Chapter 2: School Days.4

1.5K 15 0
                                    

Johan

Araw ang nakalipas nung nangyari ang hindi naman pagkakaintindihan ni Jan, buti at napatawad rin ako ni Paolo kasi nag-sorry na ako sa kanya. Si Jan naman, walang kibuan tuwing nagkikita. Parang hindi na nga kami magkakilala eh. Si Bianca naman todo ang paglalandi niya kay Jan. Pero who cares? wala na akong paki sa kanilang dalawa. Moved-On na ako noh! Masayahin na! Kaso napansin rin ata nila Alex na nagbago ako, hindi sa ugali kundi sa itsura ko from head-to-toe hindi ko alam kung pano pero the way daw na manamit ako nagbago na.

Madalas na kasi akong mag-shorts,crop tops, sneakers or somewhat. Hindi daw tulad ng dati balot na balot na kulang nalang yata eh ang malong para magmukha na akong muslim. Paano kasi narealize ko sa sarili ko na mukha na pala akong jologs manamit kaya yun naglinis ako ng closet. As in lahat ata ng damit ko pinamigay ko sa charities. Tapos namili ulit ako. Akala kasi ng iba eh. Yung iba akala hindi ako ang anak nila Daddy, edi ipapakita ko sa kanila yung Johanna Dela Vega na hinahanap nila, pero hindi ibig sabihin nun eh sasali na ako sa Boy Magnet Group.

NEVER! Mangyayari yun. Pananamit lang naman ang naiiba sa akin. Lagi na kami ni Alex magkasama, sila ni Bruce mas lalong sweet na. Kaya nga nung nasa mall kami pinag shopping ko din si Alex. Pansin ko kasi na wala siyang masyadong damit. Lagi nalang paulit-ulit yung mga damit niya so yun. Atska malapit na din pala Birthday ni Alex so advance gifts ko na rin siguro yun. :)

Shangri-la Mall, 10:30am

Ang aga namin, kasi may party pa sa bahay ng gabi for some victory party ata because yung company namin ranked #1 as the well-known company in the Philippines since September 2008.

Wow, 3 years na pala hawak-hawak ng pamilya yung rank na iyon. Proud lang! Hehe.

inundo ko si Alex sa Kumbento nila at sinabi ko din kela father na dun ulit si ALex matulog sa amin due to the Party nga, niyaya ko rin sina father pumunta sa bahay kaso ayaw nila, nahihirapan raw silang makipagsabayan sa mga mayayaman. Natawa nalang ako.

 So eto nandito na kami sa shang, naghahanap ng pwedeng isuot mamaya, formal attire daw yoko na mag gown di ko naman debut at 14 pa lang ako so dress nalang and pumps siguro.

Si Alex din binilhan ko, aayaw pa nga sana siya kaso sorry nabilhan ko na siya. Si Bruce naman susunod nalang daw sa bahay kasi may appointment pa ata siya sa dentist niya. Masaya naman yung pamimili namin ni Alex, kahit papano nalimutan ko na may pinagdadaanan ako. As usual ang attire namin mamaya is yung favorite colors namin. Blue kay Alex, at Pink sa akin. 

Dela Vega Residence, 6:30pm

Kaka-start palang ng programme for the party. As usual yung mga tao class, ka level ng pamilya namin. Payabangan pa yung iba. Ugh bahala sila buti nalang andun yung table namin, nakangiti na sina Bruce, Paolo at King sa amin ni Alex at lumapit na kami sa kanila.

"you girls, look gorgeous!" hirit ni Bruce sa amin.

"Weh,talaga! si Alex lang kaya." patawa kong sinabi.

"shh bayan Johan." pabulong ni Alex sa akin.

Kumain, nagkwentuhan, at nagtawanan kami sa table namin. Hanggang sa dumating si Jan at si Bianca, parang mag-pprom lang silang dalawa. Natawa nga ako sa kanila eh. At yun ang kapal pa ng mukha ni Bianca kasi sabi niya umupo daw sila ni Jan sa table namin. At umupo nga!

 Walang kibuan kami ni Jan. Until kinausap ako ni Bianca..

 "Hi Johan, where did you bought your dress?" mataray niyang sabi.

"Uhm, sa shang lang. Nahiya naman ako sa gown mo bianca. Sa pagkakaalam ko kasi, ako ang nagrequest kay daddy na formal attire lang hindi JS PROM attire." at tumayo na ako palayo sa kanila.

Nagulat ako kasi sumunod rin sina Bruce sa akin.

 As usual naiwan sina Jan at Bianca sa dating table namin.

 Biglang dumating si Jan sa amin, "hi guys." parang walang narinig, walang kumikibo.

 "uy pansinin niyo naman ako." sabi pa niya na akala mo kung sinong inosente.

 "Hi jan." sabi ni King.

 "samahan niyo naman ako sa table."makaawa niya.

 Nainis ako so bigla akong napasabat.

 "Ikaw lang? i thought you were having a date i think with your annoying boastful girlfriend!" sabi ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako sabay balik ulit ang tingin niya kay King.

 "Sorry pare, dito nalang ako baka maistorbo ko pa kayo ni Bianca eh. Sorry ha." sabi ni King sa kanya.

 Tumalikod siya sa amin, at bumalik kay Bianca. Kung pwede lang sanang habulin siya at mag-sorry. Kaso, hindi ako ganyang tao. Nagpapatalo kung hindi karapat-dapat. Sorry Jan ha, ikaw kasi ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito, masyado mo akong sinaktan eh. Bumabawi lang ako.

Ipagpapatuloy.

Lucky I'm inlove with my Bestfriend :) (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon