Chapter 2: School Days.3

1.5K 15 2
                                    

Johan

Grabe! Naiistress na ako dito. Wala naman akong ginawa sa buhay kundi mag-aral ng mag-aral ng mag-aral. XD Pati siguro kayo naiistress? Well, atleast buti nga jan ako naiistress kesa sa iba diba? Hmm. Haha.

Maiba nga, nag-usap kasi kami ng bestfriend? Or dating bestfriend? Kong si Jan. Aba, heart to heart pa nga ang peg namin nun, na kulang nalang ata eh mapaluha ako. Ewan ko ba.

Miriam College, 6:30am

Napagisipan kong pumasok ng school ng maaga. Bakit? Wala lang. Maiba naman. Tska, baka kasi makita ko lang si Jan at Bianca na naghaharutan. Nga pala, madalas na kasi kaming hindi magsabay ngayon. At pag sinabi kong pumasok ako ng maaga, hindi ko expected na maaga din pala silang papasok ngayon. Sinong sila? Edi si Jan at Bianca.

“Johan! Johan!” si Jan, ang bestfriend ko… dati.

"Oh bakit?" sabi ko naman na parang nanghihina.

"Musta na Best friend!!! Miss na miss na kita!!!” masaya nya pang bati. Uy, bestfriend nya pa pala ako.

Ngumiti ako sa kanya, at sabay ng umalis. Gustuhin ko mang tumakbo, hindi ko maiiwasan na baka iba ang isipin nilang dalawa pag tumakbo ako. Habang naglalakad ako ng mabilis, bigla akong hinila at naabot ni Jan.

"Bakit? ano bang problema mo?” mainam na tanong ni Jan sa akin, pero wala si Bianca sa tabi niya ngayon. Nakatalikod pa din ako sa kanya. Bigla niya akong pinaharap sa harap niya. Nagulat siya kasi lumuluha ang mga mata ko.

"Bakit?" sabi niya ulit.

"bakit? ask yourself kung bakit ka nagbago. Ask your friends bakit ka nagbago. You just met that stupid girl at nagkandarapa kana sa kanya, akala ko ba hindi mo papatulan yun? I don't care kung girlfriend mo siya or whatsoever kind of friend. Hindi ko nga alam kung ako pa din yung bestfriend mo eh. Wala na ako sigurong magagawa kung mas pipiliin mo siya diba? like who cares naman kasi kung ganito ako. Sorry ha, hindi naman kasi ako kasing LANDI, GANDA at FLAWLESS ng BIANCA mo!” diin kong sabi sa kanya at tuluyan ng naglakad papuntang classroom.

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yung mga salitang yun. Matinding selos? Siguro. Pero, bakit parang hindi naman ata angkop sa akin ang ganon diba? Wala naman kasi akong rason para magselos. Bestfriend lang nya ako. Bestfriend. Maraming nabibiktima dahil sa salitang yan. Pero maski ako sa sarili ko, nabiktima.

Ayoko na ng ganitong buhay.

Buong klase akong tahimik, si Alex at Bruce nalang yata talaga ang natitira kong mga kaibigan, pati narin yung mga dating kaibigan ni Jan, nagtaka nadin kung bakit naging ganun yun.

Si Alex nilapitan ako, "uy Johanny." sabi niya. Natawa ako sa kanya. Tumingin ako. Alam niya yatang umiyak ako.

"Ba't maga yang mata mo ha? Sinong nagpa-iyak kay Johan ha? sasapakin ko." sabi pa niya.

Buti pa si Alex nagagawa pa akong patawanin. Parang nalimutan ko rin ang mga problema ko pag kasama ko sila ni Bruce.

"Sorry alex. Si Jan kasi..." hindi pa nga ako nagkukwento umiyak nanaman ako. Pero binulungan niya ako na andun si Bianca, baka maisip niya na umiiyak ako dahil natalo niya ako.

 "sa bahay ko nalang i-kukwento sayo alex." sabi ko sa kanya.

.....

Nakakapagtaka lang dahil ngayong dismissal, andun si Paolo, si King at si Bruce sa gate namin. May dala silang flowers, alam kong kay Jan galing yun. Sya lang may alam ng paborito kong bulaklak.

“Johan, flowers for you!” patawa pa nilang sabi. Eepekto sana sakin yan, kung di lang dahil sa galit ko sa kaibigan nila.

"ITAPON NIYO YAN." Madiin kong sabi na ikinagulat nilang tatlo. Sorry guys, pero masyado na ata akong sasaktan.

"Sayang Johan." hirit ni Paolo.

"Paolo, sorry. Pero kung gusto mo iyo nalang yan. Alam ko kung kanino galing yan. Baka nga anjan lang yan sa paligid. Nagmamasid at nakikinig. Pero, hindi ko matatanggap yan ngayon. Masyado na akong nasaktan. Uuwi na muna kami. Sumunod nalang kayo kung gusto niyo.” Mahinahon kong sabi.

Sorry Paolo ha. Hindi naman kasi talaga ako sayo galit. Kundi sa, sa taong nagbigay niyan sa akin na minamahal ko, pero sobrang manhid ba talaga kaya ako nasasaktan ng ganito?

Ipagpapatuloy.

Lucky I'm inlove with my Bestfriend :) (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon