ang breakfast ni sanya (the cooking lesson)

337 16 8
                                    


"Ano ba kasing pumasok sa kukote ko at napapayag ako sa trip ng mokong na to?"

Iyon ang paulit-ulit na itinatanong ni Sanya sa sarili habang naroroon siya sa kitchen ng Rocco's Bistro at pinapanood ang may-ari habang nagluluto ng ipinagmamalaki nitong special tapsilog. Kanina pa siya binigyan ni Rocco ng kopya ng recipe kaya kung tutuusin, puwede na siyang umalis. Pero daig pa niya ang may epoxy sa paa at hindi makahakbang palabas ng kusina.

Something about the image of Rocco wearing that white apron makes her heart skips a beat. Kung sexy na ang lalaki kanina sa suot nitong outfit na pang-exercise, dumoble pa yata ngayong nakapagbihis na ito ng simpleng blue t-shirt at denim pants na dinagdagan pa nga ng puting apron.

Is that even possible? Kelan pa naging sexy ang pagsusuot ng apron?!

"Yes, that's possible."

"Hah? Ano'ng sinasabi mo?" natatarantang tanong ni Sanya.

"Ang sabi ko, posible ngang mabago ang lasa ng tapa depende sa ipapartner mo ditong fried rice and egg. Kaya dapat pinagtutuunan din ng pansin ang pagluluto non." paliwanag ni Rocco.''

"Ah, okay. I'll keep that in mind." sagot na lang niya.

Maya-maya pa'y nakatapos na itong magluto at sabay na nilang nilalantakan ang special tapsilog na iyon.

"Grabe, tapsilog na yung kinain ko for breakfast tapos ang meryenda ko tapsilog pa din?! Di na ko kakain ng lunch nito." reklamo ni Sanya.

"It only proves na masarap talaga ang luto ko di ba?" hirit ni Rocco sabay kindat.

Sinimangutan niya ang lalaki. "Oo na, sige na. Sasabihin ko nang magaling ka magluto, matigil ka lang sa kayabangan mo."

Halakhak lang ang naging tugon ng lalaki. Ilang sandali pa ay may panibago na naman itong hirit.

"Ang tahimik dito sa kitchen, kumanta ka naman Sanya. Yung Versace on the Floor ulit."

Eh talaga namang ang lakas mang-asar ng isang ito! Ipinaalala pa ang impromptu performance niya kanina with matching pagpiyok sa chorus!

Nakataas ang kilay na sinagot niya ang request nito. "Sige, kakanta ako pero dapat sasayaw ka! Ano, deal?"

"Deal!" malakas ang loob na tugon nito sa hamon niya.

Tumikhim muna si Sanya bago inumpisahan ang pagkanta.

Let's take our time tonight, boy

Above us all the stars are watchin'

There's no place I'd rather be in this world

Your eyes are where I'm lost in

Underneath the chandelier

We're dancing all alone

There's no reason to hide

What we're feelin' inside right now

Sa unang verse ay simpleng pagse-sway lang ng katawan ang ginagawa ni Rocco. Pero pagdating sa chorus ay muntikan ng masamid si Sanya dahil biglang naging mas sexy ang galaw ng binata at unti-unti pa itong humakbang papalapit sa kanya!

So, baby, let's just turn down the lights and close the door

Ooh, I love that dress but you won't need it anymore

ang breakfast ni sanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon