everything is happening so fast.

"Kalma lang, heart. Wala ka sa marathon, di mo kailangang magmadali." bulong niya.

"Good luck na lang sa panliligaw mo." bulong niya.

May kapilyuhan na naman sa ngiti at kislap ng mga mata ni Rocco. "Wala ba akong good luck kiss diyan?"

Kiss na naman! Paano ba siya kakalma kung laging sa halik nauuwi ang seryoso sanang usapan nila ng lalaking ito?

Itutulak niya na sana palayo ang binata nang mapansin niya ang pagbukas ng elevator at paglabas doon ng isang pamilyar na bulto. Nanlaki ang mga mata ni Sanya sa pagkabigla.

"Kuya Jak?!!"

"Rocco, Sanya... what are you guys doing?" kunot-noong tanong nito. Bahagyang dumilim ang mukha ng modelo nang makitang halos walang distansiya sa pagitan ng dalawa at hinahaplos pa rin ni Rocco ang mukha ng kanyang kapatid.

"Jak, I'm courting your sister."

Pigil-hiningang hinitay ni Sanya ang isasagot ng kapatid.

"We have already talked about this, Rocco. And my answer remains the same. It's a big no. Stay away from my sister!"

Nilapitan siya ng kapatid at hinawakan sa kaliwang braso. Agad namang kumilos si Rocco at sa kanang braso niya kumapit.

OMG! Hindi niya pinangarap na mapasali sa ganitong klaseng tug of war!

"Sorry, Jak! Hingin mo na ang lahat ng bagay, wag lang iyan. Hindi ko kayang isuko si Sanya."

Naningkit ang mga mata ni Jak. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Napatili na lang si Sanya nang tumama ang kamao ng kanyang kuya sa mukha ni Rocco!


ang breakfast ni sanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon