"Ano'ng gagawin ni kuya dito?" takang tanong ni Sanya habang inililibot ang tingin sa loob ng Cherry Blossoms Café. Isa ito sa pinakabagong establishment sa Bonifacio High Street area. Ang special feature ng naturang café ay ang library at book store sa loob nito. Ang mga customers ay puwedeng humiram at magbasa ng libro habang ini-enjoy ang pagkain at inumin nila. Tahimik, malinis at napakaaliwalas ng lugar. A perfect haven for every introvert and bookworms out there.
Definitely, not the kind of place where her brother would usually hang out.
"Masarap ang mocha frappe nila dito. Baka yun ang ipinunta ni Jak." kaswal na komento ni Rocco.
Sinimangutan ni Sanya ang lalaki na prenteng nagbabasa ng magazine. "Really? That's the best conclusion that you can come up?"
"Ano ba kasing ine-expect mong makita dito?"
"Gusto kong malaman kung sino ang ime-meet ni kuya. Malakas ang kutob ko na may kinalaman yun sa pinoproblema niya ngayon." sagot niya sabay pasimpleng sinilip ulit ang kinaroroonan ng kapatid.
Mag-isa itong nakaupo sa pinakasulok na mesa, halatang may hinihintay base na rin sa madalas nitong pagsulyap sa suot na relo at sa entrance ng café. Buti na lang talaga at may nakasabay silang matatangkad na lalaki sa pagpasok nila kanina kaya hindi sila napansin ni Jak. Sakto namang bakante ang isang mesang halos natatakpan ng estante ng mga libro kaya doon sila umupo para hindi sila makita ng kapatid niya.
"Nandito na rin lang tayo, bakit hindi mo na lang enjoyin itong in-order natin?" Iniumang nito malapit sa bibig niya ang kutsarang may chocolate cake. "Say ahh!"
Wala sa loob na tinanggap niya ang alok nitong pagkain. Pagkatapos lumunok saka lang na-realize ni Sanya ang isang bagay.
OMG! Kahit sino'ng makakita sa ayos nila ngayon, iisipin agad na nagde-date sila ni Rocco!
Tatarayan niya sana ang lalaki nang bigla itong sumenyas na tumahimik siya. Itinuro nito ang direksiyon ng kuya Jak niya at nagulat siya dahil isang babae ang naroon. Kasulukuyan itong inaalalayan ng kuya niya sa pag-upo. Gulat na nagkatinginan sila ni Rocco nang sabay nilang mapansin na nagdadalang-tao ang babae.
"Kainis! Nakikita nga natin sila pero di naman natin marinig ang pinag-uusapan nila." bulong ni Sanya.
"That woman must be very special to Jak." komento ni Rocco.
"Paano mo naman nasabi yan?"
"Bestfriend ko ang kuya mo kaya kilalang-kilala ko siya. Sanay si Jak na napapaligiran ng magagandang babae dahil sa trabaho niya. Yes, that woman is undeniably cute pero magmumukha lang siyang ordinaryo kung itatabi mo sa ibang babaeng nagpapapansin sa kapatid mo. But look at him! Halos hindi siya hinihiwalayan ng tingin ni Jak."
Tinitigan ni Sanya ang dalawa. Oo nga no? Isang tingin pa lang at makikita na ang naghuhumiyaw na katotohanan. Her brother was clearly smitten, captured by this mysterious woman's charm.
Itinuon niya ang pansin sa babae. She's very petite and like what Rocco have said a while ago, undeniably cute. Bagay na bagay dito ang pink na maternity dress na tinernuhan ng itim na leggings. Naka-ponytail ang mahaba nitong buhok at walang bahid ng cosmetics ang mukha. Her black-rimmed eyeglasses gave her a serious aura. Pero agad napalis ang pagiging seryoso nang ngumiti ito at lumabas ang dimples sa magkabilang pisngi.
"In fairness, ang galing mong mag-observe ha! May balak ka bang maging detective, Rocco?"
Bahagyang natawa ang binata sa sinabi niya.
"Detective agad? Hindi ba puwedeng in love din ako kaya nahalata ko agad ang kilos ng kuya mo? Nagkakaganyan din kaya ako kapag malapit ka sa akin."
Nako-conscious na nag-iwas ng tingin si Sanya. Eh bakit kasi napunta sa aming dalawa ang usapan?!
"Change topic na nga. Sina kuya dapat ang pinag-uusapan natin dito!" saway ni Sanya kay Rocco.
Ang kaso, ayaw magpaawat ng pasaway na lalaki.
"Hindi naman natin sila marinig di ba? So, let's just talk about us. Tutal parang ito na rin ang first date natin."
"First date ka diyan! Tigilan mo nga ako, Roc---"
Nahinto ang paglilitanya niya nang marinig ang malakas na paghampas ni Jak sa mesa. Kahit ang ibang customers ay napatingin sa gawi nito. Mukhang may pinagtatalunan ang dalawa dahil nakita niya ang tila pagpupunas ng luha ng babae bago ito mabilis na tumayo at humakbang palabas ng café. Isinubsob ni Jak ang mukha sa dalawang palad, isang bagay na ginagawa nito kapag gustong pakalmahin ang sarili.
"Oh come on, Jak! Don't let her get away, man! Stand up and follow her!" nanggigigil na bulong ni Rocco. Parang magic naman na narinig yata ng kuya niya ang mga salitang iyon dahil ilang sandali pa ay tumayo ito at sinundan ang kaaalis lang na babae.
Natulala si Sanya sa mabilis na mga pangyayari. Ano nang gagawin nila ngayon? Susundan pa rin ba nila ang dalawa?
Parang nabasa naman ni Rocco ang iniisip niya. "Let them settle this issue on their own. Baka makagulo pa tayo sa diskarte ni Jak kapag sumunod tayo sa kanila."
Tumango na lamang si Sanya. "Okay. Salamat sa pagsama sa akin, Rocco. Uuwi na lang ako."
Tatayo na sana siya nang biglang hawakan ni Rocco ang mga braso niya. "Ang daya! First date natin tapos iiwan mo na lang ako nang basta basta. No way!"
Sinimangutan ni Sanya si Rocco. "Ano ba kasing gusto mong mangyari?"
"Sagutin mo na ako at maging tayo na! Iyon talaga ang gusto ko." mabilis nitong sagot sabay kindat sa kanya.
"Eh kung kamao ni kuya ang sumagot sa'yo, gusto mo ba?" taas ang kilay na sabi ni Sanya. Pilit niyang itinatago sa pagtataray ang kilig na naramdaman dahil sa pasimpleng hirit ni Rocco.
Tinawanan lang siya ng binata. "Nood na lang tayo ng movie para mabawasan ang init ng ulo mo. Please, pumayag ka na, Sanya!"
Hindi nakatiis na hinalikan pa ni Rocco ang kanang kamay niyang hawak nito. Napasinghap si Sanya lalo na nang mapansin na kanina pa pala sila pinapanood ng ibang staff ng café pati ng ilang customers. Deadma lang naman si Rocco sa 'audience' nila.
"Kailangan ko pa bang lumuhod para pumayag ka? Sige, kaya ko ring gawin yon."
Impit na tumili si Sanya. "Okay na! Sige na! Oo na!"
"Oo?! Sinasagot mo na ako?!" ngiting-ngiti na hirit ni Rocco.
Kinurot ni Sanya ang tainga ng makulit na lalaki. "Oo na, manood na tayo ng movie para manahimik ka na!"
"Sayang! Akala ko, makakalusot na." natatawang bulong ni Rocco.
Pagkatapos bayaran ang bill, magkahawak-kamay na lumabas sila ng café upang magtungo sa sinehan.
BINABASA MO ANG
ang breakfast ni sanya
Romanceepekto ng panonood ng fb live ni sanya at pakikinig sa kantang Versace on the Floor nang paulit-ulit :)