Chapter 2: School Days.

1.6K 15 0
                                    

Johan

Regular school days na, mas naging close na kami ni Alex. Samanatalang si Bianca, pilit na gustong maging kaibigan ako. Nako! sa Ka-Plastikan niya nung 1st day, asa pa siya! Kalat na kalat nga sa classroom na ka-text na nga ni Bianca si Jan.

Which is True.

Hindi naman sa nagseselos, o SIGE NA NGA! NAGSESELOS ako! pero kasi okay lang sana sa ibang babae, bat kay Bianca pa.

These past days, madalang nalang syang sumabay sa amin.. Kung sasabay man... wala syang sasabihin kundi..

'nagtext si bianca johanny!!!' or....

'pinagusapan namin ni bianca abt sa..' 

PUTCHANG BIANCA.

One time, habang nasa classroom kami, ANG YABANG NI BIANCA.

PAREHAS LANG SILA NI JAN. 

SIGE PAGDIKITIN KO NA SILA. ASAR!!!

Buti pa nga sina Alex at Bruce, ngayon ko lang nakilala, pero totoo sa akin.

One time, nilapitan ako ni Alex.

"Uy johan." sabi niya sa akin.

"Hi alex." sabi ko naman sa kanya.

"Okay ka lang?" tanong niya.

"Yup, busy lang dito sa ahm, temple run." tumawa kami.

Pero deep inside, ONTI NALANG. GIGIVE UP NA AKO.

MAHIRAP KASI.

Yung bestfriend mo?  Napossess ng super evil bitch. 

"weh? mag-usap nga tayo mamaya." sabi niya sa akin.

Ngumiti nalang ako.

Ganon ba talaga pag true friend? konting emote mo lang, alam na niyang may mali sayo. Hindi ko alam kung bakit ako ganito ka OA magselos. Alam ko namang bestfriend niya lang ako. Hindi ko sure kung may gusto si Jan sa akin. Baka dati meron, pero mas nagustuhan niya si Bianca.

Dismissal na.

Lumapit si alex sa akin, sinabi nyang wag nalang kami sa room mag-usap alam nyo naman kasi nga may mga taong di dapat 'daw' makarinig ng pag-uusapan namin. So she suggested na dun nalang kami sa bahay. 

Dela Vega Residence, 5:00pm

At home, umakyat na kami sa kwarto. Alam naman nila daddy yung pag sleep-over ni Alex. So hinatid ko muna si Alex sa kwarto ko. Bumaba ako. Napansin ata ng Mommy ko na hindi na si Jan madalas pumupunta ng bahay.

"Johan." sabi ng mommy ko.

"Po?" sagot ko naman.

 "May problema ba  kayo ni Jan?" tanong niya sa akin.

"Ah, eh. Hindi ko po alam eh, may nililigawan po yata." sabi ko.

"Oh. I see." sabi niya.

Iniwan ko na si Mommy kasi busy siya.

Umakyat na ulit ako sa kwarto.

Andun lang si Alex sa BFF corner namin ni Jan. Eto yung part ng kwarto ko na puro memories namin. Simula bata, mga baby pictures, first day of school pictures, unang away, (meron ba?) tas mga kalandian namin sa buhay. 

"Oh, problema mo." sabi niya.

"Kasi eh." Alam na niya yata ang sasabihin ko.

"Ano? Nagseselos ka kay Bianca noh?" alam na alam.

"Hayaan mo sila. Pagsisisihan niya rin yun, or else babalik din siya sayo." Sabi niya sa akin na nagpangiti sa akin. 

Lucky I'm inlove with my Bestfriend :) (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon