Chapter 3: Semestral-Break.6 (Last Part)

1.5K 16 2
                                    

Note: maybe may mga italicized dito, but it may be JAN's thoughts, and the BOLDED is the author's pov/narration. Edited!

-------------------------

Johan

Kakauwi ko lang ng bahay may pinuntahan kasi kami. May nag-text kaagad sa akin.

" i miss you." nagreply ako..

"drama mo best. "

Hindi na nagreply.

Maya-maya habang nag-oonline ako, may tumatawag. "oh hello?" sabi ko.

"hi." sagot naman ni Jan.

"problema mo ba?" tanong ko.

"wala naman kasi may pasok na tayo bukas. nakakatamad." sabi niya.

"di ah. masaya nga eh." sagot ko.

"sabay na tayo ha!"

"opo sir. Teka, bukas nalang tayo mag-usap." sabi ko.

"bat naman?" tanong niya.

"eh kasi busy ako nagb-blog kaya ako!"

"..."

"yan ka nanaman. di naman ako mawawala eh. Tanaw na tanaw nga kita sa bintana." patawa kong sinabi sa kanya.

"okay sige. have fun!" sabi niya.

"haha talaga!" sagot ko.

....

"Ah eh, Johan! gising na!" sabi ng yaya ko sa akin.

"Ya, wala pa akong pasok!" sagot ko.

"Anong wala? meron na! Lunes ngayon!" sabi niya.

Inalog pa ako sa kama tapos pinakita yung kalendaryo. Nagulat ako.

"Ay oo nga pala!" sagot ko.

"Grabe ka ngayon Johan, hirap mong gisingin!"

"Sorry po naman!" nagmadali na ako.

Panic dito, panic doon.

"Morning, mom,dad!!" sabay beso ko sa kanilang dalawa.

"looks like your stressed?" tanong ng dad ko sa akin.

"nah, kasi medyo late po gising ko." sagot ko.

"oh i see." sabi niya.

"go ahead take your breakfast." tumungo nalang ako bilang oo. Maya-maya may nambulabog na.

"Morning Tito, Tita." si Jan nanaman, Kinuha na yung bag ko....

Bigla kong minulat mga mata ko. Nge panaginip lang pala yung pangbubulabog ng yaya ko saakin.

..........

Nakatulog na pala ako pauwi ng bahay galing sa charity event namin nina Jan. Tinignan ko siya..

"oh bakit?" sabi ko.

"w-wala." sagot niya na medyo natatawa.

"ano nga!" pinilit ko siya.

Bigla siyang tumawa ng tumawa.

"pano kase, ngayon lang kita nakitang nagsasalita habang tulog!" sabi niya sabay tuloy sa pagtawa.

Tumahimik nalang ako kasi nahiya ako eh. Tapos nangulit..

"Uy sorry na!" sabi niya.

"Eh kasi ewan ko ba namang nagsasalita ka na pag tulog!" dugtong pa niya.

Lucky I'm inlove with my Bestfriend :) (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon