Chapter 1: First day of classes.4

2K 17 0
                                    

Johan

Outside of Miriam College Campus, 12:10pm

Sa wakas! tapos na din ang fist day of classes. Kasama ko na si Alex, inaantay namin si Jan at si Kuya Jose.

"HI MY PRINCESS!" sigaw ng lalaki na tanaw na tanaw kong si Jan na kagad.

"MANAHIMIK KA!" sabi ko sa kanya.

"Johan! Alis nalang kaya ako, baka makaistorbo ako sa inyo eh." sabi ni alex sa akin.

"Wag please?! mamaya ma rape ako ng dalawang niyan!" tumawa kami.

Ayun, may kasama naman palang lalaki si Jan.

"Johan si Bruce, classmate ko." pakilala ni Jan sa akin.

"Hi Bruce." sabi ko.

"Ay oo nga pala, Jannny at Bruce si Alex. Classmate ko din." sabi ko.

"Hi Alex." sabay nilang bati.

"hello." sabi naman ni alex.

Si Bruce kung idedescribe, ayos lang naman, cute siya! pero loyal ako sa bestfriend ko! =) Kung may gugustuhin man akong ipartner kay Bruce si Alex na yun for sure!

Beep.Beep.Beep

 "Ayan na si kuya jose!" sabi ko.

"tara." sabi naman ni Jan.

Pumasok na kami sa kotse.

"Guys, sa bahay nalang kayo maglunch." alok ko sa kanilang 3.

Pero syempre umo-o na si Alex sa akin.

"Sige! Dun tayo sa kanila bruce!" sabi naman ni Jan.

Ngumiti lang si Bruce.

Tinawagan ko ang mommy ko para makapaghanda ng makakain namin, well I hope she's there.

"Ma, sa bahay po kami nila Jan kakain. Kasama yung 2 naming friend ha! tas baka pumunta kami ng mall." sabi ko sa mommy ko.

"Nako Johan, wala kami ng Daddy mo sa bahay, magpa deliver nalang kayo  ha? may meeting kami dito sa Cebu eh. sorry dear." sabi ng mommy ko.

"Sige ma. Ingat kayo. I love you bye." Sabi ko.

Ohwell, main problem pag businessman and woman ang parents. Minsan lang sila magparamdam.

"Bakit?" sabi ni Jan sa akin, napansin sigurong malungkot ako.

"Nasa Cebu sila mommy! di man lang sinabi sa akin! ang daya! -_- so, papa deliver nalang tayo."  sabi ko naman.

"Ano? Pizza? KFC? Papabili nalang ako ng Starbucks kay yaya. okay lang?" sabi ko.

"DEAL!" sabi nina Bruce at Jan.

Si Alex, umoo nalang. 

Dela Vega Residence ,1:00pm

"Sorry guys ha medyo late na tayo makakapaglunch." sabi ko sa kanila.

"Okay lang Johan!!" sabi ni Jan.

"So ano? T.V room? or Living Room? Tatawag lang ako para magpa deliver." Sabi ko.

"Dun kami ni bruce sa T.V room palaro ng Wii!" Sabi ni Jan sa akin.

"Sige, buksan mo na din yung Wi-Fi" utos ko.

"Ikaw Alex?" tanong ni Jan.

"ah, sasamahan ko nalang muna si Johan." sagot niya.

Kami nalang ang natira sa baba ng bahay.

"Alex anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya.

"Sige Johan, kahit ano jan. Hindi ko kasi alam kung anon yung pipiliin ko jan." sagot niya sa akin.

Napansin ko ngang hindi masyado nakakagala si Alex, so tumawag na ako nag-order, nagpabili na ng dapat bilhin at yun tapos.

"Oh tara sa T.V room?" sabi ko sa kanya.

"sige." sabi naman ni Alex.

Nasa T.V Room na kami busy sina Jan at Bruce sa Wii. Si Alex naman parang first time lang makakita ng mga ganoong gamit na hi-tech.

"Walang ganito sa kumbento?" out of curiosity, natanong ko sa kanya.

"Ano ka ba Johan, hindi naman kasi parang Bahay yung kumbento, siguro T.V lang ang nandun sa kwarto ko. Hindi tulad ng nandito! parang nasa mall na ako eh." Naiiling at natatawa niyang sagot.

Grabe naman yung buhay ni Alex sa kumbento!!! Pero, obvious naman kasing kumbento so why bother? Haaaaaaaaaaay!!

Minutes later, tinawag na kami ni manang kasi nakahain na daw ang pagkain.

Bumaba na din kami, at kumain, mukhang may feast lang dahil andaming foods. After nun, bumalik kami sa t.v room. And played some games and of course nag enjoy si Alex.

Almost 5pm na, kinailangan na nilang umuwi.

Sina Jan at Bruce pumunta munasa bahay nila.

"Kinakabahan ako umuwi Johan. Baka pagalitan ako nila Father eh." sabi ni Alex sakin.

So nakaisip ako ng Idea na ihatid siya sa kumbento at kausapin sila father. 

Our Lady of Faith Convent, 5:20pm

"Johan dito na tayo. Sorry ha naabala pa yata kita." sabi ni Alex sa akin.

"No worries alex." masaya kong sabi.

Pumasok na kami sa kumbento, Hati sa bilang ang nandun may mga lalaki at babae din. At tulad ng sabi ni Alex, tv nga lang ang meron sila. 

"Asan si father?" tanong ko sa kanya.

"Ay oo nga pala, dun tayo sa Office." Naglakad kami sa office.

Feeling ko naman mababait yung tao dito sa loob, maayos rin ang pamumuhay at siguro hindi nagkakalayo ang pinagdaanan ng mga tao dito kay Alex.

Kabandong kinatok ni Alex yung pinto.

"Father, sorry medyo nalate akong umuwi." Bati ni Alex kay Father.

"Hindi pa naman late. Pero wag mo na masyadong gawin yan, halos lahat dito nangangamba sayo. Teka, sino ba yang kasama mo?" tanong ni father.

Kumaway ako kay Father at pumasok na kami ni Alex sa loob ng Office.

"Father Gonzales, si Johan Dela Vega po, bago kong kaibigan." pagpapakilala ni Alex sa akin.

"Hello father, good evening po." Dali dali akong nagmano kay father bilang respeto.

"Ah, ikaw ang anak nila Mr. & Mrs. Dela Vega ng Dela Vega Imports?" tanong niya.

"Ah eh, opo :)" sabi ko.

Inexplain ko naman kay father kung bakit nalate si Alex, okay lang naman daw sa kanya yun. Ang ayaw lang ni Father eh yung sobra ng gabi ang uwi ni Alex.

Kaya nagpaalam na din ako kela Alex, at Umuwi na..

Ipagpapatuloy.

Lucky I'm inlove with my Bestfriend :) (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon